Showing posts with label Edgar Samar. Show all posts
Showing posts with label Edgar Samar. Show all posts

Sunday, February 19, 2017

Author Interview: Edgar Calabia Samar on Janus Silang the Theater Play

National Children's Book Awards 2016

Congratulations to Edgar Calabia Samar on his success as author of the series, Janus Silang (Adarna House, 2014). He generously shares his thoughts on the series' amazing climb to readership success.

1. Inakala mo bang magiging matagumpay ng ganito kalaki ang Janus Silang? Print, theatre at broadcast media na ang naabot nito. Saan pa patutungo si Janus? Halimbawa, school tour?


Naku, siyempre po, ang nasa isip ko lámang noong isinusulat ko ang Janus Silang ay ang libro, na sana ay mabása ito nang marami. Wala talaga sa isip ko noon na magiging komiks, o dula, o ngayon nga ay teleserye ito. Ang tanging measure ko noon ng success nito ay kapag binasa ito ng mga kaibigan ko mula sa San Pablo, na hindi naman karaniwang nagbabasa ng mga nobela, at kapag nagustuhan nila nang hindi ako binobola lang. Sa palagay ko ay nagtagumpay naman ako roon. Sa ngayon nga, sila pa ang unang-unang nangungulit sa akin kung kailan na lalabas ang Books 3. So ibig pong sabihin, ang extension nito bilang ibang anyo ay malaking-malaking bonus na. Siyempre po, malaking bagay rin na bukod sa popular na pagtanggap ay mayroon din itong critical recognition nang pinarangalan ng National Book Award ang dalawang nobela bilang Best Novel, at gayundin ng National Children's Book Award bilang Best Read for Kids.

2. Bilang manunulat Ng nobela, paano ka naging bahagi sa pagsasadula ng Janus Silang?

Tumatayo po akong consultant nila sa mga pagkakataong may gusto silang gawin na hindi explicit na nasa libro (tulad halimbawa ng pagbibigay ng pangalan sa ibang players ng TALA, tulad ni Lemuel sa play na wala sa nobela). Pero sa kabuuan ang aking pinakamalaking papel sa dula ay bilang fan. Lubos ang pagtitiwala ko sa direktor (si CY) at sa playwright (si Guelan) at siyempre sa pangangasiwa ng artistic director ng Tanghalang Ateneo na si Glenn Mas. Kapag pinapanood ko nga ang dula, ako ang ginagawa nilang fan ng Janus Silang. Hanga ako sa mga aktor at proud sa mga ginawa ng buong production team para mapaganda ang produksiyon.

3. Meron na itong book two at kelan naman ang publication at launching ng book three May malaking pressure ba sayo na mahigitan nito ang mga unang aklat sa serye? Paano mo nama-manage ang pressure, kung meron man?

Ang target sa series ay hanggang limang libro. May outline na ako para sa buong series, at hopefully ay lumabas ang Book 3 ngayong taon. Ang pressure sa akin ay mas personal na pressure ko sa sarili na talagang matapos at mabuo ang series nang maayos, sang-ayon sa vision ko rito at hindi sana mabigo ang fans ng series. Very minimal ang external na pressure kasi halos lahat naman ay very supportive sa tinatakbo ng series. Grabe ang kanilang suporta at lubos-lubos ang pasasalamat ko sa kanila.


Mga links na makakatulong sa pag-unawa sa nobela at sa pagtuturo nito sa klasrum:

Saturday, May 3, 2014

Janus Silang Blog Tour Author Interview: Edgar Samar

Super thanks to MJ Tumamac for translating the Filipino version of this interview to English!

Edgar Calabia Samar Interview
Janus Silang Blog Tour
English Translation


Why did you venture on writing for teens?
My first published work is actually a picture book entitled Uuwi na ang Nanay Kong si Darna! (Adarna House, 2002), with illustrations by Russell Molina. On one hand, creating Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tábon is my return to writing for younger readers because after [Uuwi na ang Nanay Kong si] Darna, I started publishing novels and poetry for older readers. The idea for Janus Sílang had been incubating in my mind for a long time but I did not have the opportunity to work on it until I got a RCW (Research & Creative Work) Faculty status in Ateneo [de Manila University], which coincided with last year’s invitation by Adarna House that I write a YA novel. 


What is the biggest challenge you came across as a writer for teens?

