Showing posts with label Adarna House. Show all posts
Showing posts with label Adarna House. Show all posts

Friday, May 9, 2025

Book Review: Wayang Alimagnum

 

Wednesday, November 25, 2020

Back to Back Book Reviews: Agileon '55 and I Decided To Live as Me


A dear friend who has passed on once told me that I must keep three kinds of friends. One who is older than I am to assure me that everything is going to be alright after many failures and defeats. One who is my contemporary so that we can both laugh at our mistakes. And one who is younger than I am to remind me that heart breaks are essentially good to live a full life. 

 This book is that third friend. It is wounded and learning. It is young and convicted. It is honest and brave. This is the book -- the friend, that I appreciate reading given the circumstances I am in at this moment of my life. 

I Decided to Live As Me By Soo-hyun Kim Translations by Ma. Kristina Carlo Rico and Kyung-min Bae APop/Adarna House 2020

Rating: Four Bookmarks

This is a special book sent to me by the Solina sisters,
Bernadette
,
Joy
and
Yvette
whom I have met and worked with in varied and different ways. Now I know the source of their intelligence and grace while reading Agileon ‘55 in Saudi Arabia: Memoirs and Perplexities of a Project Manager by Romeo A. Solina.

Through this book, I was invited into the colorful lives of the Solinas, most especially from their father as I gain insights about military science as applied to program management. Even the author’s reflections of the little things that appear mundane are elevated into virtues I often look for in every day life. Snoopy is the best, Mr. Solina. I agree with you, 💯 percent!

Rating: 3 Bookmarks

Tuesday, October 6, 2020

Kuwentong Musmos Author Interview: Joanna Que


Here is the blog interview of Ms. Joanna Que, author of Sayaw ng mga Kamay (2019) and illustrated by Fran Alvarez. Sayaw ng mga Kamay is one of the twenty books that Adarna House published under the Kuwentong Musmos Project of Room to Read.

Why are you writing for children?

I write for children because I want to ignite that innate sense of wonder in them through stories that they can hopefully enjoy, relate to, and be inspired by.  

What is your Philippine Children’s Literature origin story? (How did you start writing for kids and getting published?)

It was in 2016 when I joined ‘Sipat/Sulat’, a Workshop on Seeing and Making Literature by Adarna House. Towards the end of the workshop, we were asked to submit 2 story ideas each. Among the ideas I pitched was a story about one who loves the day and one who loves the night, and how they learned to appreciate each other’s perspectives. After a couple of weeks, I got an email that they were interested in the story, so they asked me to write a manuscript. Thankfully, the story was accepted for publication. In 2018, ‘Sinag and Tala’ was published by Adarna House, with illustrations by Mickey Velarde.  

Give three words or phrase to describe your Kuwentong Musmos Workshop experience.

  1. Grateful – for the opportunity to have been part of this wonderful project.

  2. United – in the purpose of sharing stories to children, especially those who are most vulnerable.

  3. Friendship and Camaraderie – that continued on even after the workshop.  





What is the book you wish you had written?

The Little Prince. I love how simple yet profound the story is. The creative way the author tells the story, along with its unique characters and quotable quotes definitely stands out for me.

Tuwing Sabado by Russel Molina. It’s amazing how the author was able to bring light to a difficult topic with his beautiful storytelling and imagery. This is a story that definitely tugs at the heartstrings. 

What advice or tips can you give aspiring children’s book writers?

Being a fairly new author, I may not be in the position to give advice. However, I would like to share some tips that I found useful in my process of writing for children:


  1. Read as much books as you can.

  2. Don’t be afraid to start.

  3. Write from the heart.

  4. Be observant.

  5. Spend time with children. 

  6. Be open to suggestions. 


Joanna is a writer who is fascinated by the beauty of nature. Most of her musings and jolts of inspirations come about while walking and exploring nature’s wonders. Apart from writing, she also loves making things with her hands. 



Thursday, September 24, 2020

Kuwentong Musmos Author Interview: Kristine Canon

Balik Kuwentong Musmos tayo sa pagpopost sa blog ngayong buwan ng Setyembre! 

Naging abala tayo sa maraming bagay noong mga nakaraang buwan dahil sa COVID-19. Pero, tuloy ang ligaya at patuloy ang munting proyektong ito sa blog. Naway maitulay natin ang impormasyon at kuwento ng mga manunulat at ilustrador na naging bahagi ng Room to Read project sa mga school librarians, guro at magulang na naghahanap ng mga babasahin para sa mga bata at kabataan.

