Sunday, August 29, 2021

Illustrator Interview: Christina Javier, 2021 Alcala Prize Winner

Congratulations to Ms. Christina L. Javier for winning the 2021 Alcala Prize!

Here is the official press release from the PBBY website.

The 2021 PBBY-Alcala Prize was awarded to Christina L. Javier, a mixed media and collage artist from Cavite. Ms. Javier won for her illustrations based on the 2021 PBBY-Salanga prize-winning story “Ang Tahanang Hindi Tumatahan” by Iza Maria Reyes.

Javier’s art involves recycling used paper, reused stamps, and punched paper to add style and texture to her work. She was a contributor for two issues of Novice Magazine and was commissioned by the NCCA, under the e-storytelling project of Sentro Rizal in 2020. She is currently a member of Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang INK).


And now, for her interview.

1. Ano ang kahulugan para sa iyo ng paglikha, lalo na sa konteksto ng kuwentong pambata? May espesyal bang dahilan kung bakit collage ang pinili mong estilo?

Ang paglikha gamit ang mixed media para sa kuwentong pambata para sa akin ay napakahalaga. Para sa akin, isa itong tulay na nagbubuklod sa iba’t ibang kabataan na may iba't ibang karanasan, at mula rito, nalalaman ng mga bata na hindi sila nag-iisa sa ganitong sitwasyon or nagkakaroon ng kamalayan at pagmamalasakit sa iba. Bilang ina, bago pa man ako naging ilustrador, sa mga kuwentong pambata ko ipinapakilala ang mga scenarios, uri ng kapansanan, at iba sa aking mga anak.

Collage naman ang aking napili dahil mas malaya ako ilagay ang detalye sa aking mga piyesa, bukod sa parang puzzle na nakakatuwang gawin ang ganitong estilo, madami ring bata ang mahikayat na maging resourceful sa kanilang art materials, lalo mga reused grocery brown bags ang kadalasang aking ginagamit.

2. Sino ang iyong role model o influences sa pag-iilustrate ng kuwentong pambata? Ang aking role models na illustrators ay sina Morgana Wallace, Clare Youngs, at Dinara Mirtalipova. Si Morgana Wallace, isang paper artist from Canada, ay isa sa aking paborito. Gumagamit siya ng gouache at paper cutting style na parang 3D. Maganda rin ang kanyang balance sa kulay at composition. Si Clare Youngs, isang British collage artist ang isa sa nag-inspire sa akin na gumamit ng mga papel na nagamit na. Kadalasang themes niya ay tungkol sa mga hayop na talagang pambata ang estilo. Samantalang si Dinara naman, isang Uzbek folklorist, ang nag-inspire sa akin na ipagpatuloy gumamit ng maliliit na detalye sa aking mga piyesa. Di ito masyado makikita sa aking illustrations sa PBBY entries ko, ngunit mahilig ako maglagay ng masyadong intricate na detalye, depende sa proyekto.

3. Ano ang aklat pambata na sana ay ikaw ang nakapag-illustrate?

Sa tingin ko gusto ko magawa ang kuwento na MARIA SIBOL: Ang Natatanging Batang Diwata mula sa contest ng Lampara Books Illustrator contest. Isa ito sa mga kuwentong aking naibigan sa unang basa pa lamang.   4. Please share 5 recommended books for aspiring illustrators of children’s stories?

For [a] range of paper art and collage picture books, I recommend, Morgana Wallace and Jahn Wall’s “Hedy and her Inventions”, Dinara Mirtalipova’s illustrated book “Leila in Saffron” for folklore and [an] intricate vibe; Sergio Bumatay III's illustrated book, “The White Shoes” (It is a nice approach of also using of pastels on kraft paper. It shows how the brown color can be used for picture books, too). Clare Youngs’ “Animal Parade”, for animal collage inspiration. “I Am the Change in Climate Change” an activity book for children written by Mrs. Alyssa Alampay and Ang INK. Just looking at the different works of Inkies, will give aspiring illustrators different options and inspirations from style, media, and composition.

Watch Ms. Javier's acceptance speech and message delivered last July 20, 2021 at the virtual ceremony of National Children's Book Day.



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...