Thursday, August 27, 2020

Illustrator Interview: Juno Abreu (1 of 2)

Ang Papa Teyo (Aklat Alamid, 2019) ay isang aklat pambata na sinulat ni Mia Baquiran sa wikang Ingles at sinalin sa Ibanag. Si Juno Abreu naman ang illustrador ng aklat. Sa pagkaktaong ito, si Juno Abreu naman ang nagbigay ng interbyu tungkol sa paglikha ng Papa Teyo. Narito ang kanyang interbyu.


1. Ano ang iyong proseso sa paglikha ng aklat na Papa Teyo?

Bago ko simulan yung proseso syempre binabasa ko nang ilang beses yung manuscript, mga tatlong beses. Medyo di ko pa nagegets sa una eh. Ha-ha! Sobrang effective nun para sa akin kasi habang binabasa ko, unti-unti ko na rin nabubuo sa isip ko yung mga possible kong gawing na illustrations at kung paano yung magiging layout ng isang spread

Sunod kong gagawin ay yung character designs, masaya ‘tong proseso na ‘to kasi nabibigyan ko na ng buhay at itsura yung mga characters ng author, medyo nadalian ako sa istoryang ‘to kasi yung characters mismo ay hango sa mga totoong tao. Kaya meron na akong basehan sa itsura ng characters.

Siguro ang huli kong pinag-iisipan ay kung ano ang pinakamabisang paraan para mabigyang kahulugan yung bawat pahina ng kwento, doon ko na rin isinaalang-alang yung mga espasyo, mga kulay, at emosyon ng mga karakter at kung ano yung gustong iparating ng author sa mga mambabasa.


2. Bilang illustrador ng mga aklat at kuwentong pambata, ano-ano ang proyekto na nagbigay sa iyo ng pinakamalaking hamon at bakit?

Isang proyekto na nagbigay sa akin ng pinakamalaking hamon ay ang pag guhit para sa isang segment sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Naging malaking hamon sa akin ‘to kasi yung segment mismo ay hindi pambata! Yung segment ay tungkol sa online child trafficking dito sa Pilipinas!

Naisipan nilang gawin na kuwentong pambata yung segment para hindi masyadong mabigat sa mga manonood, naging malaking hamon siya kasi nahirapan akong gumuhit ng pambata para sa isang topic na hindi komportable, isa sa mga kinailangan kong gawin ay gawing komportable ang topic para sa mga manonood, mahirap pero tinuloy ko pa rin kasi mahalagang topic siya at kailangang i-acknowledge na meron talagang nangyayaring ganun dito sa atin.


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...