Si Agay Llanera-Reyes, Dang Bagas at Liwa Malabed ay mga ka-kaladkarin ni Astrid sa mga lakad, gimik, "adventures", at kung ano-ano pa ay may mga senti at nakakatuwang Astrid moments.
Ang kay Agay --
a. Favorite ko yung essay niya na binasa ko sa eulogy niya. Kasi mailap si astrid pag nagkukuwento tungkol sa karamdaman niya. So through that essay, mas naintindihan ko siya. and to think i only got to read after she passed away. I'll never forget the last phrase "like wings unfurling."
b. Si Astrid ay isang energizer bunny. She just keeps going and going and going. n'ung una, napapagod ako sa boundless energy niya pero later on, natutunan ko na 'tong sakyan, and even be inspired by it.
c.Siguro yung 30th birthday party niya wherein she wore a low- cut red dress. Oh wow! May cleavage pala si Astrid! Con todo make up, strappy red sandals with heels, and kikay bag. She looked radiant that night. And extremely giddy and happy and beautiful.
Ang kay Liwa --
a. Ano ang paborito ninyong kwento ni Astrid? At bakit?
Nagustuhan ko ang Flares and Remissions at Bayong ng Kuting. pinapakita ng dalawang likha ang two sides ni astrid. ang pagiging kitikiti, masayahin at makulay na alam ng lahat. at ang pagiging matapang sa harap ng kanyang karamdaman. pero kahit kailan, di niya ito trinato na balakid. dahil si A ay miss the-glass-is-half-full at palaging positibo.
b. Bigyan mo siya ng metapora bilang manunulat, halimbawa, si astrid ay isang bumubulusok na kometa
Si astrid bilang manunulat ay isang paruparo. parang effortless sa kanya ang lumipad! pero alam ko, pinaghihirapan din niya ang bawat salita. at katulad ng paruparu, ay dumaan muna sa paghuhunos.
d. Ano ang ala-ala ni astrid na habang buhay mong dadalhin?
Naging malapit kami ni astrid noong panahong nangangapa ako at nagsisimula muli. di ko makalimutan na sinalo nya ako at nasa tabi ko siya kahit di namin pinag-uusapan (dahil noong una, ayaw kong pag-usapan). pero noong ready na ako, nagulat ako na maging siya, may pinagdadaanan din. at parang yin yang ang problema namin! Di ko rin makalimutan na nakatagpo ako ng katapat--mas makati pa ang paa ni astrid! kaladkarin naman ako kaya kung saan saan kami nakakarating. huling plano ay dapitan, kasi nasundan na niya sa europa ang trail ni rizal pero di pa niya nakikita ang dapitan. kaya pumunta ako sa dapitan (kakarating ko lang) at kasama ko ang alaala niya.
Ang kay Dang --
A. Ang paborito kong kuwento ni Astrid ay ang Flares and Remissions. Doon ko kasi mas nakilala si Astrid, kung ano ang totoong nasa loob niya, 'yung nararamdaman na hindi niya ipinapakita, 'yung tapang at lakas ng loob sa kabila ng karamdaman niya.
B. Metapora bilang manunulat? Naalala n'yo 'yung commercial ng energizer battery, 'yung rabbit. Sa'kin, 'yun si Astrid. Go ng go ng go ng go.
C. Ang nakatatak na sa isipan ko na ala-ala ni Astrid ay isang imahe. Doon sa dati kong apartment na naging tambayan niya minsan, may banig kami sa sahig malapit sa pinto. Naaalala ko siyang nakaupo doon, nakatanaw sa labas. Hindi niya napansin na nakatingin ako sa kanya. Pensive siya noon, malalim ang iniisip na hindi ko alam, may bahagyang lungkot sa mukha. 'Yun 'yung isa sa mga sandaling kung puwede ko lang balikan, babalikan ko at tatanungin ko siya, ano ang iniisip mo? Ano ang magagawa ko? Ano ang maitutulong ko? O kahit man lang sana tinabihan ko siya doon ng upo at sabay kaming mag-isip at magmuni-muni kung anuman 'yun.
Haha. Naalala ko lang na 'yung isang housemate ko, ginalaw ang sala namin, pinaikot-ikot ang puwesto ng mga gamit. Binalik ko lahat ulit sa dati dahil sabi ko doon ang puwesto ni Astrid, di puwedeng galawin.
No comments:
Post a Comment