Saturday, April 5, 2014

Book Spine Poetry Contest February 2014: Judge's Review

For the February run of our Book Spine Poetry Contest in school, I asked MJ Tumamac, Salanga Prize Winning Author to judge the month's entries. Here is MJ's review.

Ano ang hinahanap ko sa isang tula? Marami at madalas ay nag-iiba. Isa rito ay ang “kalinawan” ng pahayag (bagaman ang laging persepsiyon ng mga tao sa tula ay “hindi dapat ito naiintindihan”), ngunit hindi ibig sabihin nito na kung ano ang gustong sabihin ng tula ay mismong sinasabi na sa tula. 

Gusto ko lamang ipahayag na isang pahayag ang tula at hindi lamang binubuo ng mga “matatalinghagang” o “malalalim” na salita at parirala (ngunit hindi ako nanlalahat dahil may mga paraan ng pagtula na binabali ang mga “kumbensiyon”). At huwag ninyo akong isisipi na ikinakahon ko ang kakanyahan ng tula.

Kaya, nagustuhan ko ang tula sa ibaba. Maaari na sigurong alisin ang pangatlong linya dahil maaari na itong lumabas sa pang-apat na linya. May ganoon ding katangian ang huling dalawang linya. Ngunit nagustuhan ko ang matalinong paggamit ng mga pamagat at ang “kalinawan” ng pahayag.

The next 100 years
When everything changed
Split in two
A conflict of vision
The end of nature
Collapse

Ganito din ang makikita sa iba pang nagustuhan kong tula pero malaki siyempre ang impluwensiya na hindi sila ang nag-ayos ng bawat linya dahil mga pamagat ito ng mga aklat.

A world undone
Embracing defeat
Going, going
Gone

The language of passion
All we know of love
Burned
In the shadow of the rising sun

Naaliw naman ako sa tulang ito, kahit na nawiwirduhan ako sa pangalawang linya dahil kabaligtaran ang ginagawa nito sa sinasabi nito.


Dear bully
Without further adieu
Run fast
Someday this pain will be useful to you

At ang pinakanagustuhan kong tula ay ito dahil na rin sa mga pag-isa-isa ng mga bagay-bagay na nagkakaroon ng maraming kahulugan dahil sa piniling paksain.


In defense of women
It's not easy being mean
Cycle and hatred
Blood and rage
Ice cream and sadness
Maiden of pain
A woman's life

Bionote:
MJ Tumamac, aka Xi Zuq, is a poet and writer for children from General Santos City. Visit him at www.xizuqsnook.com.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...