I had a lot of things to consider, from the language register that I was going to employ up to the novels’ content. For a lot of times, I had to weigh between making a truthful voice for my characters as well as a realistic story flow, and its would-be impression to my teen readers. Should Janus be cursing or not? Would that be genuine for his character? How would the readers accept that? I think that teen readers of my novel would be able to relate to Janus’s character. The problem would arise maybe from some parents and teachers as they see literature as something young readers should imitate or something that directly influences them. I admire those teachers and parents who look at their students or children’s reading materials as an opportunity to discuss the issues that children are really experiencing. In the face of these challenges, I hope that parents and teachers would see in Janus Sílang the things that children can positively gain.   


Who and what is your inspiration in creating Janus Silang?

I was also asked with this question in my previous interviews. The truth is I have long wanted to write a novel that I think the people I value would read and like, especially by my childhood friends I spent time with growing up in San Pablo. My personal challenge here was valuing simple storytelling. In my previous novels, like Walong Diwata ng Pagkahulog, the project of essaying is more dominant than narrating. For this book, I wanted to create a novel that would make my readers excited and ecstatic. I also wanted to be understood even by a regular teenager. If he reads my novel instead of playing DOTA even just for a few hours, I know that my time in writing this book is not wasted. After he reads the book, and while he waits for Book 2, he may play DOTA again. 




What novel or poem you wish you had written?

A lot! For one, I envy David Mitchell’s Ghostwritten for it is one of the best debut novels I have read. On the other hand, I inherited from Kundera my fondness of essaying in my novels, and his The Unbearable Lightness of Being is I think the book I have read repeatedly the most. Among Filipino works, I am still amazed by Tony Perez’s Cubao Pagkagat ng Dilim. But I also know that every writer has his own world that cannot be penetrated by anyone except when being read. I cannot write like any one of the writers I admire. My own writing is actually recognition and exploration of a world I hope that is not similar with other writers. 


What is next after Janus Sílang?

Wait for the next books in the Janus Sílang series. The second installment hopefully will come out this November and it is entitled Si Janus Sílang at ang Digmaang Manananggal-Mambabarang. I am also finishing for Adarna the book 101 Nilalang na Kagila-gilalas, an encyclopedia of creatures and characters of our own folklore. It might also come out this year, so wait for it! For now, I hope that a lot of teens would read Janus Sílang. It is now available this May in bookstores and it has a series of book launches also this month. Thanks a lot!


Blog Tour of Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon: Author Interview


SI JANUS SILANG AT ANG TIYANAK NG TÁBON
Kuwento ni Edgar Calabia Samar
Inilimbag ng Adarna House, Inc. (2014)


Tungkol sa Aklat/Blurb
Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sai ba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

Tungkol sa Manunulat
Si Edgar Calabia Samar ay ipinanganak sa Lungsod San Pablo at nakapagsulat na ng dalawang nobela, ang Walong Diwata ng Pagkahulog (2009) at Sa Kasunod ng 909 (2012). Itong Janus Sílang series ang una niyang kathang YA. Nagtuturo siya ngayon ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Ateneo de Manila University. Mahigit sampung taon na ang nakararaan nang una siyang makakilala ng isang Púsong.



a. Bakit ka nangahas magsulat para sa mga bagets?

Aklat-pambata po ang kauna-unahan kong aklat, ang Uuwi na ang Nanay Kong si Darna! (Adarna House, 2002) na may mga guhit n Russell Molina. Sa isang banda, isang pagbabalik sa akin sa mga mas nakababatang mambabasa ang pagsusulat ko ng Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon. Pagkatapos kasi ng Darna, mga nobela’t aklat ng tula ang inilathala ko na mas pang-mature na mambabasa. Matagal nang nililimliman sa isip ko ang idea para sa Janus Sílang pero hindi nagkaroon ng pagkakataong upuan hanggang sa magkaroon nga ako ng RCW (Research & Creative Work) Faculty status sa Ateneo, na nakasabay pa ng paanyaya ng Adarna House na magsulat ng isang YA novel noong isang taon.

b. Ano ang pinakamalaking pagsubok na hinarap mo bilang manununlat ng mga bagets?

Marami akong kinailangang isaalang-alang dito, mula sa rehistro ng wika hanggang sa nilalaman. Sa maraming pagkakataon, kailangan kong manimbang sa pagitan ng pagiging makatotohanan sa tinig ng mga tauhan at daloy ng kuwento sa isang banda, at sa maaaring maging datíng nito sa mga kabataang mambabasa. Nagmumura ba si Janus o hindi? Makatotohanan ba iyon sa karakter niya? Paano iyon tatanggapin ng mga mambabasa? Alam ninyo, sa loob ko, sa tingin ko’y mas masasakyan ang karakter ni Janus ng mga kabataang magbabasa sa nobela. Mas magkakaproblema siguro sa ilang magulang at guro na ang tingin sa relasyon ng panitikan at batang mambabasa ay basta gagayahin ng bata o makaiimpluwensiya sa bata ang anumang babasahin nito. Humahanga ako sa mga guro at magulang na tinitingnan ang babasahin ng kanilang estudyante o mga anak bilang pagkakataon upang mapag-usapan sa paaralan o sa bahay ang ilang usapin na sa palagay ko’y totoong pinagdadaanan ng mga bata. Sa harap ng mga pagsubok na hinarap ko rito, sana’y makita rin ng mga magulang at guro ang mapahahalagahan ng mga kabataan sa Janus Sílang.

c. Sino at ano ang inspirasyon mo  para mabuo si Janus Silang?

Naitanong din ito sa akin sa mga naunang panayam. Ang totoo, matagal ko nang gustong makapagsulat ng nobelang sa palagay ko’y mababasa’t magugustuhan ng mga taong mahalaga sa akin, lalo pa ang mga kababata’t kaibigan sa paglaki ko sa San Pablo. Hamon sa akin dito ang pagpapahalaga sa simpleng pagkukuwento. Sa mga una kong nobela, tulad ng Walong Diwata ng Pagkahulog, higit na nangingibabaw ang proyekto ng pagsasanaysay kaysa pagsasalaysay. Ngayon, gusto ko lang lumikha ng nobelang pananabikan ng mambabasa. Ngayon, gusto kong maunawaan kahit ng isang karaniwang teenager. Kapag binasa niya ang nobela ko sa halip na mag-DOTA sa loob ng kung ilang oras, alam kong hindi nasayang ang panahon ko sa pagsusulat nito. Pagkatapos niyang magbasa at habang hinihintay ang Book 2, puwede na ulit siyang mag-DOTA muna. 




d. Ano ang nobela o tula na sana ay ikaw ang nakapagsulat at hindi ang manunulat o makata ng tula o nobelang iyon?

Napakarami! Kinaiinggitan ko ang Ghostwritten ni David Mitchell; isa sa pinakamahusay na unang nobela ng isang manunulat na nabasa ko. Kay Kundera ko naman minana ang pagkahumaling sa pagsasanaysay sa nobela, at ang kaniyang The Unbearable Lightness of Being siguro ang nobelang nabasa ko nang pinakamaraming beses. Sa mga Filipino, nanghihina pa rin ako sa harap ng Cubao Pagkagat ng Dilim ni Tony Perez. Pero alam ko rin na bawat manunulat ay may daigdig na kaniya lang, na halos imposibleng mapasok ng iba maliban sa pagbabasa. Hindi ako makapagsusulat na tulad ng sino man sa kanila. Ang mismong pagsusulat ko’y pagkilala’t paggalugad sa mundong umaasa akong hindi basta-basta kamukha ng sa ibang manunulat.

e. Ano na ang susunod pagtapos ang Janus Silang? 

Abangan ninyo ang mga kasunod na libro sa serye ng Janus Sílang. Sa Nobyembre ngayong taon umano lalabas ang ikalawang aklat ng serye, na may pamagat na Si Janus Sílang at ang Digmaang Manananggal-Mambabarang.Tinatapos ko rin para sa Adarna ang isang encyclopedia ng mga nilalang at tauhan ng ating panitikang-bayan, ang101 Nilalang na Kagila-gilalas. Maaaring lumabas din ito ngayong taon. Abangan ninyo! Sa ngayon, sana’y maraming kabataan ang makapagbasa ng unang aklat ng Janus Sílang. Lalabas na ito sa book stores ngayong Mayo, at magkakaroon ng serye ng book launches ngayon ding buwan na ito. Maraming salamat! 


Bookstore Tour Dates
- May 10 - Powerbooks (Greenbelt or Trinoma)
- May 17 - Powerbooks (Greenbelt or Trinoma)
- May 24 - Fully Booked SM North EDSA

Links
Blog Tour Schedule: www.xizuqsnook.com; www.adarnahouse.wordpress.com
Facebook: https://www.facebook.com/janus.silang
Wattpad: http://www.wattpad.com/story/13119778-janus-silang-at-ang-tiyanak-ng-t%C3%A1bon


Rafflecopter Giveaway
Link: http://www.rafflecopter.com/rafl/share-code/OWQ0NTM2YWM0MTZlOGE0OTA5ZDM3ZWQ2ZWM2NDI3OjM=/

Code:



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...