Sa pagbabalik ng Kuwentong Musmos Author Interview, ang Team Adarna naman ang naka-feature sa mga susunod na araw. Buena mano si Kristine "Teacher Tin" Canon sa pangatlong serye ng blog interviews na ito.

Teacher Tin wrote the story Noel! Noel! Leon! Leon! which was illustrated by Nina Patricia C. Martinez and published by Adarna House. Here is a little information about this tandem. Teacher Tin won the Salanga Prize back in 2001 for the story Bakit Matagal Ang Sundo Ko? While Nina won the PBBY Wordless Book Prize in 2019 for her work, Ang Mga Sikreto ng Langit at Dagat.


Teacher Tin with Nina Martinez

 1. Why are you writing for children?

I write for children because as a teacher, I work with them and know them well. I am passionate about teaching children, and find joy in seeing how they learn and grow.

 2. How did you break out into the children's book industry?

I officially began writing for children in the year 2000. I was pregnant with my first child and had to go on bedrest, which means I couldn’t teach for a good number of weeks. I wrote Bakit Matagal ang Sundo Ko based on my niece’s “sumbong” about not being fetched on time by my sister and then I remembered my own preschool students who stay with me after school because they are fetched late.  I chanced upon the Salanga Writer’s Prize ad in the newspaper and I decided to enter my story there without knowing anything about the writing and publishing world. Lo and behold, my story won!  Then after that, I started to take writing for children seriously as I respected the award so much.

3. Give three words or phrase to describe your Kuwentong Musmos Workshop experience?

Kuwentong Musmos Workshop experience: nerve-racking, exciting, enlightening!

4. What is the book you wish you had written and why?

There are soooo many books I wish I had written, (some were even written in kuwentong musmos!) but my favorite would be Papel de Liha by Ompong Remigio and Beth Parrocha Doctolero. I absolutely love the sense of sweet and calm you feel in the mother and daughter’s relationship (totally the opposite of my life with 3 boys and 1 girl- na parang boy na rin!) and how it placed so much value in the mother’s role as a servant leader in keeping the home in order physically and psychologically.

5. What are your 5 tips for aspiring children's book writers?

What really helps me write is asking people I trust to read any attempts I have at writing a story. As for tips, keep reading children’s books and spend time with children (if you plan to write for kids).


Teacher Tin is a Founding Director for Creative Learning Paths School, a progressive preschool to Gr. 12 educational institution advocating for inclusion and peace education.  She has more than 20 years teaching experience from preschool to college levels.  She is currently a faculty member of the College of Education at De La Salle University.   She a reading specialist as well as a children’s book writer having authored original Filipino children’s picture books for Adarna House, Anvil and Vibal.   She is also a teacher-trainor and formator for Teach Peace Build Peace Movement, a non-profit and non-partisan organization.  Aside from literacy, her advocacies include peace education and the inclusion of children with special needs.  She is married and has four children, two of which are hearing impaired.

 

Wednesday, March 4, 2020

Masaya Maging Ako! Masaya Maging Tayo!

Finally! 

Na-launch na rin ang Masaya Maging Ako, ang aming aklat pambata ni Jamie Bauza. Ito ay binuo, nilikha at ginawang espesyal na handog para sa mga bata na walang aklatan at salat sa babasahing akma sa kanilang kultura at konteksto. Kasama namin sa proseso ng paglikha ng aklat ang mga bumubuo sa komunidad ng Panitikang Pambata ng Pilipinas. Mula sa Ang Illustrador ng Kabataan, kasama ang apat na publishers ng mga aklat pambata, Adarna House, Lampara Books, Hiyas-OMF at Anvil Publishing hangang sa staff ng Room to Read, nagsanib puwersa ang lahat upang makapaglimbag ng 20 aklat sa ilalim ng Kuwentong Musmos Book Project ng Room to Read. Ang paglulunsad ay ginanap sa Museo Pambata noong Huwebes, February 27, 2020.



Congratulations sa lahat! 

It was a joyous occasion to witness the culmination of four months of hard work and genuine camaraderie among Filipino authors, illustrators, publishers, Adarna House staff and Room to Read. Kudos to Sir Al Santos of Room to Read for leading the project, to Liza Flores and Robert Alejandro for the mentorship, to my publisher, Jun Matias of Lampara Books. I appreciated working with Team Lampara in Bohol and with Jamie and Aiko over chat and phone call from Baguio. We have created and published a book, but there is a community who helped make it a dream come true!



