Congratulations to Iza Marie Reyes for winning the 2021 Salanga Prize!
Here is the official press release of the Philippine Board on Books for Young People (PBBY).
The Philippine Board on Books for Young People (PBBY) awards this year’s PBBY-Salanga Grand Prize to Iza Maria Reyes for her story, Ang Tahanang Hindi Tumatahan. It is a poignant piece about the pain and hardship a family goes through in the middle of a separation, beautifully told through a metaphor of a crying house.
Reyes is a teacher who is currently taking her master’s in Malikhaing Pagsulat at the University of the Philippines Diliman. She was a fellow for Creative Nonfiction at Palihang Rogelio Sicat 10 and the 1st PUP Multi-Genre Workshop, and has won awards for her essays in Filipino. This is her first PBBY-Salanga Prize.
And now, for her interview.
Simula pagkabata, outlet para sa akin ang pagsusulat. Mahilig ako noon mag-diary, at binabalikan ko ang mga naisulat ko sa paglipas ng mga taon. Nakita ko na sa pamamagitan ng pagsusulat, mas naunawaan ko ang sarili, at mas naproseso [ang] mga nararamdaman. Sa paglaki, ito rin ang naging gampanin ng mga kuwentong natutunghayan ko, naririnig man, pinapanood, o binabasa. Dahil sa mga kuwento, nauunawaan ko ang sarili at ang ibang tao. Nauunawaan ko ang mga karanasan na naranasan ko at hindi naintindihan noong una, pati mga karanasan na hindi ko pa nararanasan o mararanasan ko pa lamang.
Ito ang kahulugan at kahalagahan ng paglikha para sa akin, lalo na ng mga kuwentong pambata. Maraming komplikadong mga sitwasyon at emosyon ang maaaring pagdaanan ng isang bata, dahil komplikado ang buhay at ang pagiging tao. Patuloy akong nagkukuwento at lumilikha dahil umaasa akong magsisilbing kaibigan at kasama ang mga akda ko sa mga mambabasa, ano man ang edad, tulad kung paano ako dinamayan ng mga kuwentong nabasa ko.
Sino ang iyong role model o influences sa pagsusulat ng kuwentong pambata?
Ang pinakamalaking impluwensya ko sa pagsusulat ay si Rene Villanueva, sa personal na sanaysay at kuwentong pambata. Sa kuwentong pambata, sa kaniya ko natutuhan na ang kuwentong pambata ay higit ano man, isang kuwento. Mahalagang nauunawaan at naa-appreciate ito hindi lamang ng mga bata, kung hindi ng kahit mas matatandang mambabasa. Mahalagang may kahulugang makukuha rito ang batang mambabasa, at ang mga mas nakatatandang mambabasa. Sa kaniya ko rin natutuhan na kailangang sinusuri at sinasama sa kuwento ang konteksto ng bata bilang Filipino, at ng lipunang kinabibilangan niya.
Ano ang aklat pambata na sana ay ikaw ang nakapagsulat?
Paborito ko ngayon ang "Nemo, Ang Batang Papel" ni Rene Villanueva dahil tinatalakay nito ang malaki at mahalagang isyung panlipunan sa paraang mauunawaan ng iba't ibang mga edad. Mabigat ang kuwento ngunit malikhain ang pagkakakuwento. Mabigat ang kuwento subalit kailangang maikuwento, kaya isinulat. Ito sana ang hiling kong palagi kong magawa bilang isang manunulat.
5 recommended books for aspiring writers of children’s stories?
- Nemo, Ang Batang Papel ni Rene Villanueva
- Papel de Liha ni Ompong Remigio
- Sandosenang Sapatos ni Luis Gatmaitan
- Ang Bonggang-bonggang Batang Beki ni Rhandee Garlitos
- Ang Ikaklit sa Aming Hardin ni Bernadette Villanueva Neri
Watch the online awards ceremony of the National Children's Book Day 2021.
No comments:
Post a Comment