I am starting February with a featured author, Ms. Becky-Santos Gerodias. She happens to be my son's godmother. We met and worked in Xavier School. In the late 90s, Becky left so we lost contact in the years that followed. In 2011, we met at the 28th National Children's Book Day where her books were launched. Small world, it is! In this blog post, she talks about her new book, Ang Arroz Caldo ni Lolo Wlado, which was published and promoted last September at the Manila International Bookfair. Ang Arroz Caldo ni Lolo Waldo is published by LG & M Publishing House.
Book signing at the Vibal - LG & M Publishing House's booth |
Kailan ka nagsimulang magsulat ng panitikang pambata? / When did you start writing for children?
Nagsimula akong magsulat ng mga kwentong pambata mula nang magturo ako sa preschool mid 1980’s. Ang mga ito ay maiikling kwento at ginagawa kong springboard sa aking mga leksyon. Maraming pagkakataon din ang naibigay sa akin para makapagsulat ng mga skit o play na ginanampan ng mga bata.
Masasabi ko na ang mahabang karanasan ko bilang guro at sa pagiging tutor na rin, ang nagpalakas loob sa akin na mag-submit ng mga gawang maaaring mailathala. Unang nangyari ito noong 2010.
Ano ang iyong inspirasyon sa pagsulat ng Ang Arroz Caldo ni Lolo Waldo? / What was your inspiration in writing Arroz Caldo?
Ang unang dalawang kwentong Ingles na isinulat ko at nailimbag noong 2010, ay maypagka seryoso ang tema. Naisip ko namang sumubok ng medyo mapaglaro at magaang basahing kwento. Dahil malaki ang interes ko sa mga relasyong pampamilya, nabuo ang isang kwento na di lamang may tugma kundi tungkol sa tatlong tauhang nagmula sa makakaibang henerasyon…anak, ama at lolo. Dala ito siguro sa malaking pasasalamat ko sa aking mommy, na sa kabila ng kanyang katandaan ay mapagkalinga pa rin sa amin ng aking mga anak. Maliwanag sa akin habang isunusulat ko ang “Arroz Caldo” na para sa kanya at tungkol sa kanyang magandang aral na ipinamulat sa akin ang kwentong ito… ang kagandahan ng simpleng buhay at kahalagahan ng pagsisikap.
Aling wika ang mas palagay ang iyong loob na gamitin, Ingles o Filipino? / You write both in English and Filipino. Which language are you more comfortable in using as medium to tell stories?
Depende kasi kung paano ko binubuo ang kwento sa aking isip. Sa simula pa lang ng isang ideya, alam ko na kung saan ko mas maipapahayag ang aking mensahe. Kung sa wikang Ingles ako nag-iisip, Ingles ang aking gagamitin at kung sa wikang Filipino ako nag-iisip, sa Filipino naman ako magsusulat. Ano pa man ang wikang gamitin ko, maliwanag sa akin na ang tema o mensahe ay may kinalaman sa pagiging Pilipino.
Sinisikap kong makapagsulat pa nang mas maraming kwento sa wikang Filipino dahil gusto kong panatiliing buhay ito lalung-lalo na sa kabataan. Napapansin ko kasi na karamihan sa kanila ay hirap nang nagsasalita o umintindi ng Filipino.
Ano ang malikhaing proseso mo sa pagsusulat? / Describe the creative process you went through writing Arroz Caldo.
Sa simula, pinagsama ko ang mga elementong may kinalaman sa aking personal na karanasan, tulad ng pagkahilig ko sa pagluluto at ang nakinagisnang simpleng buhay at halimbawa ni mommy sa paghahanap-buhay. Pagkatapos, nag-isip ako ng mga bagay na pamilyar sa mga maaring magbasa ng aking kwento, tulad ng pagtitinda at ang kilalang-kilalang panawid gutom na arroz caldo! At dahil gusto kong may elementong tugma, nabuo ang pangalang Lolo Waldo!
Teacher Becky, now a published author, with Nico Gagatiga |
Katulad rin ba ito ng iba mong aklat at dumaan din sa ganyang proseso? / Did you undergo the same experience writing your other books?
Sa proseso ng pag-iisip at paglalaro sa mga ideya medyo magkatulad. Pero sa unang dalawang kwento, nagsaliksik pa ako tungkol sa mga tauhang nilikha ko. Halimbawa, sa “A Dream and A Melody” inalam ko ang mga kaugalian at konting kasaysayan ng mga T’boli. Sa “Pipit and the Kamagong Tree” naman, sinaliksik ko ang mga katangian ng ibong Pipit at ang punong Kamagong. Dahil intensyon ko rito ay magbigay kaalaman bukod sa simpleng pagkukwento.
Bilang manunulat ng panitikang pambata, saan mo nakikita nag sarili mo, sampung taon mula ngayon? / As a writer for children, where do you see yourself 10 years from now against the backdrop of Philippine Children’s Literature?
Masaya na akong makatulong sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kaisipan at damdaming Pilipino sa pamamagitan ng aking mga kwento di lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa kung saan parami na nang parami ang mga Filipino communities na nahuhubog sa ibang kultura. Sa panahong ito ng mga e-books, hindi siguro malayong mangyari ito. At sana rin, makapagsulat muli ako ng mga dulang pambata.
No comments:
Post a Comment