How true is the quote I heard from a friend in PBBY, ”a book is a dream, dreamed by a team”. To have experienced this dream making and team building is something I will be grateful for the rest of my life. 

Masaya Maging Ako! Masaya Maging Tayo!

Wednesday, October 9, 2019

Kuwentong Musmos: Palihan para sa Pagsusulat ng Kuwentong Pambata

How many times have you gotten drunk so bad that a hangover is inevitable the morning after? A few times back in college? Recently? Just because.

Well, a hangover is never a good thing, except for events worth getting drunk in. The hangover lasts for days and it is a good feeling you wish to bottle and preserve. So you keep it in a flask. You take it with you wherever you go. For days when you need some sunshine and happy thoughts, you uncork the bottle and take little sips of the memory. Invigorating! 

The Kuwentong Musmos Writing Workshop for Beginning Readers I attended last week in Bohol is just like that, an experience that left me with a pleasant hangover. Who wouldn’t be if you are among your people, talking, listening, creating stories not just for Filipino children but for the children of the world. Organized by Room to Read (RTR) and Adarna House, the workshop was a Voltes Five moment!

Twenty Filipino writers from the country's leading publishing houses of children's books banded together. The result was forty manuscripts that tackled themes on identity, gender equality and inclusion written for beginning readers. It was hard work. And it was for a god cause. As  Al Santos of RTR said, "Your stories will be read by a child who has never seen or opened a book before." How can I say no to this project? The little things I do as a librarian, teacher and author suddenly expands. I become a part of something bigger than the round hole I plug my square peg in ( yes, I don’t fit most of the time and it’s a miracle that things work out sometimes).

The inputs made by the four publishing houses during the five day workshop weren’t at all new things for me but what they said amplified, affirmed and validated what I have always believed in. Invest in human capital (Anvil Publishing); Create imperfect characters and let them go through challenges (Adarna House); Take courage, use language responsibly and take risks (Lampara Books); Every writer has a world view that is reflected in his/her works (OMF/Hiyas) So, children’s book writer, what do you believe in? 

I believe in three things.

I believe in love. I believe in family. I believe that, with the use of appropriate methods, reading and literacy can change lives.


There were twenty of us who left Bohol last week. I would like to think that we came out of the experience as good writers and better persons. As of writing, many of us have received call backs from our respective publishers to revise the manuscripts in preparation for the illustrators' workshop in Baguio next week. The Kuwentong Musmos Writing Workshop is in-progress and the learning experience I took away from it, I will keep forever. 

Now, it’s time to share what I gained from the workshop. 

Thursday, August 15, 2019

Recommended Reads: Must Have Children's Books at the MIBF 2019 (1 of 4)

The Manila International Book Fair (MIBF) is just around the corner!

Here's hoping you have saved enough to buy books for your toddlers, your children and your teenagers. Whether you are a teacher, a parent, a grandparent, an adult working for kids' welfare and well-being or a children's literature advocate and enthusiast, may you find this list of recommended books helpful when choosing and buying books for young readers.

For this first batch, I have identified ten titles plus one!

Adarna House
1. Tingnan Mo, O! Isinulat ni Noelle Pabiton at Iginuhit ni  Gica Tam
2. Sirena Ba 'Yan? Is That A Mermaid? By Candy Gourlay Illustrated by Francesca Chessa Billungual Edition
3. Ang Taon ng Pusa Isinulat ni Jaume Copons at Iginuhit ni  Agustín Comotto

Anvil Publishing
1. 1..2...3.. by Aaron Randy
2. Bone Talk by Candy Gourlay

The Bookmark Inc.
Common Courtesies Series by Didith T. Rodrigo

Hiyas / OMF Lit

Porcupine Pirate Plans the Perfect Day by Robert Magnuson

Lampara Books

Green / Luntian by Becky Bravo Illustrated by Beth Parrocha

Tahanan Books for Young Readers
1. Pitong Tsinelas Kuwento ni Divine Gil Reyes Guhit ni Benjor Catindig
2. Folk Songs Series: Kaisa-Isa Niyan (Alvarez and Prudente); Pakitong-Kitong (Monzon and Prudente); Ed-Edoy (Albano and Prudente)

Plus one - Karapatdapat: Bata alamin ang iyong karapatan (CANVAS and Ang INK)

Do come back and check the blog for three more batches of children's books to buy and acquire for your home library and school reading centers.


Sunday, August 4, 2019

When Books Bring People Together

I often say, and I write it here in the blog, that books bring people together. This has become my mantra. It was up in our library’s bulletin board last year latched on the themes of inclusivity and diversity. 

