Friday, July 3, 2026

Ang Aking Mga Mirasol

 

Ang aking mga mirasol


Ang aking mga mirasol

Alagad ng Musika

Alagad ng Sining

Nawa’y kayo ay pagpalain

Ng Dakilang Lumikha


Nawa’y maging matatag ang inyong puso,

At matuwid ang inyong landas.

Manatiling mapagpakumbaba sa bawat tagumpay,

May tapang sa bawat pagsubok.

Dalhin ninyo ang liwanag saan man kayo naroroon,

At ipadama ang pag-asa sa inyong mga gawain at likha.


Nawa’y ang inyong mga pangarap ay yumabong,

Kasabay ng kabutihan at katarungan

Habang kayo’y patuloy na naglalakbay

Tandaan ninyong lagi kayong mahal.


Kayong aking mga mirasol

Laging harapin ang liwanag.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...