Magtatagalog ako. Sa unang pagkakataon sa blog na ito, magsusulat ako ng post gamit ang Inang Wika. Tutal, Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, Huwebes kaya napapanahon. Ngayon pa lang, hihingi na ako ng paumanhin sa mga alagad ng Wikang Filipino, lalo na sa mga purista, kung mababasa nila itong post na ito at mapuna na marami akong mali at kakulangan sa paggamit ng wikang ito. Sa kasamaang palad, ang kasanayan ko sa pagsusulat sa wikang Tagalog ay nangangalawang na. Palibhasa, sa kolehiyo pa lang, Taglish na ang nakagawiaang kong pamamaraan ng komunikasyon.
Pero, susubukin kong muling ipahayag ang ilang kuro-kuro at mga opinyon tungkol sa blog post ni Sassy Lawyer sa aklat ni Amado V. Hernandez. Syempre, marami na ang nagreact at nagbigay ng kung ano-anong puna at opinion. Hindi ko naman binasa lahat. Namili lang ako. At syempre, yung kay Sassy Lawyer ang pinagtuunan ko ng pansin sapagkat, sa kanyang blog nagsimula ang lahat. Kung mabibiro ko lang si Connie Veneracion, sasabihin ko sa kanya, "So your name begins with C. C for Connie. C for controversy!" Ano kaya ang kanyang response?
Una sa lahat, naiintindihan ko ang pinangagalingan ni Connie. Nagbigay siya ng critique sa nobela bilang isang magulang na nagtuturo sa kanyang anak na maintindihan ito.
Magulang din ako na may dalawang anak. Yung panganay, mahilig namang magbasa. Magsisimula na siya sa ika-limang baitang at natapos na niya ang Harry Potter Book 3 nitong bakasyon lamang. Bukod sa Harry Potter, nagbabasa din siya ng mga aklat pambata na nailathala ng Adarna House at Tahanan Books. Mga maiikling kwento ang binabasa niya at itong mga aklat na ito ay naaayon sa kanyang edad, karanasan at kasanayan sa pagbabasa. Syanga pala, lalaki ang panganay namin. Bilang isang guro at librarian, ginagabayan ko siya sa pagpili at paghahanap ng mga babasahin na gusto niya. Mahalaga na may participation ang bata sa choices niya sa buhay maliit man o malaking bagay. Nagulat na nga lamang ako nung Marso nang sabihin niya na gusto na niyang basahin ang Harry Potter 3. Ang ibig sabihin nito, handa na siya sa materyal ni JK Rowling. Natutuwa din ako pagkinukwento niya sa akin ang mga aklat na nabasa niya na sinulat ng mga Filipinong Manunulat ng Panitikang Pambata. Paborito niya sina Augie Rivera at Dr. Luis Gatmaitan.
Ganyan kami sa bahay. Mahalaga sa akin ang pagbabasa. Reader din ako kaya gusto kong lumaking readers ang aking mga anak. Yung bunsong babae, ay, kakaiba siya! Isang araw, magsusulat na lang ako ng post ko tungkol sa kanyang pagbabasa.
Ngayon, ano ang kinalaman ng mga anak ko sa controversy ni Connie? Malaki sapagkat, tulad ni Connie, concerned ako sa binabasa at babasahin ng aking mga anak. Tulad ni Connie, concerned din ako sa pag-aaral at pagkatuto ng aking mga anak.
Ang mga required reading sa paaralan ay hindi magulang ang pumipili kundi ang mga guro na may sinusundang gabay na learning competencies, subject matter guides, scope and sequence, etc. Madalas, ang mga babasahin ay pinipili ayon sa set of goals and objectives na dapat matutunan ng mag-aaral.
Kung sino man ang pumili ng Ibong Mandaragit bilang babasahin sa 3rd year high school, ay dapat na-consider ang contexto, experience at kasanayan sa pagunawa ng wikang Filipino ng teenager na babasa nito. Eh ano ba ang binabasa ng isang 15 or 16 years old na high school student? Bakit sa dami ng contemporary literature sa Filipino, Ibong Mandaragit pa? Baka mas magenjoy pa sila kung chick lit ang babasahin. O di kaya, yung anthology ng KUTING na pinamagatang Bagets: A Collection of 16 Filipino Stories (English and Filipino) for Young Adults. Ay, nagsingit na ako ng agenda! Hahaha!