This weekend, the mantra became real to me as one of my friends in PASLI (Philippine Association of School Librarians) Alma Singian, sent me a photo of a book by Jesl Xena Rae Cruz,  Ang Mata ni Migoy (Adarna House 2018) with a dedication meant for me. Here is the photo which Alma sent via Messenger.



I was touched, of course. I did not realize that another person would remember me in such ways. And to be given a book for free is a pleasant surprise, indeed!

Jesl Cruz and I worked in the Early Education Department (EED) of Xavier School in the early 2000s. I was the librarian in the department and she was one of the Nursery teachers. A book lover, she frequented the library asking and requesting for books to put in the reading corner of her classroom. This kind of teacher is a librarian’s natural ally. We were graduate students in the same university then. Her teachers were my teachers. Apparently, life has something else planned for Teacher Jesl that she left Xavier School. I had my turn in 2009.

But we meet again! Not in person but through books and within a community of readers and book lovers. 

Let’s all keep the book love alive!



Monday, March 4, 2019

Book Review: Sirena Ba 'Yan?

Sirena Ba 'Yan?
Is That A Mermaid?
By Candy Gourlay
Illustrated by Francesca Chessa
Billungual Edition
Adarna House, 2019

Sirena Ba 'Yan? (Is That A Mermaid?) is Candy Gourlay's new picture book. It is about a dugong (sea cow) claiming itself as a mermaid to the chagrin of two kids who met this gentle sea creature by the shore. Together they go on an adventure with the dugong consistently keeping its claim, I am a mermaid!

The book is both humorous and thought provoking. On the surface, the dugong sounds and looks silly but there is unwavering conviction each time it articulates its chosen identity. The children learned to accept this and allowed it to be. As gentle and tolerant as the dugong, they empathised and understood. What harm can a sea cow, who thinks it is a mermaid, do to them?

There are many layers to this playfully illustrated picture book that could lead to conversations about facts on sea creatures and marine animals, choices and self knowledge. What else could you expect from the award winning author of Tall Story (Anvil, 2012) but a tale of contradictions and opportunities to think and ask questions.

The book launching is on Saturday, March 16, 2019 2PM at Fully Booked Bonifacio High Street.

Monday, January 30, 2017

Isang Harding Papel A Martial Law Musical: Interview With Nanoy Rafael (2 of 2)

Basahin ang e-poster para sa info tungkol sa musical
Narito ang part 2 ng interbyu kay Nanoy Rafael na nagsalin at nag-adapt ng Isang Harding Papel (Rivera, Joson, Adarna House 2015) bilang isang musical. Mababasa ang part 1 sa link na ito.

Sa part 2 ng interbyu, ibinahagi ni Nanoy Rafael ang malikhaing proseso ng pagsasalin ng orihinal na materyal ni Augie Rivera. Nakakatuwa ring malaman na kasama ni Nanoy ang kanyang mga co-teachers at kanilang mga mag-aaral sa Raya School sa paglikha ng musical na ito.

3. May mga piling mag-aaral ng Raya ang nakasama ninyo sa paglikha. Kumusta naman sila katrabaho?

Sa unang run, buong Grade 8 namin ang tumulong sa produksiyon. Bahagi na rin ng pagtuturo namin sa kanila kung paano ba magpatakbo ng isang produksiyon, para may mga taon na sila na mag-isa ang gagawa nito. Epektibong motibasyon ang agency, ‘yung bibigyan ka ng kalayaan na lumikha o gawin ang isang bagay ayon sa naiisip mo. Kaya naging ganado rin talaga ang mga estudyante sa paggawa. Sila ang bumuo ng marami sa props, ng marketing materials. May mga nasa logistics rin na tumulong magpatakbo ng backstage. At siyempre, mayroon rin akong mga katuwang sa pagsusulat.

May isang pangyayari na hindi ko makakalimutan kasama ang mga estudyante. Mga ilang araw pagkatapos ng eleksiyon, nagkita-kita kami para tapusin ang first draft ng script. Naaalala siguro ninyo na noong mga unang araw ng bilangan, lamang si Bongbong Marcos sa pagka-bise. Kabado kaming nag-uuusap, natatawa na sa kaba. Alam ng mga batang ito na noong panahon ng rehimeng Marcos, nakulong ang mga sumulat laban sa gobyerno. Natortyur ang iba. Nawala ang iba. Pinaslang ang iba. Kaya binibiro nila ako na “Hala, teacher, baka makulong ka!” Gumaganti naman ako ng “Bakit ako lang? Kasama kaya kayo.” Araw iyon na puno ng masasamang biro, at ang bilang sa eleksiyon ang pinakamasamang biro sa lahat.

