Monday, September 28, 2015

Dear School Librarian In Action: Mga Kuwentong Pambata na Taglay ang Saya at May Kakayanang Mapagbago ang Ating Lipunan

Noong Lunes, Setyembre 21, 2015, pinadalhan ako ni Augie Ebreo ng ganitong tanong:
 
Mga programa at hanay ng kwentong Pilipinong pambanta na kayang maghasik ng kulturang Pilipino ayon sa panlasa ng kasalukuyang panahon at paano po ilalapat ito ng may diin subalit may saya na kayang magpakilos ng pagbabago ng ating lipunan?
Bago pa man ako nagbigay kay Augie ng sagot, tinanong ko muna kung para saan ang pangangalangan niya ng mga aklat pambata na may kakayanang makapagbago ng ating lipunan. Gagawa pala siya ng isang storytelling program kung saan ang mga bata at kabataan ang mag-aaral ng kuwento upang ipalabas ito sa isang puppet show. Subalit, may iba pang pakay si Augie. Ito ay ang pagnanais niya na "makapaglahad ng kwentong umuugnay sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari ng kasalukuyang panahon. May kapangyarihan po kasi ang kwento na magbuo at magwasak o magporma ng ugali ng isang tao. Mga kwentong radikal pero mahinahaon pa rin ang dating sa mga bata na di magtutulak sa marahas na kaisipan".

Narito ang sagot ko sa kanya.

Active non-violence ba ang stand na gusto mong iparating? Kase, limitado ang printed book at fiction pero, pwede ka gumamit ng biographies nina Gandhi, Edith Stein at Martin Luther King. Gawan mo ito ng script o short play, musical o puppet show. Pwede mo rin gamitin ang Modern Day Heroes ng The Bookmark.

Baka makatulong rin sa iyo ang folklore. Mamimili ka lang talaga ng kuwento na may concept at theme ng Justice, Peace at Integrity. Halimbawa, ang Why Mosquitoes Buzz in People's Ears ni Veena Aardema. Isang African Folk Tale ito. Yung Alamat ng Ampalaya (Adarna House) ni Augie Rivera, social justice ang tema ng alamat. Ang parusa sa magnanakaw na Ampalaya ay ang nakuha niyang lahat ng lasa, kulay at ganda kaya siya ay naging mapait. Yung Alamat ng Lamok (Anvil), ni Christine Bellen, kuwento ng paglilinis. Kailangan linisin natin ang sarili, ang kapaligiran at ang bayan para matalo natin ang salot ng lipunan. Ang mensahe ng kuwento ay kalinisan at katapangan. Dapat may tapang tayong maglinis muna ng sarili para maalagaan natin ang kapaligiran at hindi tayo masakop ng mga maduduming higante.
 
Pwede rin ang The Greediest of Rajahs and the Whitest of Clouds (Adarna House) ni Honoel Ibardolaza. Tungkol sa isang sakim at corrupt na rajah. Makamit niya ang parusa dahil sa kanyang kasakiman. Basahin mo rin ang Pilandok series, lalo na yung tungkol kay Datu Usman (Adarna House). Ang mensahe nito ay napapanahon. Kailangang maging kritikal sa pag-iisip upang hindi maloko ng mga sakim na pinuno. Ang kuwento ni Ingolok (Cacho Publishing), ni Rene Villanueva, tungkol sa mga aliens na kain lang ng kain hangang sa kapaligiran na nila ang kinakain nila. Naubos ang kanilang planeta.

Napukaw ni Augie Ebreo ang aking atensyon na mag-isip at maghanap pa ng mga aklat pambata na may tema ng pagbabago para sa ating lipunan. Abangan ang ikalawang post, sapagkat, may susunod pa!


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...