Dumating last week ang press kit ng Wayang Alimagnum, ang bagong aklat ni Joel Jacob Donato Ching. Published ito ng Adarna House at si Ian Sta. Maria ang nag-drawing. Ang daming freebies!
Nasa Chapter 11 pa lang ako pero, aliw na aliw na ako kay Waya pati na sa mga ali-mech-sag sa paligsahan ng Lakapati. Na-imagine ko ang ingay, tunog at hitsura ng mga ito habang nagtatrabaho sa pitak ng palayan. Sana magkaroon ng animated version kase, visually worthy na makita ang mga mechs bilang karakter na extension ng mga natatanging tauhan.
Nagustuhan ko din ang relayson ni Waya sa madrasta niya. Hindi ma-drama! How refreshing! Bukod dito, natakam ako sa pagpapakilala at pag-describe ng mga pagkain. Oo, @chimeracupkeyk, naglaway ako sa nilupak!
Higit sa lahat, hindi ko bet ang steampunk. But this one is an exception.Tatapusin ko muna ang aklat para mas ma-articulate ko kung bakit.
No comments:
Post a Comment