Here is part 2 of Mr. Gojo Cruz's interview where he shares with us his dreams for the Philippine Children's Literature industry.
3. Saan mo nakikita ang iyong sarili bilang manunulat ng Kwentong Pambata, 5-10 taon mula ngayon?
Gusto kong sumulat sa mas mga batang Pilipino. Nasimulan ko na ito sa "Maghapon Namin ni Nanay" at "May Sampung Pulang Langgam" na ang target na mambabasa ay ang mga batang 0-4 at 5-7 edad.
Marami nang manunulat ang nagsusulat para sa mga batang edad 8 hanggang 12.
Gusto kong maging katuwang ng mga ina ng tahanan ang aking mga aklat para sa mga bata sa pagpapakilala sa kanila ng kanilang taglay na kultura. Gusto kong sumulat ng mga aklat sa mga batang may maliliit na kamay at ang turing sa aklat ay laruan lang muna.
4. Ano ang iyong mga pangarap para sa pagyabong at pag-unlad ng Panitikang Pambata sa bansa?
Pangarap kong magpatuloy ang pag-unlad ng panitikan para sa mga bata.
Madagdagan pa sana ang mga manunulat para sa mga bata sa mga darating na taon.
Pangarap kong dumating ang panahong ang mga bida sa mga lokal na kuwento para sa mga bata ang matatandaan at iidolohin ng mga batang Pilipino.
Pangarap kong maging tulay ang lahat ng guro upang maiparating at maipakilala sa mga bata ang ating magagandang aklat para sa mga batang Pilipino. Kung nais nating makabuo ng isang nasyong nagbabasa, kailangang magkaroon muna tayo ng mga gurong nagmamahal din sa pagbabasa.
Genaro Gojo Cruz reinvents himself by pursuing writing for younger readers. |
English Translation:
Where do you see yourself as a children's story writer, 5-10 years from now?
I wish to write for younger children ages 0-4 and 5-7 years old. I have started with two books published by Adarna House, Maghapon Namin ni Nanay and May Sampung Langgam. There are a good number of books for children aged 8-12 years old. I wish to be a partner of mothers by writing for younger children and help them appreciate their culture even at a young age.
What are your dreams for the growth and development of Philippine Children's Literature?
I dream an industry that continually grows and develops.
I wish to see more Filipino writers write for children in the years to come.
I dream that Filipino children idolize characters from children's books written by Filipino writers.
I dream that all Filipino teachers introduce story books written by Filipino writers to their students. If we dream to build a nation of readers, our teachers should first and foremost be readers themselves.
Genaro Gojo Cruz will be awarded the 2016 Salanga Prize on July 19, 2016, during the National Chidlren's Book Day at the Cultural Center of the Philippines.
No comments:
Post a Comment