D7 to 2025: Ginisang Gulay sa Giniling
Hindi naman ako nagpakabonga sa performance ko sa kusina kagabi. Lutong bahay. Lutong nanay. Ganun ka-simple. Low key lang ang goals sa Noche Buena.Ang saya makita na na-enjoy ng mga bata ang niluto kong ginisang kalabasa at sitaw sa giniling. Nilagyan ko lang ng kaunting oyster sauce. Syempre hindi ko sinukat. Pinaikot ko lang yung sache ng Mama Sita’s sa ginigisa ko and that’s it. Gut feel. Naubos naman. Walang nasayang.Lumaki ako sa ginisang gulay. Kung walang giniling, hibi ang gamit ni Mama. Na-realize ko early on as a working mom kung bakit palaging nagluluto si Mama ng ginisang gulay. In 40 mins, may kakainin na kami at makakagawa na siya ng side hustle niya. Pag weekend, lalo na kung Sunday, nagluluto siya ng ulam na may sabaw. Slow cooking. Comfort food.
Gusto kong ibalik ang routine na ito. Gusto kong gawing habit ulit. Isang paraan para panatiliin ang alaala ni Mama. Masarap siya magluto, sa totoo lang!
#gracegriefgratitude
No comments:
Post a Comment