Showing posts with label Ang Nanay Kong Driver. Show all posts
Showing posts with label Ang Nanay Kong Driver. Show all posts

Monday, March 30, 2020

Kuwentong Musmos Illustrator Interview: Pepot Zamora Atienza

Here is Pepot Zamora Atienza's interview on his adventures and experience in Baguio during the Illustrator's Workshop for Room to Read's Kuwentong Musmos book project. Pepot's colorful renditions of Reina Peralta's Ang Nanay Kong Drayber  (Lampara Books, 2019) makes the book a visual feast for the eyes. Read on!

What is your creative process for 'Ang Nanay kong Driver'?

I originally thought of creating dioramas for this book project pero eventually mas sinemplehan ko nalang since kalaban po ay oras. So what I did is flat-lay clay illustration with a bit of help of computer graphics. I created the characters and all the other elements using modelling clay. I photographed them one by one and lay it out in photoshop. I really liked the spectrum of colors and the soft texture of modelling clays. It has this appeal that kids would enjoy to look at.

 2.    What is the picture book/children’s book you wish you had created or illustrated?

Well to be honest, sobrang natuwa na ako sa 'Ang Nanay kong Driver' hindi ko na naimagine na ibang story ang gagawin ko. Magaganda ang lahat ng story. I just believe na sakto sa art style ko yung ginawa ko for the story ng 'Ang Nanay kong Driver'.

3.  What are your 5 tips for aspiring illustrators?

1) Trust the creative process. I learned a lot from the workshops of RtR (Room to Read) and it was an eye-opener for me as an illustrator na may tamang proseso pala sa pagawa ng libro. The proccess may be tedious, from doing thumbnails to the final art. Follow these kasi it'll make sure na you are on track to creating a great children's book.

2) Always inspire yourself by looking at critically-acclaimed children's books and observe carefully what makes the book really good.

3) Read the story you are going to illustrate at least 50 times. Dapat sobrang familliar ka dun sa gustong iparating ng writer, reading it for only a few times baka mamisinterpret mo yung story. Then from there pag nakuha mo na yung message ng author, add your own take to the story using your illustrations. Basta important na nandun pa rin essence at intention sa story ng writer.

4) Ask other people's opinions. Let them constructively criticize your work. Masaya rin na may makita kang perspective ng iba kasi mas magkakaron ng dimension ang isang idea.
5) Enjoy the process. Be creative, imaginative and always do your best. Pag hindi ka nag-enjoy, it can reflect sa work mo or worse you'll end up with "what ifs" pag hindi mo ginawa yung best mo. 



4. What are your 5 recommended books for young artists or anyone who wishes to break out into picture book illustration.

Siguro childrens illustrators nalang ang irerecommend ko. Advice ko na obserbahan ang books and other works nila kasi sobrang consistent sa art style and super galing. Robert Alejandro, Beth Parocha, Sergio Bumatay, Liza Flores, Aldy Aguirre, pero actually halos lahat sa Ang InK magagaling. I love them all!

 5. What part in 'Ang Nanay kong Driver' did you enjoy drawing the most or proved challenging to draw?


I really loved the palengke scene. Sobrang challenging kasi i have to illustrate a lot of people plus kung ano binebenta nila or ginagagwa nila. Ang mga prutas, gulay, isda, karne, ang mga basket, bilao ay tinyaga kong gawin isa-isa Ang saya-saya nung matapos ko kasi sobrang makulay, ramdam ko yung pagiging busy ng palengke. Tsaka kuha na rin yung essense nung story sa spread na ito, about gender roles.


Saturday, March 21, 2020

Kuwentong Musmos Author Interview: Reina Peralta

The blog is featuring Ms. Reina Peralta, author of Ang Nanay Kong Driver which is about gender roles and gender equality. (Lampara Books, 2019). Pepot Zamora Atienza illustrated the book.

