Showing posts with label Augie Rivera. Show all posts
Showing posts with label Augie Rivera. Show all posts
Thursday, July 18, 2024
Monday, August 28, 2023
Book Review: Kalambing
Kalambing, Rivera and Estrella, Adarna House 2023
Labels:
Al Estrella,
Augie Rivera,
book review,
Kalambing
Wednesday, February 23, 2022
Watch Party: Isang Harding Papel A Martial Law Musical
This week is EDSA Week in The Raya School. The school community will be streaming the musical of Isang Harding Papel. There will be a panel discussion afterwards which I will moderate. Here is a round up of blog posts, mostly interviews with the content creators of the show.
Augie Rivera on Martial Law and Writing for Children
Interview with Rommel Joson, Illustrator of Isang Harding Papel
Isang Harding Papel: A Martial Law Musical Interview with Nanoy Rafael
Part 2 of the Interview with Nanoy Rafael on Isang Harding Papel: A Martial Law Musical
Tuesday, November 23, 2021
Book Review: Nina Inocente
Labels:
Augie Rivera,
Juno Abreu,
Lampara Books,
Nina Inocente
Monday, January 30, 2017
Isang Harding Papel A Martial Law Musical: Interview With Nanoy Rafael (2 of 2)
Sa part 2 ng interbyu, ibinahagi ni Nanoy Rafael ang malikhaing proseso ng pagsasalin ng orihinal na materyal ni Augie Rivera. Nakakatuwa ring malaman na kasama ni Nanoy ang kanyang mga co-teachers at kanilang mga mag-aaral sa Raya School sa paglikha ng musical na ito.
3. May mga piling mag-aaral ng Raya ang nakasama ninyo sa paglikha. Kumusta naman sila katrabaho?
May isang pangyayari na hindi ko makakalimutan kasama ang mga estudyante. Mga ilang araw pagkatapos ng eleksiyon, nagkita-kita kami para tapusin ang first draft ng script. Naaalala siguro ninyo na noong mga unang araw ng bilangan, lamang si Bongbong Marcos sa pagka-bise. Kabado kaming nag-uuusap, natatawa na sa kaba. Alam ng mga batang ito na noong panahon ng rehimeng Marcos, nakulong ang mga sumulat laban sa gobyerno. Natortyur ang iba . Nawala ang iba . Pinaslang ang iba . Kaya binibiro nila ako na “Hala, teacher, baka makulong ka!” Gumaganti naman ako ng “Bakit ako lang? Kasama kaya kayo.” Araw iyon na puno ng masasamang biro, at ang bilang sa eleksiyon ang pinakamasamang biro sa lahat.
Pero nagseryoso ako at tinanong sila kung gusto pa ba nilang ituloy ang pagsusulat kung sakaling manalo nga si Marcos bilang bise. Sinabi ko na maiintindihan ko kung hindi, at walang problema kung ganoon. Pero sumagot silang “Sige lang, tuloy lang!” nang walang pag-aatubili. Kaya saludo ako kina Cacy Abadeza, Sofia Baybay, Izzi dela Cruz, at Ella Francia—mga katuwang sa pagsulat at mga nagbigay rin ng tapang sa akin na ituloy ang dula.
4. Ano ang nauna, musika o libretto?
May magandang dynamic kami ni Teacher Thea Tolentino (ang composer) sa paggawa ng mga kanta. Nauuna parati ang lyrics (at ang sitwasyon na kasama nito ). Tapos mag-uusap kami ni Thea kung ano ba ang kuwento, ano ang bagay na lapat dito.
Pero hindi pa buo ang libretto/script kapag ibinibigay ko kay Thea ang natatapos naming mga lyrics. May mga eksena na wala pang kanta, pero tapos na ni Thea na lapatan ng musika ang iba. Kaya rin marami-rami sa mga naisulat naming kanta ang naimpluwensiyahan rin ng nauna nang treatment sa musika.
Halimbawa, ang pinakanauna kong naisulat ay ang dalawang Oyayi. Kanta ito ni nanay habang pinapatulog si Jenny, at kanta ni Jenny habang pinapatulog ang sarili niya. Naisulat ko ito bandang Nobyembre. Bandang Disyembre noong narinig ko ang lapat dito ni Thea. Pagkatapos noon, saka ko naisulat ang titular song na Isang Harding Papel, kasi nagkaroon na ako ng idea kung paano ang “feel” dapat nito.
