Melai has found her center in storytelling! |
Kailan at paano mo nalaman na isa kang storyteller?
Nagsimula ang propesyon ko bilang storyteller/kuwentista noon ika - 23 ng Abril 2005 sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas na kung saan nagkaroon ng isang pagsasanay sa pagkukuwento ng isang grupo ng mga kuwentista at ito ay ang “Alitaptap Storyteller’s Philippines” na pinapamunuan ni Sir Manolo Silayan, isang batikang Kuwentista na sya naging mentor ko sa pagsasanay. Dahil dito ako ay naging miyembro ng grupo na ito. Nagsasanay at isinasalang sa mga aktibidades ng grupo na ito. Noong itinatag ang Children’s Section ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas na kung saan ako ang librarian, ito ay naging daan para ipakita ang aking natutunan sa pagkukuwento at naging trabaho ko na ang magpasaya sa mga bata sa pamamagitan ng pagkukuwento.
Ano ang paborito mong ikuwento at bakit?
Ang paborito kong ikuwento ay ang ARAW SA PALENGKE na isinulat ni May Tobias Papa. Nasabi kong paborito ko ito dahil sa kuwentong ito nagamit ko ang mga natutunan ko sa Alitaptap Storyteller’s Philippines na pinamumunuan ni Sir Manolo Silayan. Itong kuwento na ito ang aking ginamit para mapasali ako sa Contest na Read Along ng Philippine Daily Inquirer na napasama sa finalist. Ito rin ang naging daan para makilala ko ang sumulat ng kuwentong ito. Ang “Araw sa Palengke” ang kauna unahang kinuwento ko na nilapatan ko ng orihinal na istilo sa pagkukuwento gaya ng mga salitang “Suki Suki Bili na Kayo” na may aksyon at mga salitang nakakaaliw sa mga bata.
Magbigay ka ng isang karanasan sa pagkukuwento na hindi mo makakalimutan?
Isa sa mga karanasan ko na di ko makakalimutan sa pagkukuwento ay noong inanyayahan ako na magkuwento sa mga batang may sakit na Kanser sa Philippine General Hospital (PGH) sa araw ng aking kaarawan. Ang nais ko ay mapasaya sila sa pamamagitan ng pagkukuwento ko at maibsan ang kanilang nararamdaman na sakit habang sila ay ginagamot. Ako ay nagulat na lahat sila ay may ngiti sa labi at humahalakhak habang nakikinig. Pagkatapos ko magkuwento sila naman ang naghandog ng regalo sa akin kinantahan nila ako na may Cake at Kandila para hipan ko, at niyakap para magpasalamat sa mga sandaling iyon na napasaya ko sila. Abot abot ang aking saya sa ginawa nilang pagbati sa akin.
Melai in action. At a storytelling event in Bangkok, Thailand. |
Ano ang maibibigay mong “tip” o payo paransa kuwentistang nagsisimula pa lamang?
Ang dapat lang tatandaan ng mga kuwentistang nagsisimula pa sa larangan ng pagkukuwento ay isa PUSO at may PASYON sa pagkukuwento. Maging Interactive at Enthusiastic sa mga bata at higit sa lahat mahaba ang PASENSYA sa mga nakikinig.
Melai's activities in storytelling can be read through her Facebook account. Check Kwentista Ramirez and discover the many services and programs she help conduct in the National Library of the Philippines.
Melai's activities in storytelling can be read through her Facebook account. Check Kwentista Ramirez and discover the many services and programs she help conduct in the National Library of the Philippines.
No comments:
Post a Comment