Tuesday, March 11, 2014

Book Spine Poetry January 2014: Judge's Review (2 of 4)

Ngayon ay dadakona ako sa ilang kalahok na nanalo:
Last Night I Dreamed of Peace
Looking Back
The First Escape
Before We Were Free
A Hero of Our Time
Jump
Fences
Shaking the Foundation

Nagustuhanko ang tulang ito sapagka tbuo ang naratibo at nagtapos ito sa mga action word tulad ng jump at shaking nakapwanagpapakita ng paglampas sa mga harang sa pangarap tulad ng “fence” at pagbabantasa “foundation.” Nagustuhan ko rin ang pag-isolate ng makata sa salitang jump dahil ipinakita nito kung gaano kahalagaang action na iyon sa buong tula. Palagay ko, ang persona ay isang nilalang nan angangako ng matindinguri ng pakikilahok sa isang bagay nanapakahalaga sa kanyang panahon. 

At naramdaman ko sa pagsasalita ng persona kung gaano karaming pag-asaang itinataya nito sa kanyang sarili at sa mga tulad niya. Bilib ako sa tangan na ideyalismo ng akdang ito.
Dear Bully
You say more than you think
Solitude
When No One Understands
The idea of evil
On Truth and Untruth
This I believe

Relevant angpaksa.Napapanahon at napakalinaw ng mensahe. Para sa akin, matapang ang persona dahil diniretso niya ang pakikipag-ugnayan sa bully. Ipinakita rin dito na may alam siya sa utak ng mga bully (na palagay ko ay hindi alam ng karamihan sa mga aktuwal na bully, sa tunay na buhay) at sa kanilang mga sinasabi sa kanilang mga biktima. Isa itong tunggalian ng nilalang na malalim ang pag-unawa at ng isang nilalang na bully lamang at wala nang iba.
In the Country of Men
Seeking the Heart of Wisdom
Atlas Shrugged
…and a hard rain fell
Natuwa ak odahil may alusyon ito kay Atlas, isasa mga diyos sa mitolohiyang Griyego. Mukhangwell read ang estudyanteng sumulat nito. Napakatingkad din ng imahen na lumabas sa tula. 
Gaano nga ba kaliit ang tao sa iskema ng isang uniberso? Nagustuhan ko rin kung paanong nag pokus sa tao ang unang taludtod at sa abalang mundo nito na siyang nangyayari ngayon. Ang ikalawang taludtod ay paglalarawan sa information era naginagalawan nating lahat. Akala natin, tayo at ang ating talino ang sentro ng uniberso. Ay, maling-mali. Nariyansi Atlas para ipakita kung gaano tayo kaliit, gaano ka-insignificant. Siyang may hawak ng daigdig! Magkibit balikat lamang siya’y puwede nang masira ng ulan ang iyong araw.

Snow falling on cedars
Unclean
Unholy
Undead
In between the sheets
Of the dawn of freedom

Nagustuhanko ang ipinipintang imahen ng tulang ito, ang pag-ulan ng niyebe salugar na may mga puno ng cedar, isang madaling araw ng kalayaan. May ritmo ang pagkakasunod-sunod ng mga salitang unclean, unholy, undead dahil sa paulit-ulit natunog ng prefix na “un” at maiiklingsalitang karugtong nito: clean, holy, dead. Nakakagulat din kung paanong tinapo sangserye ng “un”. Unclean, negative. Marumi,
nakakadiri. Unholy, negative. Hindi banal, pariwara, walangkuwenta, bastos. At undead. Undead, negative. Kumbaga, zombification ng mga patay na nilalang.
Maaaringangtula ay nagpipinta ng larawan ng isang katatapos lamang na digma. Lahat ng digma ay nagluluwal ng mga unclean, unholy at undead na pagkatao. Dahil sa imahen sa mga taludtod, parang gusto kong sabayan ang persona sapag-aabang ng mgasusunod na pangyayari sa umagang ito.

Maligayangbatisalahat ng nanalosa Book Spine Poetry Contest at samga nag-organisanitolalonakay Gng. Zarah C. Gagatiga. Nawa’ymagpatuloykayonglumikha at tumula. Mabuhayangkabataangmakata!

BebangSiy
Kamias, Quezon City

Pebrero 2014

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...