1. Ano o sino ang inspirasyon mo sa pagsulat ng Papa Teyo?
Ang aklat na Papa Teyo ay kwento ng simpleng adventures ni Papa Teyo at ni Lucy at ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa bilang maglolo. Ito ay hango sa tunay na mga tao- ang dalawang mahal ko sa buhay, ang aking Tatay na si Ted at aking anak na si Itchie. Noong pinasulat kami ni MJ Cagumbay (Xi Zuq) ng kwento para sa workshop sa pagsusulat ng kwentong pambata sa ilalim ng Booklatan sa Bayan project ng National Book Development Board, hindi na ako lumayo pa para humanap ng inspirasyon. Bilang isang single parent, nakita ko ang bonding ng aking tatay at anak at naisip kong gawan ito ng kwento, na kung saan maipakita din na kahit wala ang biological na tatay ni Itchie sa tabi niya ay nagkaroon siya ng isang “tatay” at lolo rolled into one. Lumaki pa din siyang punung-puno ng pagmamahal na hindi naramdaman ang absence ng kanyang tunay na tatay.
2. Paano kayo nagsimula ni Juno Abreu at Aklat Alamid sa proyektong ito?
Ang aklat na Papa Teyo ay nabuo sa Booklatan sa Bayan na proyekto ng National Book Development Board. Noong 2016, ako ay naimbitahan na dumalo sa isang workshop para sa pagsusulat ng kwentong pambata. Naganap ang workshop ilang linggo matapos ang Syper typhoon Lawin na sumalanta sa aming lalawigan at syudad. Noong una, ako ay may agam-agam sa pagdalo sapagkat buong siyudad ay depressed dala nga ng matinding pinsala ng super bagyo. Wala pang kuryente noon. Naisulat ko pa ang Papa Teyo na assignment sa ilalim ng ilaw ng kandila. Na-inspire akong dumalo dahil noong ako ay nasa kolehiyo sa UP naging guro ko si Miss Carla Pacis sa isang elective subject na Writing for Children. At isa ito sa mga subjects na gustong-gusto ko.
Si MJ ang nagsilbi naming tagapagsalita, isang award-winning na manunulat ng kwentong pambata. Siya ang publisher at nasa likod ng Aklat Alamid.
Masayang binabasa ni Mia Baquiran ang Papa Teyo sa mga bata |
Sa proseso ng proyekto, naitanong ni MJ sa akin kung may naisip akong maaaring gumuhit ng Papa Teyo. At dahil wala akong kakilala, inirekomenda nila si Juno, isang illustrator mula sa Pangasinan na talaga namang nakakamangha ang talento. Nabigyang-buhay niya ang mga karakter ni Papa Teyo at ni Lucy. Napakulay at napakaganda ng kanyang gawa. Sa FB messenger lang kami nag-collaborate ni Juno noong proseso ng proyekto. Sa kasamaang-palad hindi siya nakadalo sa launching naming dito sa Tuguegarao City last year. Hanggang ngayon, hindi pa kami nagmi-meet ni Juno sa personal, pero kami ay magkaibigan sa Facebook. At lubos ang aking paghanga sa kanya tulad din ng aking paghanga kay MJ at kay Miss China Patria de Vera, ang aming Senior Editor ng Aklat Alamid.
No comments:
Post a Comment