CITATIONS
4th National Children’s Book Awards
Best Reads of 2014 and 2015
Written by Mary Gigi Constantino
Illustrated by Ray Sunga
Published by Adarna House, Inc.
Sino ang mag-aakala na eksayting ang paglalakbay ng isang butiki? Sobrang nakakaaliw ang pagsulpot-sulpot kung saan-saang bahagi ng bahay ng butiki sa kuwento. Ang simpleng texto ay nagamit pa upang ituro ang konsepto ng kabaliktaran, sa paraang kaaya-aya. Kung kaya, hindi ka magsasawa sa pagsubaybay sa lahat ng dinaanan ni Butiki.
-Prepared by Ms. Kristine Canon
Illustrated by Eli F. Camacho
Published by Adarna House, Inc.
Ang aklat na ito, ay kumpleto sa sangkap, puwera lang sa salita. Marami itong iba't ibang kulay, siksik sa tamis at umaapaw sa aliw. Kung sa bagay, ano pa ba ang kailangan sabihin kung kitang-kita naman at madali maintindihan ng bata man o matanda ang paggawa at pagkain ng haluhalo? Haaay ! ang sarap ulit-ulitin ang pagbabasa sa nalikhang aklat ni Eli F. Camacho na Haluhalo.
-Prepared by Ms. Kristine Canon
Written by Mailin Paterno
Illustrated by Isabel Roxas
Published by Ilaw ng Tahanan Publishing, Inc.
We see it everywhere. A crowd of funny, wise, vulgar, ridiculous words and phrases rendered in bold strokes and colorful letters. But as the sight becomes too familiar, the messages they convey are soon ignored. Thus, it is refreshing to read Mailin Paterno's simple story about a billboard maker who turned harsh warnings into gentle reminders. Isabel Roxas complemented it with her signature whimsical illustrations using bright splashes of color and chaotic spreads that actually make sense. Together, they created Mang Andoy's Signs, a delightful book for both children and adults. This book truly deserves a sign of its own saying: "Simply marvelous!"
-Prepared by Ms. Cecilia Picache
Written by Ergoe Tinio
Illustrated by JC Galag
Published by Adarna House, Inc.
Masarap maging bahagi ng pamilyang Pilipino. Malaki, maingay pero masaya. Para bang ibinalik ako sa pagkabata ng “Salusalo para kay Kuya.” Naalala ko noong bata pa ako, kapag kaarawan ko na ay sabik na sabik akong gumising nang maaga para buksan ang aking mga regalo. Ramdam mo rin ang pagmamahal ng isang kapamilya sa kaanak sa kuwento. Sa bawat pahina ng kuwento, nangungusap ang mga mapinpintog na pisngi ng mga tauhan, abala sa isang salusalo, pero masaya pa rin ang lahat. Ipinapa-alaala na dapat tayong maging katulad ni Bubuy Boy, na umiiyak ng bahaghari, na kahit na parang may iniwan na malaking butas ang ating kaanak kapag sila ay pumanaw na, kailangan tayong maging malakas at puno ng pag-asa at sariwain ang mga inspirasyong iniwan nila.
Salamat Ergoe Tinio, JC Galag, at Adarna House sa mahusay na kuwento!
-Prepared by Mr. Troy Lacsamana
Written by Xi Zuq
Illustrated by Al Estrella
Published by Adarna House, Inc.
-Prepared by Prof. Portia Padilla
Written by Edgar Calabia Samar
Published by Adarna House, Inc.
"Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tábon is a captivating tale of a young boy’s courage amidst the enveloping darkness in his life. Edgar Calabria Samar pulls us into a world of mysterious events and frightening characters from Philippine folklore. He expertly weaves in elements from role-playing video games, a concept that connects with young readers (and to gamers of all ages). This book takes us on a rollercoaster ride full of adventure, suspense, and danger.
Finally, a hero like Janus Silang claims his space in our imagination. He rises above the challenges and gives hope―a bright star leading us out of the darkness."
-Prepared by Mr. Dan Matutina
No comments:
Post a Comment