Pero nagseryoso ako at tinanong sila kung gusto pa ba nilang ituloy ang pagsusulat kung sakaling manalo nga si Marcos bilang bise. Sinabi ko na maiintindihan ko kung hindi, at walang problema kung ganoon. Pero sumagot silang “Sige lang, tuloy lang!” nang walang pag-aatubili. Kaya saludo ako kina Cacy Abadeza, Sofia Baybay, Izzi dela Cruz,  at Ella Francia—mga katuwang sa pagsulat at mga nagbigay rin ng tapang sa akin na ituloy ang dula.

Isang eksena sa dulang Isang Harding Papel A Martial Law Musical


4. Ano ang nauna, musika o libretto?

May magandang dynamic kami ni Teacher Thea Tolentino (ang composer) sa paggawa ng mga kanta. Nauuna parati ang lyrics (at ang sitwasyon na kasama nito). Tapos mag-uusap kami ni Thea kung ano ba ang kuwento, ano ang bagay na lapat dito. 

Pero hindi pa buo ang libretto/script kapag ibinibigay ko kay Thea ang natatapos naming mga lyrics. May mga eksena na wala pang kanta, pero tapos na ni Thea na lapatan ng musika ang iba. Kaya rin marami-rami sa mga naisulat naming kanta ang naimpluwensiyahan rin ng nauna nang treatment sa musika.

Halimbawa, ang pinakanauna kong naisulat ay ang dalawang Oyayi. Kanta ito ni nanay habang pinapatulog si Jenny, at kanta ni Jenny habang pinapatulog ang sarili niya. Naisulat ko ito bandang Nobyembre. Bandang Disyembre noong narinig ko ang lapat dito ni Thea. Pagkatapos noon, saka ko naisulat ang titular song na Isang Harding Papel, kasi nagkaroon na ako ng idea kung paano ang “feel” dapat nito. 

5. Ano ang paborito mong eksena sa Hardin? Bakit ito ang paborito mo?

Ang hirap! Sige, lilimitahan ko sa dalawa.

Ang una ay ang Bagong Lipunan spoof. Paborito ko ito kasi ito yata ang pinakamasaya naming naisulat, at siguro pinaka-subversive rin. Paulit-ulit naming pinakikinggan ng writing team ang Bagong Lipunan, tapos nag-iisip lang kami kung paano bababuyin ng mga bata ang lyrics nito, sa paraang parang bata talaga. Ang dami naming ibinato sa isa’t isa na nakakatawa, kaya ang hirap ring tapusin. Pero ang pinakadumikit ay noong may kumanta ng “Mabahong ulam” kapalit ng “May bagong silang.” Tapos dere-deretso na naming naisulat. Kaya halimbawa, ‘yung “May bagong silang / May bago nang buhay / Bagong bansa...” naging “Mabahong ulam / Mabaho ang laman / Amoy paa...” Ang immature lang, di ba! Pero ganoon naman talaga noong bata tayo, kung ano-anong pambababoy ang ginagawa natin sa mga kanta. Tapos kapag napanood rin ninyo ito sa stage, dahil mga Grade 1 ang nasa eksena, bagay na bagay. Awtentikong awtentiko.

Si Jenny, ang kanyang ina at lola
Yung ikalawang eksena na paborito ko ay ang torture scene. Wala ito sa script, at nagugulat pa rin ako na kayang ilagay ang ganitong sitwasyon at panatiliing pambata pa rin ang dula. Pero nagawa ni Direk Nor! Gustong-gusto ko ito kasi hindi ito metaporiko, na siyang madalas nating takbuhan kapag may gusto tayong ipaliwanag sa bata na sa tingin natin ay masyadong mabigat para sa kanila. Tahas ito, at mabigat pa rin (dahil mabigat naman talaga ang realidad na ito), pero mauunawaan ng bata. Nirerespeto ng eksenang ito ang kakayahan ng batang umunawa at magproseso, na magkaroon ng komplikadong mga damdamin at naiisip.

Si Nanoy Rafael ay isang manunulat, tagasalin, at guro. Nagwagi ang libro nila ni Serj Bumatay na "Naku, Nakuu, Nakuuu!" ng Peter Pan Prize mula sa IBBY-Sweden. Ilan sa mga isinalin niya patungong Filipino ay ang "Book Uncle and Me" ni Uma Krishnaswami, at ang "A Christmas Carol" ni Charles Dickens. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Raya School ng Filipino at Araling Panlipunan.