5. Ano ang paborito mong eksena sa Hardin? Bakit ito ang paborito mo?
Ang hirap! Sige, lilimitahan ko sa dalawa.
Ang una ay ang Bagong Lipunan spoof. Paborito ko ito kasi ito yata ang pinakamasaya naming naisulat, at siguro pinaka-subversive rin. Paulit-ulit naming pinakikinggan ng writing team ang Bagong Lipunan, tapos nag-iisip lang kami kung paano bababuyin ng mga bata ang lyrics nito, sa paraang parang bata talaga. Ang dami naming ibinato sa isa’t isa na nakakatawa, kaya ang hirap ring tapusin. Pero ang pinakadumikit ay noong may kumanta ng “Mabahong ulam” kapalit ng “May bagong silang.” Tapos dere-deretso na naming naisulat. Kaya halimbawa, ‘yung “May bagong silang / May bago nang buhay / Bagong bansa...” naging “Mabahong ulam / Mabaho ang laman / Amoy paa...” Ang immature lang, di ba! Pero ganoon naman talaga noong bata tayo, kung ano-anong pambababoy ang ginagawa natin sa mga kanta. Tapos kapag napanood rin ninyo ito sa stage, dahil mga Grade 1 ang nasa eksena, bagay na bagay. Awtentikong awtentiko .
‘Yung ikalawang eksena na paborito ko ay ang torture scene . Wala ito sa script, at nagugulat pa rin ako na kayang ilagay ang ganitong sitwasyon at panatiliing pambata pa rin ang dula. Pero nagawa ni Direk Nor! Gustong-gusto ko ito kasi hindi ito metaporiko, na siyang madalas nating takbuhan kapag may gusto tayong ipaliwanag sa bata na sa tingin natin ay masyadong mabigat para sa kanila. Tahas ito, at mabigat pa rin (dahil mabigat naman talaga ang realidad na ito), pero mauunawaan ng bata. Nirerespeto ng eksenang ito ang kakayahan ng batang umunawa at magproseso, na magkaroon ng komplikadong mga damdamin at naiisip.
Si Nanoy Rafael ay isang manunulat, tagasalin, at guro. Nagwagi ang libro nila ni Serj Bumatay na "Naku, Nakuu, Nakuuu!" ng Peter Pan Prize mula sa IBBY-Sweden. Ilansa mga isinalin niya patungong Filipino ay ang "Book Uncle and Me" ni Uma Krishnaswami, at ang "A Christmas Carol" ni Charles Dickens. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Raya School ng Filipino at Araling Panlipunan.
Si Nanoy Rafael ay isang manunulat, tagasalin, at guro. Nagwagi ang libro nila ni Serj Bumatay na "Naku, Nakuu, Nakuuu!" ng Peter Pan Prize mula sa IBBY-Sweden. Ilan
Sunday, January 29, 2017
Isang Harding Papel A Martial Law Musical: Interview with Nanoy Rafael (1 of 2)
Ang Isang Harding Papel (Adarna House, 2015) ay unang nalathala bilang isang aklat pambata nina Augie Rivera, manunulat, at Rommel Joson, illustrador. Napapanahon ang paglabas ng aklat na ito. Ang mga kuwentong personal na galing sa mas malaking mapa ng kasaysayan ay hindi dapat malimutan. Maaring kathang isip ang kuwento ni Jenny at ng kanyang ina noong panahon ng Martial Law, subalit, nasasalamin sa kanilang salaysay ang kuwento ng mga ordinaryong pamilya na naging biktima ng kalupitan at abuso ng mga taong may kapangyarihan noong panahong iyon.
Ang mga pangyayari sa ating buhay at sa lipunan ay may malaking kinalaman sa paghulma ng ating pagkatao.
Ang Raya School ay magkakaroon ng isang musical base sa kuwentong pambatang ito. Ang Isang Harding Papel a Martial Law Musical ay ipapalabas sa AFP Theater sa Biernes, February 10, 2017. Narito ang isang panayam kay Nanoy Rafael na nag-adapt ng kuwento sa pormang musikal. Narito ang unag bahagi ng inerbyu kay Nanoy Rafael.