Anyhoo, may magandang objective ang mga guro kung bakit Ibong Mandaragit ang piniling babasahin. Hindi ito masama. Lahat naman ng gurong magtuturo, may mabuting intensyon. Pero, may pamamaraan din kung paano maiintindihan ng isang bagets ng henerasyong ito ang obra ni Ka Amado. Tungkol sa World War 2 at Japanese Occupation ang nobela. Maraming mapupulot na aral at values ang kabataang babasa nito. Malaki din ang role ng wika para maintindihan at ma-appreciate ang nobela. Kung maraming mahihirap at malalalim na Tagalog sa nobela, kinakailangan na ma-unlock ang mga kahulugan at contexto nito. Nagawa kaya ito ng guro ng anak ni Connie?
Ang guro kaya ng anak ni Connie ay naghanda ng Pre-Reading activties upang lubusang ihanda ang mambabasa sa obra ni Ka Amado? Mayroon kayang purpose for reading na inilatag sa babasa ng Ibong Mandaragit bago pa man basahin ito? Hindi biro-biro ang nobelang ito. Kailangan ng amatinding preparasyon ng gurong magtuturo nito upang ma-enjoy at magkaroon ng enlightenment at transfer of insight ang bagets na babasa nito. Isa pa, habang nagbabasa o binabasa ng bagets ang Ibong Mandaragit, may mga techniques at strategies kayang ibinigay para tuluyang maunawaan ang chapters? Kung may balakid sa pangunawa, paano naipatag ang pagkabagabag sa isip ng mambabasa ang mga ito? Kung may mga tanong, paano nasagot at sinagot ang mga ito?
Take note na may iba't ibang level ang comprehension kaya dapat, ang heirarchy of questions ay sumusunod sa order of thinking. Pwedeng simulan sa literal, papuntang inferetual, pataas sa critical at magtatapos as creative thinking. Maari din na i-funnel ang pagtatanong para mahasang mag-isip at maintindihan ang mga complicated na themes, motives of charcaters ng nobela. Pwed din magkaroon ng lifting sa pagtatanong tungkol sa mga aspeto ng nobela upang maitaas ang antas ng pag-iisip ukol sa mga isyu na pinaguusapan sa nobela.
Baka naman, pinabasa lang ang Ibong Mandaragit sa mag-aaral at nagbigay lang ng guide questions.Or, book report kaya ito? Independent reading?
Kung tutuusin, kailangan pa ng closure activities or After Reading para ma-clarify ang mga naiwang tanong sa isip ng mag-aaral. O di kaya, makagawa sila ng activity na magbibigay motivation upang makagawa rin ang mag-aaral ng response sa literature na binasa.
Mayroon kasing tinatawag na Psychology of Reading. Dito makikita ang relasyon ng text, reader at writer. May interaction na nangyayari pag na-encounter ng reader ang text ng writer. Madalas, doon nangyayari ang magic of reading. Kung walang magic, walang comprehension. Ang wikang ginamit ay maaring balakid sa pangunawa. Nandyan din ang schema at prior knowledge na tinatawag. Ang child reader at ang tinatwag na Young Adult reader (age 13-18) ay kinakailangan pang mabigyang gabay sa pagbabasa ng literatura. Dadating ang panahon na hindi na nila kailangan ng gabay. If reading is psychological, it is also developmental. Dadating ang panahon na ang kailangan nila ay kabahagi sa pagbabasa. P
Kung hindi naihanda ang teenager na babasa ng obrang ito, talaga naman, kahit ako ang magulang ng teenager ay magrereklamo. Sabi nga ni Von Totanes, a complaint is a gift. Kahit sinong magulang ay magkocomplain kung walang preparasyong inihanda para sa bata upang matutunan at masiyahan sa aklat na binabasa. Pero, may mapupulot tayong lahat sa (complain at) controversy na ito.
Sa Hunyo 12, ipagdiwang natin ang ating kalayaan! Magbasa at maging malaya!
No comments:
Post a Comment