Heto ang aking reply kay Augie Ebreo, librarian ng Batangas University.
Hi Augie! Sabi sa research, ang mga kabataan ngayon edad 0-25, ay mas pinipiling magbasa ng ebooks at ibang babasahin na digital. Ang grupo ng mga kabtaang ito ay tinatawag na digital natives. Ang sabi rin sa research, wala namang pinagkaiba ang comprehension skills na ginagamit ng mga tao pag nagbabasa ng book or ebooks/digital content. May isa pang research na nagsasabi na mas madedevelop ang language at verbal skills ng isang bata kung iba't-ubang uri ng instructional materials ang kanyang ginagamit sa pag-aaral at sa pang araw-araw na gawaiin.Kung ito ang sinasabi ng makabagong researches, ano ngayon ang implikasyon nito sa ating mga librarian?a. Kailangan may serbisyo ang library kung saan ang aklat at ebooks/digital content ay available para sa lahat ng uri ng learners. Hindi pwedeng books lang, or virtual/digital content lang. Kailangan, balanse ito at naayon sa context ng library users. Kung gayon, kailangang makilala ng librarian ang users nya at maplano ang pag angkat at pagbuo ng isang library collection.b. Tingan kung sino-sino ang gumagawa ng ebooks at digital content at kung ito ay kayang basahin ng library users. Kung minsan, mas-friendly ang aklat dahil natural ang hitsura nito kumpara sa ereader na isang gadget. Mayroong digital divide na tinatawag, at naniniwala ako na nangyayari ito dito sa ating bansa na ang iilan lang maynkayang bumili ng ereaders at ang makaka-access sa technology ay ang mga may kakayahang bumili nito.c. Aklat man o ebook/ereader, kailangan ng user education at information literacy skills training ng gagamit. Dito papasok ang role ng librarians at libraries. Dahil ang pagbabasa at literacy ay karapatan, role ng librarians ang mag bigay ng access sa mga aklat/ereaders para sa komunidad. Role din ng librarians na turuan ang komunidad na gumamit ng aklat/ereaders.d. Dahil sa pagbabago ng kaisipan at pag gamit ng information at kaalaman, dapat, patuloy na natututo ang librarian.May gagamit pa rin ng aklat. May gagamit rin ng ebooks/ereaders. Pero, ebook man or traditional na aklat, magbabasa at magbabasa ang mga tao. READING remains. Skilled reader ba ang librarian? Kailangan, skilled and competent readers ang librarian para skilled and competent readers din ang library users.
No comments:
Post a Comment