Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough
Director: Marlon Rivera
Screenplay: Cris Martinez
MMFF 2016
Talagang may mga milagrong nangyayari sa panahon ng kaPaskuhan. Biruin mo, sinamahan ako
ni Papadoms manood ng Ang Babae
Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough! Last full show pa
ang kinuha naming screening time at 30 minutes bago magsimula ang sine,
nakapila na kami sa entrance gate
ng cinema.
Syempre, nangunguna ako sa pila. At may nakakatawang kuwento bago kami nakapasok sa loob ng cinema.
Me to Ticket Lady: Miss,
nagpapasok na ba?
Ticket Lady: Saan
po?
Palibhasa, dalawang cinema kase ang binbantayan niya.
Me:
Sa Septic Tank 2.
Ticket Lady: Nililinis pa
po.
Wagi ang aming exchange of conversation,
di ba? Tawa naman si Papadoms nung marining niya ito.
Sapul. Senyales pala ito ng mga katawatawang eksena ng pelikula. Bukod sa katatawanan, makabuluhan rin ang pelikula at napapnahon.
Tumawa kami at nag-isip.
Nag-isip,
bes. NAG-ISIP.
Kaya heto ang top 5 na nagustugan kong mga eksena at aspeto sa Ang Babae Sa Septic Tank 2.
1. Eugene Domingo.
Syempre, fan
ako. Pero, bes, ang galing talaga ni Eugene dahil arte sya kung kailangang ang lungkot, saya, pagkadismaya, ka-bekihan, ka-kikayan, lahat na!
Panalo sa akin
ang tatlong levels ng hugot. Consistent
si Eugene
sa delivery
ng lines
sa eksena nila
ni Jericho Rosales. Ang gagaling rin nina Joel Torre (walang kupas!), Cai Cortes at Agot Isidro, kahit pa kaunti lang ang role niya dito. Siya pa rin ang ideal na BFF ng bidang babae. She doesn't over run the lead, but makes her presence felt. Ganun din ang naramdaman ko habang pinapanood ko si Cai Cortes.
2.
Ang talino ng script.
Ang meta.
Ang sharp
ng dialogue at para
sa aking pandinig,
ang poetic
ng language
ni Cris Martinez. Lalo na sa eksena kung saan pikon na pikon na si Kean Cipriano kay Eugene Domingo.
3.
Yung mga quiet moments
sa movie,
ang lakas ng dating. Enough na yung empty room sa condo ni Direk Rainer na magbigay ng hiwatig na olats na si direk kahit marami siyang trophy sa shelf niya.
4.
Si Facundo. Need I say more?
5.
Ang cover version
ni Eugene
ng Forever Is Not Enough.
Ang organic. Hindi
pilit. Authentic.
Ito ang mga dahilan kung bakit masasabi
kong wagi ang sequel
na ito para
sa akin.
Rating: 4.5
No comments:
Post a Comment