Taos puso rin ang pasasalamat ko kina Darrel Marco at Ann Grace Bansig na naging saksi at tumangap ng plaque noong araw na iyon, April 19, 2017 sa N Hotel, Cagayan de Oro City. Bukod sa nanay ko na isang librarian rin, silang dalawa ang susunod na angkop na tumangap ng recognition para sa akin. Bakit nga ba ako wala noong araw na iyon ng PASLI conference? Unang araw pa naman ng conference yun. Well, my dear readers, palipasin muna natin ang ilang araw at ikukuwento ko sa inyo ang dahilan. Pramis!
So, now I wish to formally deliver my response and, yes my acceptance speech. Nakukulangan kase ako sa ginawa kong FB post. I think, PASLI deserves more than a post on FB as a way to thank them.
My dear PASLI friends and colleagues,
How I wish I was there to personally accept the plaque and to humbly receive the recognition that the organization have accorded me. I do not think of the PASLI standards nor its values when doing my work and advocacy. Gusto ko lamang gumawa ng tama at ng mabuti dahil hindi ako perfect na tao. To quote John Steinbeck, "now that you know that you are not perfect, you can be good." At dahil ang pagiging school librarian ang isa sa mga alam kong paraan kung paano maging mabuti, I pursued being one with all my heart and soul to the point of being unorthodox and downright, ah, different.
I believe that when we pursue our passions, life rewards us a hundredfold.
The love of family.
The support of true and good friends.
You, PASLI and the more than 100 participants of the 2017 Annual Conference, make my work and advocacy possible! Rewards na kayong lahat sa buhay ko.
I have had many failures as a school librarian. And I suppose, for as long as I live, I will not stop making mistakes. In a way, this makes me happy because it affirms two things: I am alive and I am still in the process of becoming.
Feeling ko, maraming deserve ang ganitong recognition. Kaya naman, magsisikap pa akong kilalanin at tulungan ang mga taong nagsisikap na maging mabuting school librarian sa abot ng aking makakaya. Alam kong hindi ako nag-iisa at panahon lang ang naghihintay para dumami tayong lahat na mga mabubuting school librarian. Sabi ni Salve Dimzon sa FB, "how to be you po?" And reply ko sa kanya ay isang kanta ni Barney, the Purple Dinosaur:
I'm the one and only me
I'm special you see
You're the one and only you
You're special too!
Lahat tayo ay may likas na galing, talino at, siyempre ganda! I hope we can be an inspiration to each other!
Muli, salamat PASLI! Hindi rito natatapos ang aking paglilingkod!
Hangang sa susunod na pagkikita!
With much love and with a grateful heart,
Zarah G :-)
PS - please continue to pray for my health and well-being! I shall keep you all in my prayers!
No comments:
Post a Comment