"Let's call it a day." Sabi ni Miguel as sarili.
Inikot ni
Miguel ang reading area para kolektahin ang mga aklat na hindi naibalik
sa tamang kinalalagyan. Pinatay niya ang pihitan ng mga air conditioning
system pati na ang mga ilaw. Maliban sa opisina ni Ms. G na
nagtatrabaho pa, iniwan nyang bukas ang ilaw at ang pinaka malapit na
aircon. Sumilip sya sa glass window ng opisina ng kanyang boss. Kumatok
sa pinto at nagpaalam.
"Uuwi na po ako, Ms. Guzman. Naiayos ko na po ang mga book reservations para bukas." Bilin niya sa librarian.
"May parokyano ka pa sa counter. Yung suki natin." Sagot nito sa kanya.
Si Kate.
Dalidaling bumalik si Miguel sa circulation counter. Ayaw niyang itong
paghintayin. Hindi pa man sya nakakapwesto sa counter ay nagsalita na si
Kate.
"Hihiramin ko ang mga na ito." Sabi nito sa kanya na nakangiti.
Inisa-isa ni Miguel ang mga aklat na ipasok sa database. Kabisado na
niya ang buong pangalan ni Kate, ang kurso nito at student ID. Hindi na
sya nagtaka pa sa mga aklat na hinihiram nito. Psychology ni Carandang,
Economics ni Sicat at Walong Diwata ng Pagkahulog ni Egay Samar. Yung huli ay sigurado sya na para sa leisurely reading. Pinagpatongpatong niya ang mga aklat sa harap ni Kate.
"Lahat ba ng nagtatrabaho sa library tahimik?" Tanong ni Kate.
Napatingin lamang si Miguel kay Kate. Naghahanap siya ng tamang salita na isasagot sa kanyang tanong.
Confirmed. Sabi ni Kate sa sarili. Suplado nga. O baka naman bakla? Hindi e.
Pansin ni Miguel ang biglang pagiwas ni Kate. Lumayo siya ng ilang hakbang sa counter at nawala ang ngiti nito sa mga labi.
"Carla!" Sigaw ni Miguel.
"My name is Kate." Sambit nito.
"I know. I know you." Bawi ni Miguel. "Sophomore, BS Pol Sci. ID No 2014-3560."
Napatawa Si Kate ng malakas. Hindi nya alam kung bakit, pero ang cute at ang funny ng sitwaysson.
"Si Carla yung student assistant sa umaga. Maingay yun. Ako, tahimik lang talaga, ako." Habol pa ni Miguel.
"OK lang ang tahimik. Thank you." Sagot niya habang kinukuha ang mga aklat sa counter at isa-isang nilalagay sa book bag.
"Available na ang mga books na pina-reserve mo. Eto na."
"Wow! Salamat!"
"Paborito mo si Beverly Wico Siy."
Tumango siya habang nakatitig kay Miguel. Ngayon lang niya napansin ang
mga mata ni Miguel ay kulay tsokolate. Makapal ang kilay at pilik at
may katangusan ang ilong.
"Isang aklat pa lang niya ang nababasa ko. Ikaw, naka tatlo na."
"Nakakatuwang basahin Si Bebang e. Ramdam ko na totoo siyang magsulat."
"Ramdam ko rin yun."
"Sa palagay ko mahalaga yun."
"Yung nakakarandam?"
Natawa na naman Si Kate. At sa kung anong dahilan, alam ni Miguel na may nagawa siyang tama.
"Mahalaga yung katotohanan."
Napabuntong hininga si Miguel. "Kung hindi mo mamasamain, ako na ang magdadala ng mga aklat na hiniram mo. Mabibigat."
"I would appreciate that."
Pinatay ni Miguel ang computer at sabay sila ni Kate na lumabas ng aklatan.
No comments:
Post a Comment