Wednesday, February 12, 2025

Q & A on Disaster Ready Kids Series on Radyo Magasin (2 of 2)

Here is part 2 of the prompts sent by Radyo Magasin for my interview with them last February 5, 2025. This is part 1, if you wish to review and read.


6.     Paano ang naging proseso mo sa pagbuo ng isang librong ito?

Nag research muna ako ng mga Disaster Preparedness Processes; Nagsulat muna ako ng mga danas naming sa mga sakuna. Dahil may danas ako at ang aking pamilya ng 4 na sakuna na yan, ang bawat karakter na bata sa apat na aklat ay hango sa aking mga anak nung bata pa sila. Nagsasanay din kami ng mga emergency drills sa school at na-observe ko ang ugali at response ng aking mga mag-aaral. Gayon din ang mga matatanda or adult na involved dito. Inilagay ko ito sa kuwento.

7.     Ano-ano ang challenges na kinakaharap mo sa pagbuo ng Disaster-Ready Kids?

Yung revision stage, challenge yan forever ahahaha!

8.     Alin ang pinakamahirap na bahagi sa paglikha ng kuwentong ito?

Same with number 7.

9.     Gaano kahalaga ang pagtuturo sa mga bata ng kahandaan sa mga sakuna sa pamamagitan ng children’s book?

Nakakabawas ito ng anxiety or pag-aalala. Informed sila at alam nila ang gagawin. Hindi ba, empowering ito?

 10.     Paano mo inaasahang makatutulong ang iyong aklat sa mga magulang at guro?

Mainam na basahin ng magulang, guro at librarian ang mga aklat sa bata. Gawin nila ang suggested activities sa aklat. Gamitin ang aklat para ma-konek sa tunay na buhay at context ng mga mambabasa.

 11.     Paano mo hihikayatin ang mga bata na maging aktibo sa mga preparasyon para sa mga sakuna?

Regular emergency drills will help. Bumili kayo ng aklat naming at basahin ito! Ahahaha! Pagusapan natin ang mga hakbang pano maging ligtas.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...