Monday, March 8, 2021

Author Talk on AHA Learning Center (2of 2)

As a preparation to my online teleradio guesting on AHA Learning Center's #MakwentoMonday, here are my answers to the questions sent to me. The program will go live at 11.30AM on AHA Learning Center's Facebook Page. Note that this is just a guide. The flow of conversations may change on the live online show.

1. Ano ang matututunan ng mga bata sa kwentong ito? 

2. Bakit at paano nabuo ng may akda ang kwentong ito?

3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga kwentong tumatalakay sa pagtanggap, pagkilala, at pagmamahal sa sarili? 

4. Ano ang pabaon ('pabaon' is what we call your parting message of inspiration or hope to the kids) niyo sa mga ka-AHA na nakikinig at nanonood ngayon?




 Mga sagot

1.     1. Magagalak ang batang makikinig ng kuwento. We learn at our leisure – bata man o mantanda. Matututunan niya ang systema ng pagbabasa ng aklat (left to right progression), na ang aklat ay binubuo ng manunulat, illustrador at publisher para sa kanya. Ang picture books ay makakatugon sa pagbuo ng aesthetics – good and virtuous.

2.      2. Ang Masaya ang Maging Ako ay kabilang sa proyektong Kuwentong Musmos ng Room to Read at 4 na publishers – Lampara Books, Adarna House, Hiyas/OMF at Anvil Publishing. May 20 aklat na nabuo sa ilalim ng pamamahala ng RtR at ang 4 na publishers. Naganap ang isang palihan or workshop para sa book project na ito noong Oktubre 2019. Ang mga aklat ay may tema ng gender equality, human productivity and empowerment at karapatang pantao. Dahil isang global NGO ang RtR, may kakayahan silang maghatid ng mga aklat sa iba’t ibang lugar at panig ng mundo kung saan walang access sa babasahin at learning materials ang maraming mga pamilya.

3.      3. Una sa lahat, naniniwala ako sa kahalagahan na makita ng mambabasa ang sarili niya sa pahina ng isang aklat o sa puso ng isang kuwento. Kapag nangyayari ito, may ginhawang nararamdaman ang isang mambabasa at nauunawaan niya na hindi siya nag-iisa na makaramdam ng lungkot, ligaya, takot at pag-asa. Dahil ang aklat ay may mga salita at larawan, maraming paraan ang pag-unawa ng mambasa ng mga tema o konseptong nabangit ko na may halaga sa kanyang buhay. Ang tawag dito ay mirroring. The reader is affirmed, validated and often, moved to ask questions or to act on an insight or a realization. Sangkap ito sa patuloy na paglaki at sa pagiging tao.

4.      4. Magbasa! Lumikha! Huwag mawalan ng pag-asa!






No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...