This interview with the phenomenal woman and writer, Beverly Wico Siy has finally come into light. Here, she generously shares her experience and expertise on self publishing, Zines and Indie Bookstores.
1. May directory na ba ng mga Indie Bookstores?
Ang alam ko meron pong kino-compile ang indie bookstore na Kwago, located po ang Kwago sa Makati.
Recommend Top 3 indie bookstores
1. Solidaridad owned by F Sionil Jose
2. Kwago owned by arts writer Czyka Tumaliuan
3. Mt. Cloud, Baguio owned by writer Padmapani Perez and Sister
2. Bukod sa Komikon at Komiket, Indie bookstores at online stores, saan pa at ano-ano ang distribution channels ng Zines at self published books?
Through fairs and book events organized by writing groups, readers groups, community groups, government sponsored events, etc. But I suggest baka pwede na rin magbenta sa mga groserya. Sundan ang ginagawa ng Summit, nagbebenta sa 7/11.
Baka pwede rin magbenta sa mga LBC branch! Isang shelf muna ganon. Sa mga Jollibee branches din! Veteran writer Efren Abueg once suggested dapat may books sa mga salon, parlor, beauty center. Oo nga naman, puwede magbenta doon.
3. Ano ang pinakamalaking balakid ng pagseself publish sa Pilipinas?
Major major balakid ng self publishing ay yung dami ng task at yung dami ng kapital. Maraming skills ang kailangan to finish a book at para mabenta ito so kapag self published ang book, halos lahat ng skills na yun, sa awtor ang bagsak. Mawawalan siya ng focus sa pagpapaganda ng craft. Siguro magandang maranasan nya ito. pero hindi siya magandang gawin nang paulit ulit dahil nakakaubos talaga ng oras at energy. Isa pa yung puhunan. Napakalaking pera ang kailangan para makapagproduce ng book lalo na kung colored ang laman. So, baka magkautang utang pa ang awtor.
Kailangan handa siya na di niya malikom pabalik ang perang puhunan niya. Gaya ng ibang negosyo, ang publishing ay sugal din, risky din.
4. Paano ito masasagot o mabibigyang solusyon sa hinaharap?
I think ang solusyon ay mas supportive na government. Baka dapat bumili ang gobyerno ng mga librong self published at maghold ng awards separately for self published books and zines. Kasi magiging promotion at marketing ng self published authors ang mga award award. Sana rin ay babaan ng book shops ang comission kapag self published ang isang book. Sana may nag ko-collate ng details ng self published books sa buong Pilipinas tapos ine-email ito sa lahat ng organizations ng librarians sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment