Friday, February 7, 2025

Q and A on Disaster Ready Kids Series on Radyo Magasin (1 of 2)

I'm sharing my answers to the prompts and questions that the staff of Radyo Magasin sent over for my radio interview last Wednesday, February 5, 2025. It did not exactly turn out the exact way the question go as written on paper. The conversation was casual but informative. 

    1.     Paano ka nahilig sa pagsusulat ng mga kuwentong pambata?

Core memory ko ang read aloud at storytelling ng nanay at lola ko sa akin nung bata pa ako. Dito nagsimula ang pagkahilig ko sa pagbabasa at nung lubog na lubog na ako or inlab na inlab sa aklat at sa pagbabasa, nangarap akong magsulat ng kuwento. Sa diary, sa journal ko ito sinusulat. Naging school librarian ako at nakakahalubilo ko ang mga batang mag-aaral. Naging nanay ako at nagpalaki kami ng 2 anak. Mas lalo akong na-motivate na magsulat at lumikha ng kuwentong pambata. Gusto ko ibahagi ang haraya at mahika ng kamusmusan at ang pag-asa na hindi nawawala sa Kabataan.

 

2.     Ano-ano ang iyong inspirasyon sa mga kuwentong ginagawa mo?

Ang mga anak ko, sina Val and Zoe. Ang mga mag-aaral na nakakahalubilo ko. Ang aking pamilya, komunidad at bansa.

 

3.     Ano ang common theme sa iyong  mga children’s book?

Progressive families; Karapatang pantao at Karapatan ng Kabataan

 

4.     Pag-usapan natin ang tungkol sa iyong bagong libro - Disaster-Ready Kids. Bakit mo naisip na gumawa ng ganitong uri ng aklat? Ano ang pangunahing layunin ng book series na ito?

Hamon ito ni Jun Matias ng Lampara ahahahaha! Naisip ko din na may malaking responsibilidad tayo na itaguyod at sundin ang karapatang pantao at ang Karapatan ng Kabataan. Sa DRK series, priority natin na mabigyan ng sapat or basic information ang bata at ang pamilya niya na maging ligtas sa panahon ng sakuna. Physically, socio-emotionally, mentally at economically ang kaligtasan na pinaguusapan natin dito. Mahalaga kase ang buhay, di ba?

 

5.     Pahapyawan ang mga kuwento ng children’s book series na Disaster-Ready Kids. Ano-anong mga safety tips ang ipinakikita sa mga libro tungkol sa mga susunod na topics? (Sunog, Lindol, Baha. Pagputok ng Bulkan)

 

Common sa 4 na aklat ang proactive na pagkilos at paghahanda sasakuna. Alamin ang basic emergency protocols at contact numbers. Maging alisto sa panukala ng LGU. Maging mapagmatyag sa paligid. Isipin ang komunidad. Tayo ay isang ecosystem. Hindi ito Madali, aaminin ko. It entails hard work and empathy.

 


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...