1. Bakit Isang Harding Papel?
Siguro madalas na iniiisip ng mga tao na pinili naming gawing musical ang Isang Harding Papel bilang tugon sa kasalukuyang mga nangyayari. Pero ang totoo, hindi ko inasahan na magiging napapanahon ito. Nobyembre 2015 ko sinimulang isulat ang outline at mga kanta ng musical, at noon ay malayo sa hinagap ko na may tsansa pala na maging bise presidente ang isang Marcos, o na malilibing ang dating diktador sa Libingan ng mga Bayani, o na magiging karaniwan pala ang paglabag sa mga karapatang pantao.
Noong panahon na iyon, sobrang simple lang ng dahilan kung bakit ito ang pinili namin. Kada taon ay nagsasadula kami ng panitikang pambata para sa Hinabing Haraya, ang taunang dulang pampaaralan ng Raya School. Para sa 2016, naisip naming mabuti kung isa sa EDSA books ang gamitin namin , lalo na at ika-30 taon ng EDSA People Power.
Pero siguro, may kaunting politikal na dahilan kung bakit ko rin pinili ang Isang Harding Papel. naitampok kasi ni Augie Rivera sa libro niya na ang bida sa salaysay ng Batas Militar ay ang karaniwang tao. Sila ang nagdurusa, nagpupursigi, umaasa, at nagsisikap magpatuloy sa buhay sa kabila ng ligalig. Walang malalaking personalidad bilang bayani; ang bayani ay ang nanay na nabilanggo, ang anak na naghintay, at ang lola na nag-alaga sa kaniya.
Ipinapakita sa atin ng Isang Harding Papel ni Augie na ang EDSA People Power ay pagmamay-ari ng lahat ng taong nakiisa at nakikiisa dito, at hindi ng iilan lang. Hindi ito makatwirang gawing brand ng anumang organisasyon. Kaya kung may mas malalim na motibasyon ako noong Nobyembre 2015 sa pagsasadula ng Isang Harding Papel, marahil ito ay ang pagpapaalala sa mga tao na sa kanila ang EDSA People Power.
2. Saan nagsimula ang lahat? Bago pa man ma-stage ang Hardin, anong mga pangyayari o proseso ang pinagdaanan mo at ng iyong mga kagrupo sa paghahanda ng musical?
Isa itong dulang pampaaralan, at buong Raya School talaga ang nagsikap para buuin ito. Pinagtulungan ng mga teachers, mga estudyante, mga staff, mga magulang ang stage design, props, music, choreography, sound engineering—halos lahat ng kayang maisip na kailangan para tumakbo ang isang dula . Kahit si Direk Nor Domingo, magulang siya ng Raya.
Abangan ang part 2 ng interbyu sa blog sa blog sa mga darating na araw.
Thursday, October 22, 2015
Recommended Reads: Batang Historyador Series
Batang Historyador Series
Author: Augie Rivera
Publisher: Adarna House / UNICEF
Inspired by a query from Augie Ebreo on books and stories that can influence change, I searched for recommended reads on stories about people empowerment to extend this book service. My search led me to the The Batang Historyador series. The series has five books that show the lives of children across Philippine history as written by Augie Rivera and illustrated by Paolo Lim, Isabel Roxas, Jomike Tejido, Marcus Nada and Bryan Ballesteros. The first story begins during pre-colonial Philippines to the Spanish colonization, the American period to the Japanese Occupation during World War II and ends with a story of a boy who lost a brother during the Martial Law years. A work of fiction, yes, but the stories of childhood in each book has evidence of good research coupled with real life events that appear to have been taken from personal and oral histories. This later aspect of the book is something I wish to find out and validate.
Rivera writes with insight and revelation on issues that touch on children's rights. This is the strength of the series. How the author deftly tells the story, with respect and sensitivity to each child character being victims of slavery, exclusivity, racism, child labor, war and conflict either by chance, choice or by a bigger, more powerful force is a gift. There is a redeeming value at the end of each story. Central to the theme of the series is the implied message of hope rising from chaos and confusion. More than this, I am moved by the stories to think and wonder if we are really taking good care of our future, our children who will continue on. How are we nurturing and enriching our greatest resource?
It is tricky, as I think about it. To empower and influence change, one has to face the sensitive and "taboo" issues in one's life and in the wider, bigger society.