1. Bakit ka nagsusulat para sa mga bata/kabtaan? 


Ito ang unang pagkakataon na nakapagsulat at nakapaglathala ako ng kuwentong pambata. Hindi naman talaga ako nagsusulat para sa kanila [mga bata] noon, bago ako naging empleyado ng Lampara Books. Mahihirap, indigenous people at mga kasapi ng LGBT community, silang mga hindi gaanong pinapakinggan ng lipunan ang pinag-aalayan ko ng mga akda (nobela na aking una talagang genre). Naniniwala kasi ako na responsibilidad ng mga manunulat na maging boses ng mga hindi naririnig/pinakikinggan. At nang makapagtrabaho ako sa Lampara, naisip kong may isa pang hindi gaanong napakikinggan ng lipunan--ang mga bata. Kaya naman hinangad ko na rin na sa pamamagitan ng aking panulat ay maipahayag ko ang kanilang tinig, at kasabay nito ay maimulat ko rin ang mga batang mambabasa sa kung ano ang kasalukuyang sitwasyon ng kanilang lipunang ginagalawan. 2. Paano ka nagsimula sa pagsusulat ng mga kuwentong pambata? Ano ang iyong origin story?


Ang Lampara Books ang nagbukas sa akin ng pinto para makapagsulat para sa mga bata. Labis akong nagpapasalamat para sa pagkakataong ibinigay nila sa akin. 3. Magbigay ng tatlong salita upang mailarawan ang karanasan mo bilang isang fellow ng Kuwentong Musmos Workshop?


Nakakakaba, nakakakilig, nakadaragdag ng kaalaman.
Nakakakaba dahil mga magagaling na manunulat ng kuwentong pambata ang mga nakasama ko sa workshop. Nakakatakot magkamali. Nakakatakot magsalita sa harap nila. Nakaka-pressure.
Nakakakilig dahil tinuruan at tinulungan ako ng magagaling na manunulat na ito na kinisin ang aking mga kuwento. Iyong ma-mentor ng mahuhusay na manunulat ay higit pa sa nakakatuwa. Ito ay nakakakilig.
Nakadaragdag ng kaalaman dahil hindi naging maramot ang mga nakasamang manunulat sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman. Maging ang facilitator at mga editor ay napakalaki ng naiambag sa kabuuan. 4. Anong aklat ang sana ay ikaw ang nagsulat?


Gusto ko sanang isulat ay iyong tungkol sa danas ng isang batang naninirahan sa lansangan. Iyong mga natutulog/naninirahan sa ilalim ng monumento ng bayani na pinalayas ng mga opisyal ng gobyerno. Ito sana ang gusto kong isulat dahil gaya ng nabanggit kanina, gusto kong maging boses ng mahihirap. Pero inisang-tabi ko muna ang kuwentong ito dahil hindi pa ito gaanong buo at medyo may pagkakahawig ito sa kuwentong pini-pitch ni Mr. Norman noong workshop.
5.
 Magbigay ng 5 tips o payo para sa mga gustong magsulat ng kuwentong pambat



Hindi po ito writing tips dahil parang wala pa akong napatutunayan pagdating sa pagsusulat ng akdang pambata. Pero ibabahagi ko na lang po ang mga natutunan ko na maaaring magamit ng aspiring childen's book writer.
a. Laging isipin ang target reader. Magugustuhan ba ito ng bata? Mauunawaan ba ito ng bata? Ano ang mabuting maidudulot nito sa bata?
b. Ang akdang pambata ay hindi palaging tungkol sa pagtuturo ng mabuting asal.
c. Hindi por que bata ang bida sa kuwento ay maituturing na itong kuwentong pambata. Magkaiba ang kuwentong pambata at kuwento tungkol sa bata.
d. Huwag maliitin ang kaalaman at malay ng mga bata.
e. Tayo ay mga gabay ngunit huwag nating idikta sa mga bata ang personal nating tindig tungkol sa isyung panlipunan.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...