Saturday, February 7, 2009

Call For Papers: 2nd National Conference on Children's Literature

Panawagan Para sa mga Papel sa Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Panitikang Pambata

Iniimbitahan ng Pilandokan (National Research Society for Children’s Literature) ang mga mananaliksik, manunulat, mag-aaral, at iskolar na lumahok sa Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Panitikang Pambata na natakdang isagawa sa Hulyo 16-18, 2009.

May temang “Ang Panitikang Pambata sa Edukasyon” ang kumperensiya sa taguyod ng National Commission for Culture and the Arts.

Inaanyayahan ang lahat na magpadala ng abstrak ng isinasagawang pananaliksik o pag-aaral kaugnay ng mga sumusunod na paksa:

1. kultura ng pagkabata at kabataang Filipino
2. ang batang Filipino sa panitikan, panitikang pambata, at panitikang likha ng bata
3. ang batang Filipino at ang mga panlipunang usapin
4. ang batang Filipino sa industriya ng kultura
5. ang sitwasyon ng panitikang pambata sa Pilipinas

Tatanggapin ng komite ang naturang abstrak bago o sa ika-6 ng Marso, 2009. Aabisuhan ang mga mapipiling aplikante sa ika-20 ng Marso, 2009.

Nararapat na linawin ng abstrak ang isasagawang proyekto, ang tekstong susuriin, at ang gagamiting framework sa pagsusuri. Pipiliin ang mga abstrak na may bagong kontribusyon sa pag-aaral ng panitikang pambata at kultura ng bata sa Pilipinas.

Mangyaring ilakip ang inyong pangalan, institusyong kinabibilangan, maikling tala sa sarili, email address, at iba pang impormasyon.
Ang mga mapipiling aplikante ay nararapat isumite ang kanilang buong papel sa ika-9 ng Mayo, 2009.

Isumite ang mga abstrak kina Dr. Rosario Torres-Yu (Founding President), Dr.. Eugene Y. Evasco (Conference Director), at Prop. Will P. Ortiz (Conference Co-Director) sa email na ito: pagongatmatsing@yahoo.com

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...