Narito naman ang mga kasagutan ni Kinchay Villafranca sa mga tanong na --
a. Ano ang paborito ninyong kwento ni Astrid? At bakit?
b. Bigyan mo siya ng metapora bilang manunulat, halimbawa, si astrid ay isang bumubulusok na kometa :-)
d. Ano ang ala-ala ni astrid na habang buhay mong dadalhin?
a. Bukod sa Bayong ng Kuting, gusto ko rin ang My Forest Friends ni Astrid. Nakita ko kasi kung gaano sya kasipag sa paggawa ng project. Kasa-kasama nya ako noon sa pakikipag-miting sa Haribon at may isang Linggo na ginalugad namin ang Philcoa at Shopping Center para sa maglilinis ng illustrations (pag-alis ng pencil marks sa illustrations). Tapos kina-Lunesan, noong nagkita kami, ibinibida na nya na marunong na raw syang gumamit ng eraser function ng Photoshop. Sya na lang ang naglinis ng illustrations. Ganyan kasi si Astrid, kung di nya alam ang isang bagay, gagawa at gagawa sya ng paraan para malaman at matutunan nya ito.
b. Madalas din naming pagkuwentuhan ni Astrid ang pagme-mentor nya sa mga batang reporters every Saturday. Para syang mother hen sa pag-aalala sa kanila – ok ba mga grades nila at oras ng pag-uwi nila, especially kapag galing sa shoot.
c. Hindi ko makakalimutan noong tumambay kami nila Bong Oris at Astrid sa Petron, dyan sa Katipunan. Yun kasing couple (both students and wearing their school uniform!) sa katabing mesa ay may ginagawa ng milagro. Ayun, lumabas ang pagka-manang ni Astrid (at syempre kami na rin ni Bong).
No comments:
Post a Comment