I segue to promoting the Ang INKFest on October 24, 2015 where Augie Rivera will talk about writing children's stories with sensitive issues. This will be in Fullybooked, Bonifacio Global City. It will start at 10.45AM. If you are in the area, go! If you have the time, attend! Speakers include, Tarie Sabido, PBBY President and May Tobia Papa, award winning writer and illustrator. Marcus Nada and Bru, Inkies all will talk as well.

Monday, September 28, 2015
Dear School Librarian In Action: Mga Kuwentong Pambata na Taglay ang Saya at May Kakayanang Mapagbago ang Ating Lipunan
Noong Lunes, Setyembre 21, 2015, pinadalhan ako ni Augie Ebreo ng ganitong tanong:
Narito ang sagot ko sa kanya.
Mga programa at hanay ng kwentong Pilipinong pambanta na kayang maghasik ng kulturang Pilipino ayon sa panlasa ng kasalukuyang panahon at paano po ilalapat ito ng may diin subalit may saya na kayang magpakilos ng pagbabago ng ating lipunan?Bago pa man ako nagbigay kay Augie ng sagot, tinanong ko muna kung para saan ang pangangalangan niya ng mga aklat pambata na may kakayanang makapagbago ng ating lipunan. Gagawa pala siya ng isang storytelling program kung saan ang mga bata at kabataan ang mag-aaral ng kuwento upang ipalabas ito sa isang puppet show. Subalit, may iba pang pakay si Augie. Ito ay ang pagnanais niya na "makapaglahad ng kwentong umuugnay sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari ng kasalukuyang panahon. May kapangyarihan po kasi ang kwento na magbuo at magwasak o magporma ng ugali ng isang tao. Mga kwentong radikal pero mahinahaon pa rin ang dating sa mga bata na di magtutulak sa marahas na kaisipan".
Narito ang sagot ko sa kanya.
Active non-violence ba ang stand na gusto mong iparating? Kase, limitado ang printed book at fiction pero, pwede ka gumamit ng biographies nina Gandhi, Edith Stein at Martin Luther King. Gawan mo ito ng script o short play, musical o puppet show. Pwede mo rin gamitin ang Modern Day Heroes ng The Bookmark.
Baka makatulong rin sa iyo ang folklore. Mamimili ka lang talaga ng kuwento na may concept at theme ng Justice, Peace at Integrity. Halimbawa, ang Why Mosquitoes Buzz in People's Ears ni Veena Aardema. Isang African Folk Tale ito. Yung Alamat ng Ampalaya (Adarna House) ni Augie Rivera, social justice ang tema ng alamat. Ang parusa sa magnanakaw na Ampalaya ay ang nakuha niyang lahat ng lasa, kulay at ganda kaya siya ay naging mapait. Yung Alamat ng Lamok (Anvil), ni Christine Bellen, kuwento ng paglilinis. Kailangan linisin natin ang sarili, ang kapaligiran at ang bayan para matalo natin ang salot ng lipunan. Ang mensahe ng kuwento ay kalinisan at katapangan. Dapat may tapang tayong maglinis muna ng sarili para maalagaan natin ang kapaligiran at hindi tayo masakop ng mga maduduming higante.
Pwede rin ang The Greediest of Rajahs and the Whitest of Clouds (Adarna House) ni Honoel Ibardolaza. Tungkol sa isang sakim at corrupt na rajah. Makamit niya ang parusa dahil sa kanyang kasakiman. Basahin mo rin ang Pilandok series, lalo na yung tungkol kay Datu Usman (Adarna House). Ang mensahe nito ay napapanahon. Kailangang maging kritikal sa pag-iisip upang hindi maloko ng mga sakim na pinuno. Ang kuwento ni Ingolok (Cacho Publishing), ni Rene Villanueva, tungkol sa mga aliens na kain lang ng kain hangang sa kapaligiran na nila ang kinakain nila. Naubos ang kanilang planeta.
Napukaw ni Augie Ebreo ang aking atensyon na mag-isip at maghanap pa ng mga aklat pambata na may tema ng pagbabago para sa ating lipunan. Abangan ang ikalawang post, sapagkat, may susunod pa!
Wednesday, December 17, 2014
Illustrator Interview: Rommel Joson
Rommel Joson, painter and illustrator, answers three interview questions on his new book, Isang Harding Papel (EPPC/Adarana House, 2014). Authored by Augie Rivera, the book was launched last November 27, 2014 at the Museo Pambata.
