Wednesday, August 24, 2011

Augie Rivera: Mga Alaala ni A

May tatlo akong katanungan para sa mga napili kong guest blogger sa tribute kay Astrid.

a. Ano ang paborito ninyong kwento ni Astrid? At bakit?
b. Bigyan mo siya ng metapora bilang manunulat, halimbawa, si astrid ay isang bumubulusok na kometa :-)
d. Ano ang ala-ala ni astrid na habang buhay mong dadalhin?

Sinagot ito ni Augie Rivera sa pamamagitan ng isang link sa kanyang Multiply site. Narito ang kanyang eulogy para kay Astrid na maituturing na sagot sa mga tanong na nasa taas.

Pero hindi napigilan ni Manong Augie na magbahagi pa ng mas maraming detalye. Heto pa ang kanyang mga alaala ni A.

Gustong-gusto ko rin ang 'Bayong ng Kuting', at yung essay niya na binasa ni Agay Llanera (KUTING) nung eulogy night. Ginamit ko pa nga sa eulogy na sinulat ko sa itaas.


Siguro, si Astrid ay tulad din nung ama sa story, na naglakad-lakad at nagpunta kung saan-saan para ipaampon ang mga kuting. Si Astrid, nag-iwan at nagpaampon din sa mga kaibigan ng kaniyang mabubuting alaala, na tila mumunting kuting ngayon na ating inaalagaan.

Noong July 2009, barely a month bago siya namatay, nakasama namin siya ni Mike sa binyag ni Maia, bunsong anak ni Nono Pardalis (ANINO at KUTING). Pauwi from Calamba, nangungulit siyang kumain kami ng crabs for dinner. Buti na lang pinagbigyan namin siya ni Mike at nagfoodtrip kami sa Dampa sa likod ng Metrowalk. Yun na ang pinakahuli naming pagkikita. Pero lagi kaming magkachika sa Yahoo messenger, at hihiramin pa nga sana niya ang libro kong 'Man on Wire.' Wala akong kamalay-malay na noong linggong yun ay itatakbo na pala siya sa ospital at papanaw makalipas ang ilang araw.

Inaasahan kong magpaparamdam si Astrid, kahit sa panaginip.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...