D4 to 2025: Si Golden at Si Ohren
Ang ganda-ganda na ni Ohren!
Sa maniwala ka o hindi, nag-agaw buhay siya noong Setyembre ilang araw matapos akong gumaling sa sakit na typhoid fever. Sumabay pa ang bagyo.
May outbreak ng feline coronavirus noong mga panahong yun. At dahil hindi namin naagapan ang pagpapa-vaccine sa kanilang magkakapatid, lahat sila ay nagkasakit at namatay. Nauna si Cali, sumunod ang mga bagong kapapanganak pa lang na mga kahel na kuting; tapos si Ashe, at si Sleepy na nadala pa namin sa vet. Maliban kay Ohren ang kanyang nanay na si Golden ang naisalba namin sa tulong ng aking hipag. At higit sa lahat, napakapon na ang mag-ina.
Malapit na naming makuha si
Ohren at Golden mula sa aking hipag. Magbebertdey na si Ohren sa January 26, 2025. May agam-agam akong alagaan silang muli. Nagtapat naman ang bunso sa disposisyon niya ukol sa mga pusa. Hindi pa siya ready. Naiintindihan ko naman kung bakit.
Iniisip ko ngayon, sa pagbabalik ng aming mga pusa, isa itong pagkakataon para matuto at magsimulang muli.
No comments:
Post a Comment