November 27 is Ninoy Aquino's birthday and National Day of Reading.
a. How did you conceptualize your art for Isang Harding Papel?
Paper was always going to be a dominant element in what I was going to do with Isang Harding Papel. So I thought of using collage techniques combined with painted elements to create the art. I used a lot of texture and welcomed happy accidents in the composition. Although I submitted a storyboard for Isang Harding Papel, I deviated from it a bit by just responding to the materials in front of me.
I also included some 2 "easter eggs" in the book. The number of the bus Jenny and Lola rode in is 1081 (referring to the Martial Law proclamation) and one of the kids in one of the spreads has a Voltes V t-shirt, which was supposedly banned during Martial Law times.
b. What collaborative strategies did you and Augie go through for Isang Hardin?
Beyond digesting Augie's text and the initial meeting with him and Adarna, there wasn't much actual collaboration. I gave an initial storyboard sketch, going so far as suggesting a spread without text. From that storyboard, I think Augie and Adarna made minor adjustments to the text.
c. If you are a martial law baby, what memories do you have of that period in Phil history? If not, what experience of loneliness and longing helped you in illustrating the book?
I was born in 1978. I was only 7 when People Power came around. I remember a time sitting with my grandfather by the sidewalk, and a person (don't remember if it was male or female) came up to us conducting a survey on possible election results. The survey person asked my grandfather who he was going to vote for in the coming election. My lolo said "KBL" - "Kay Buyida Lang". KBL of course referred to Marcos' party while biyuda referred to Cory Aquino. I think it was a running joke at the time.
My lolo also gave me a Marcos Bagong
Lipunan coin when I was little, which I lost, sad to say. I remember
that the results of the snap election were being broadcasted on TV and I
caught glimpses of that. I remember kids going to school flashing the
Laban sign and wearing headbands with big foam letter Ls stuck on the
front.
I have always been interested in that time in Philippine history. When I went to UP to study Fine Arts, I wanted to do a graphic novel about the desaparecidos. When the offer to do "Isang Harding Papel" came around, I felt this was my opportunity to do something set around that era. I also liked watching documentaries and learning about the conspiracies and scandals of that time, like Oplan Sagitarrius or stories about the Rolex 12. So you could say that I'm fan of Philippine history.
My paintings and other personal work has always been tinged with loneliness and melancholia, so it wasn't difficult dipping into that emotion.
e. What is your message to aspiring illustrators?
Practice everyday, draw everything, read a lot, and be professional.
Watch this book trailer of Isang Harding Papel.
November 27 is Ninoy Aquino's birthday and National Day of Reading.
a. How did you conceptualize your art for Isang Harding Papel?
Paper was always going to be a dominant element in what I was going to do with Isang Harding Papel. So I thought of using collage techniques combined with painted elements to create the art. I used a lot of texture and welcomed happy accidents in the composition. Although I submitted a storyboard for Isang Harding Papel, I deviated from it a bit by just responding to the materials in front of me.
I also included some 2 "easter eggs" in the book. The number of the bus Jenny and Lola rode in is 1081 (referring to the Martial Law proclamation) and one of the kids in one of the spreads has a Voltes V t-shirt, which was supposedly banned during Martial Law times.
Illustrations of Isang Harding Papel. Photo source: http://rommelj.wordpress.com/2014/07/19/never-forget/ |
b. What collaborative strategies did you and Augie go through for Isang Hardin?
Beyond digesting Augie's text and the initial meeting with him and Adarna, there wasn't much actual collaboration. I gave an initial storyboard sketch, going so far as suggesting a spread without text. From that storyboard, I think Augie and Adarna made minor adjustments to the text.
c. If you are a martial law baby, what memories do you have of that period in Phil history? If not, what experience of loneliness and longing helped you in illustrating the book?
I was born in 1978. I was only 7 when People Power came around. I remember a time sitting with my grandfather by the sidewalk, and a person (don't remember if it was male or female) came up to us conducting a survey on possible election results. The survey person asked my grandfather who he was going to vote for in the coming election. My lolo said "KBL" - "Kay Buyida Lang". KBL of course referred to Marcos' party while biyuda referred to Cory Aquino. I think it was a running joke at the time.