Sunday, January 29, 2017

Isang Harding Papel A Martial Law Musical: Interview with Nanoy Rafael (1 of 2)

Ang Isang Harding Papel (Adarna House, 2015) ay unang nalathala bilang isang aklat pambata nina Augie Rivera, manunulat, at Rommel Joson, illustrador. Napapanahon ang paglabas ng aklat na ito. Ang mga kuwentong personal na galing sa mas malaking mapa ng kasaysayan ay hindi dapat malimutan. Maaring kathang isip ang kuwento ni Jenny at ng kanyang ina noong panahon ng Martial Law, subalit, nasasalamin sa kanilang salaysay ang kuwento ng mga ordinaryong pamilya na naging biktima ng kalupitan at abuso ng mga taong may kapangyarihan noong panahong iyon.

Ang mga pangyayari sa ating buhay at sa lipunan ay may malaking kinalaman sa paghulma ng ating pagkatao.

Ang Raya School ay magkakaroon ng isang musical base sa kuwentong pambatang ito. Ang Isang Harding Papel a Martial Law Musical ay ipapalabas sa AFP Theater sa Biernes, February 10, 2017. Narito ang isang panayam kay Nanoy Rafael na nag-adapt ng kuwento sa pormang musikal. Narito ang unag bahagi ng inerbyu kay Nanoy Rafael.

1. Bakit Isang Harding Papel?

Siguro madalas na iniiisip ng mga tao na pinili naming gawing musical ang Isang Harding Papel bilang tugon sa kasalukuyang mga nangyayari. Pero ang totoo, hindi ko inasahan na magiging napapanahon ito. Nobyembre 2015 ko sinimulang isulat ang outline at mga kanta ng musical, at noon ay malayo sa hinagap ko na may tsansa pala na maging bise presidente ang isang Marcos, o na malilibing ang dating diktador sa Libingan ng mga Bayani, o na magiging karaniwan pala ang paglabag sa mga karapatang pantao.

Noong panahon na iyon, sobrang simple lang ng dahilan kung bakit ito ang pinili namin. Kada taon ay nagsasadula kami ng panitikang pambata para sa Hinabing Haraya, ang taunang dulang pampaaralan ng Raya School. Para sa 2016, naisip naming mabuti kung isa sa EDSA books ang gamitin namin, lalo na at ika-30 taon ng EDSA People Power.

Pero siguro, may kaunting politikal na dahilan kung bakit ko rin pinili ang Isang Harding Papel. naitampok kasi ni Augie Rivera sa libro niya na ang bida sa salaysay ng Batas Militar ay ang karaniwang tao. Sila ang nagdurusa, nagpupursigi, umaasa, at nagsisikap magpatuloy sa buhay sa kabila ng ligalig. Walang malalaking personalidad bilang bayani; ang bayani ay ang nanay na nabilanggo, ang anak na naghintay, at ang lola na nag-alaga sa kaniya. 

Ipinapakita sa atin ng Isang Harding Papel ni Augie na ang EDSA People Power ay pagmamay-ari ng lahat ng taong nakiisa at nakikiisa dito, at hindi ng iilan lang. Hindi ito makatwirang gawing brand ng anumang organisasyon. Kaya kung may mas malalim na motibasyon ako noong Nobyembre 2015 sa pagsasadula ng Isang Harding Papel, marahil ito ay ang pagpapaalala sa mga tao na sa kanila ang EDSA People Power.

2. Saan nagsimula ang lahat? Bago pa man ma-stage ang Hardin, anong mga pangyayari o proseso ang pinagdaanan mo at ng iyong mga kagrupo sa paghahanda ng musical?

Isa itong dulang pampaaralan, at buong Raya School talaga ang nagsikap para buuin ito. Pinagtulungan ng mga teachers, mga estudyante, mga staff, mga magulang ang stage design, props, music, choreography, sound engineering—halos lahat ng kayang maisip na kailangan para tumakbo ang isang dula. Kahit si Direk Nor Domingo, magulang siya ng Raya.


Ngayong ikalawang run, tinutulungan na kami ni Boni Juan para sa set and stage requirements. Mayroon na rin kaming tulong mula sa mga professional choreographers and acting coaches na sina Gio Gahol at Norbs Portales. Medyo level up kompara sa una.

Abangan ang part 2 ng interbyu sa blog sa blog sa mga darating na araw.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...