Here is a sneak peak of the content I contributed to the project. We hope to roll this out in time for the opening of the academic year in the new normal.
Kung gagamit ng aklat pambata sa Read Aloud
Kailangan na ang napiling aklat ay naaayon sa mga katangian at pangangailangan ng batang makikinig. Gamitin ang kaalaman tungkol sa developmental stages ng isang bata. Maaring kumonsulta sa isang co-teacher, guidance counselor o developmental pediatrician para dito. May mga nasusulat din na impormasyon tungkol sa mga bata at sa kanilang pangangailangan sa mga websites. Ang mga lokal na tagalimbag ng aklat pambata ay mayroon ding mga katalog ng mga aklat na nararapat sa mga bata at mag-aaral. Kung makakakuha ng kopya, maaring basahin muna ito. Kung may librarian at library na mapupuntahan o mapagtatanungan, makakatulong din sila sa pagpili ng mga aklat pambata na angkop sa pagkukuwento at pagbabasa.
Mga dapat tandaan sa bahaging ito ng pagkukuwento
- Basahin ng maayos ang teksto. Huwag magimbento basta-basta o magsingit ng adlib.
- Maaring gumamit ng isang awit o chanting ng mga salita na paulit-ulit na lumalabas sa kuwento. Kailangan lang ay nasa tamang tiyempo at pangyayari sa kuwento ang paggamit ng awit o chant. Gumamit ng awit na nasa public domain tulad ng mga folk songs na pambata.
- Maari ding gamitin ang call and resposne technique kung saan, magtatanong ang tagabasa o kuwentista at sasagot naman ang batang nakikinig.
- Puwede ring i-model ang pagtatanong tungkol sa sinabi ng isang tauhan, sa pangyayari na kagulat-gulat, nakakalungkot at nakakatawa. Sa ganitong paraan, kasama ang batang nakiknig ng kuwentista o tagabasa sa karanasan ng pagsasalaysay at daloy ng kuwento.
- Mag-predict ng maaring mangyari sa mga tauhan at humingi ng panukala, suhestiyon o pakiramdam ng batang nakikinig.Natututo ang bata na mag-isip ng mga possibleng solusyon sa problema ng mga mga tauhan sa kuwento.
No comments:
Post a Comment