Rommel Joson's art works: http://strangeskins.com/Sampaguita-Girl |
I have always been interested in that time in Philippine history. When I went to UP to study Fine Arts, I wanted to do a graphic novel about the desaparecidos. When the offer to do "Isang Harding Papel" came around, I felt this was my opportunity to do something set around that era. I also liked watching documentaries and learning about the conspiracies and scandals of that time, like Oplan Sagitarrius or stories about the Rolex 12. So you could say that I'm fan of Philippine history.
My paintings and other personal work has always been tinged with loneliness and melancholia, so it wasn't difficult dipping into that emotion.
e. What is your message to aspiring illustrators?
Practice everyday, draw everything, read a lot, and be professional.
Watch this book trailer of Isang Harding Papel.
Tuesday, December 2, 2014
Augie Rivera on Martial Law and Writing Historical Fiction for Kids
Noong Nobyembre 27, 2014 ay nag launch ang Adarna House at ang Edsa People Power Commission ng aklat pambata tungkol sa Martial Law, ang Isang Harding Papel. Ang aklat ay sinulat ni Augie Rivera at ginuhit ni Rommel Joson. Ito ay inilimbag ng Adarna House.
Narito ang aking interview kay Augie Rivera tungkol sa aklat. Sinagot rin niya ang mga tanong tungkol sa kanyang paglikha ng kwento at sa inspirasyon niya sa kwento ni Jenny.
Pangalawa mo ng Martial Law book ito. Bakit ka muling nagsulat ng aklat tungkol sa Martial Law para sa mga bata?
Ang kuwentong ‘Isang Harding Papel’ ay base sa ilang mga tunay na pangyayari at karanasan. Matagal ko na itong naisulat at bahagi sana ng limang libro sa seryeng ‘Batang Historyador’ ngunit minabuti kong unahing ilabas ang kuwentong ‘FQS’ na ‘Si Jhun-jhun, Noong Bago Ideklara ang Batas Mililtar.’ Kaya naitago muna sa ‘baul’ ang kuwento.
Sa dami ng revisionist takes sa Martial Law at sa ating kasaysayan na naglipana ngayon sa social media, naisipan kong balikan ang kuwento. Nag-revise ako ng konti, at saka ko ito ipinasa sa Adarna House. Sila ang nakaisip na i-tie up ito sa EDSA People Power Commission dahil naghahanap daw sila ng ganoong tipo ng kuwento.
Ayun. Makalipas ang labing-apat na taon, sa wakas ay dumating din ang tamang panahon para mailathala ito bilang isang libro.
Sa pamamagitan ng kuwento, umaasa akong mapupukaw ang interes ng batang mambabasa, mag-uusisa, at gugustuhing malaman ang iba pang mga kuwento ng pakikipagsapalaran, pangarap at pagkamulat ng mga batang gaya ni Jenny sa madilim na kabanatang ito ng ating kasaysayan. Malimit nating sabihin: ‘Ang mga kabataan ngayon, walang alam sa kasaysayan. Walang sense of history.’ Madalas din natin silang sabihan: ‘never forget.’ Pero, paano nila malilimutan ang isang bagay na hindi naman nila naranasan? Ang kasaysayan ay hindi lang pagmememorya ng mahahalagang petsa, pangyayari, at buhay ng mga bayani. Bilang mga ‘Martial Law babies’ na tumanda na, at karamiha’y mga magulang na rin, tungkulin natin na ipaalam sa mga bata ang kasaysayan. Ikuwento natin sa kanila ang kasaysayan. Ipakita. Iparamdam. Sana, ang mga aral ng nagdaan ay makatulong upang mabuo ang mas maalab nilang pagmamahal sa bayan at pagmamahal sa kasaysayan.
Rommel Joson and Augie Rivera at the book launch |
Lumaki ako noong panahon ng Martial Law. Kaya’t na-excite akong isulat ang kuwento. Isa siyang magandang pagkakataon para magbalik-tanaw sa aking kabataan, at gamitin ang ilang mga detalye at karanasan para pandagdag sa texture at nuances ng kuwento. Noong panahong iyon, masugid kong sinubaybayan ang iba’t ibang mecha o robot anime sa telebisyon. Mekanda tuwing Lunes. Daimos tuwing Martes. Mazinger Z tuwing Miyerkules. Grendaizer tuwing Huwebes. At Voltes V tuwing Biyernes. Pagkagaling sa eskuwela, nakatutok na ako sa telebisyon. Lilipad ako kasama ang mga robot, kakalabanin namin ang mga Boazanian beast fighters, at ipagtatanggol ang buong bayan… bago mag-curfew o maghapunan!
Nang biglang i-ban ni Marcos ang Voltes V sa telebisyon dahil sobrang bayolente raw at naglalaman diumano ng mga subersibong mensahe, kabilang ako sa mga batang nagalit at naghimagsik ang damdamin. May dineprive sa ‘yo eh. May biglang inalis. May biglang inagaw. At hindi mo naiintindihan kung bakit. In a way, kahit bata ka, naramdaman mo na may nangyaring repression.
Marahil, collective angst din ‘yon ng isang henerasyon. Pero kung may mga batang nagluksa sa biglaang pagkawala ni Voltes V na itinuring nilang bayani at kaibigan, may mga batang iba naman ang biglang nawala sa buhay nila. Iba naman ang kanilang pinagdaanan— namuhay at lumaki sila nang malayo sa piling ng kanilang tatay, nanay, ate o kuya, na ipinakulong dahil sumalungat sa mga isinusulong ng Bagong Lipunan.
Mas sentimental ang treatment mo ng Martial Law experiences ng bidang bata sa Hardin kumpara ng Kay Junjun. May kinalaman ba ang gender dahil babae ang bida?
Sa palagay ko, pareho lang na malungkot o sentimental ang ‘Jhun-jhun’ at ‘Hardin’ dahil hindi talaga maiiwasan. Parehong naganap ang kuwento sa maligalig, malungkot at madilim na kabanata ng ating kasaysayan. Pero ilan lamang ito sa mas marami pang kuwento ng mga batang nagkamulat at dumanas din ng parehong hirap at pasakit na pinagdaanan ng matatanda noong panahong ‘yon.
Babae ang bida dahil may pinagbasehan ako sa kuwento— ang mga tunay na karanasan ni Jenny Cortes (na pinsan-in-law ko; pinsan ni Mike) noong bata pa siya at dumadalaw sa kaniyang nanay na isang political detainee.
Pinili ko ang imahe/metaphor ng bulaklak para sa kuwento dahil nainspire ako sa mga wooden sculptures ni Jenny sa kaniyang unang exhibit na ‘Wall Flowers’. At dahil ang bulaklak din ay simbolo ng pag-usbong ng buhay at pag-asa.
Ano ang hindi pa naisusulat ni Augie Rivera?
Marami pa. Mas marami pang kuwento. Mas marami pa sanang programang pambata sa telebisyon. Isang musical. Isang coming of age na pelikula. Marami pa.
The book launch was held in Museo Pambata. Kuya Bodjie read aloud the story, Isang Harding Papel |
Labels:
Adarna House,
Augie Rivera,
Edsa People Power Commission,
Isang Harding Papel,
Martial Law,
Museo Pambata,
Philippine Children's Literature,
Rommel Joson
Thursday, May 15, 2014
Positive Discipline Project
Promoting positive and nonviolent discipline of children in the Philippines
In celebration of the 20th International Day of the Families, Plan International Philippines, together with representatives from the European Union, DSWD, DepEd and the Quezon City Government, will launch a 3-year project entitled “Collective Action to Promote Non-Violent and Protective Society for Children” or the Positive Discipline Project.
The project aims to help families, teachers and barangay officials promote positive and nonviolent means to discipline children and stop abusive ways of punishing children. It covers the provinces of Ifugao, East Samar, Sarangani, and the cities of Quezon, Naga, and Cebu. It is being supported by the European Union and Plan International Germany.
The event will feature a ceremonial signing of the Memorandum of Agreement between project partners and DSWD and DepEd, It will end with a storytelling session of the book, “Mantsa”, written by Palanca-award winner Augie Rivera, about the harmful effects of corporal punishment on children.
WHAT: Media Launch of the “Positive Discipline Project” – Promoting positive and nonviolent discipline of children in the Philippines
WHEN: Thursday, 15 May 2014, 9 AM – 12 NN
WHERE: Annabels Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.
WHO:
Plan International Philippines
European Union
DSWD
DepEd
DILG
Quezon City Government
Augie Rivera and Tonipet Gaba for “Mantsa”
Social Media: #internationaldayoffamilies #positivedisciplineproject
Twitter @PlanPhilippines
Subscribe to:
Posts (Atom)