Friday, September 7, 2018

Filipino Librarians of the Month: Librarians of the Filipiniana Section, UP Diliman Main Library


Dahil Buwan ng Wika noong Agosto at International Literacy Day naman sa Sabado, Setyembre 8, 2018, mga librarians ng Filipiniana Section ng UP Diliman Main Library ang tampok na Filipino Librarians sa blog. Pinangungunahan ni Mr. Rhoel E. Rondilla, ang grupo ng mga librarians na ito ay naghahandog ng mga kuwento sa estilo ng Sabayang Pagbigkas o Readers' Theatre. Basahin at alamin ang kanilang mga kuwentong buhay sa panayam na ito. Higit sa lahat, malalaman nibyo ang mga paborito nilang aklat! 

Sino ang may sabi na hindi nagbabasa ang mga librarians?

Sila ay binubuo nina Mr. Rhoel E. Rondilla, Reslyn Espino, Eliza May Jayag, Thergie Ablin, Maria Ester Cruz at Elmer Tolentino.

Bakit kayo nagtayo or nag-organize ng isang readers’ theatre group?
Ang FI Books Section Readers’ Theater group ay itinayo hindi lamang upang kumatawan sa UP Diliman libraries sa mga storytelling activities kundi pati na rin makapagbahagi ng aming kaalaman, ng aming oras at ng aming talent. 

Ano ang kinalaman nito sa pagiging laybraryan ninyo?
Bilang Filipino, nais naming makatulong upang iangat ang mga gawa't likhang pinoy. Adhikain naming na ipadama at ipaalam sa lahat na ang likhang pinoy ay mayroong katuturan at yaman. Bilang mga laybraryan, ito ay aming ambag sa komunidad ng unibersidad at sa pamayanan na aming kinabibilangan.

Paano kayo nagsimula bilang isang Readers’ Theater?
Hindi sinasadya ang pagkakatayo ng Readers’ Theatre group namin. Nangyari lamang ito noong nagkaroon ng forum ang aming aklatan na inorganisa ng Filipiniana Books Section na kung saan kami ay nabibilang.

Mukhang seryoso kayo sa inyong advocacy. Ano pa ang balak ninyo sa mga darating na panahon?
Ang pagkukuwento bilang isang grupo ay aming karangalan, kuewntong lahat ay may aral, aral na dadalhin ng mga nakikinig. Sa mga darating pang panahon, nakahanda kami at  tutugon sa mga imbitasyon at makikilahok sa mga programang naglalayong makapagtaguyod  ng pagbabasa ng mag akdang pinoy.


Maari bang magbigay ng bawat miyembro ng kanilang mga paboritong aklat at dahilan kung bakit?

Rhoel Rondilla 
– Alamat ng Pinya. Ito ay patungkol ito sa mag-ina na si Aling Rosa at Pinang. Patunay na dapat sa lahat ng bagay at anuman oras, kinakailangan ng mahabang pasensya. 

- Hunger Games. Ito ay tungkol sa pagpapakasakit para sa pamilya at sa anumang uro ng relasyon. Ito ay patungkol din sa pagtutulungan. Nagpapaalala din ito na ang kasamaan, kailanman ay hindi nagtatagumpay.

Elmer Tolentino
- Marami-rami na din naman akong aklat na binasa ngunit mabibilang lang sa mga ito ang aking natapos.  Marahil dajhil na din sa kakulangan ng oras . Ilan sa mga paborito ko ay ang mga aklat ni Bob Ong. tatlo sa kanyang mga obra ay meron ako. Ang Abnkkbsnplako ay ang unang aklat na binili at naibigay sa akin ng aking asawa na kasintahan ko pa lamang noon.  Kaya may sentimental na halaga ito sa akin. Nasundan pa ito ng Bakit baligtad magbasa ng libro ang mga Pilipino.  Nagustuhan ko ang estilo ni Bob Ong (di niya tunay na pangalan) sa pagamit niya ng humor sa pagtatalakay at pagpapamulat sa ang mga bagay-bagay sa pang  araw-araw na buhay at kultura ng mga Pinoy ito man ay positbo o negatibo. 

- Isa rin sa aking paborito noon pa man ay ang mga Pabula ni Esopo.  Naalala ko pa noong akoy bata pa na lagi akong binabasahan at kinukwentuhan ng aking ina. Kahit pay itoy paulit-ulit nang naikwekwento. Ngayon dahil  sa akoy may sarili ng pamilya at may sarili na ring mga anak ako na ang siyang nagkukwento ito sa kanila.

Thergie Ablin
- Aklat na akin ng nagamit sa pagkukuwento, “Bakit matagal ang sundo ko" ni Kristine Canon, dahil ito yung first story na aking ikinuwento sa mga kabataan ng GAwad Kalinga. Hindi koi to makakalimutan dahil nagkuwento ako para sila ay maaliw at hindi hanapin ang kanilang ga magulang o tagapag-alaga na masipag at tulong –tulong na nagtatayo ng mga kabayanan sa Gawad Kalinga sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

- Aklat na paboritong basahin noong ata pa until now siguro, Cinderella kase, the story itself teaches us how to dream, belive and achive our dreams and also, true friends regardless of the sizes and looks they will help you because they love you.

Ester Cruz
- Ang paborito kong aklat sa ngayon ay Charlotte’s Web dahil sa konsepto ng pakikipagkaibigan

Elizza Mae Jayag
- Every day by David Levithan at Kite Runner by Khaled Hosseini. Mahilig kasi akong magbas ng novels, mg love story and comedy. Sa local naan is yung “Mass” ni F. Sionil Jose and “Para kay B” ni Ricky Lee.


Ang larawang ito ay kuha noong July 29, 2018 sa Museo Pambata kung saan, naghandog ang grupo ng isang pagtatanghal ng Ang Matandang Mananahi (De las Casas at Gagatiga, 2011).






No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...