Sunday, October 1, 2023
Good News! Masaya Ang Maging Ako is Translated in Hindi
Sunday, May 2, 2021
CNN PH Interview: Masaya Ang Maging Ako
A year ago, at the press launch of Mga Kuwentong Musmos where I was interviewed by CNN Philippines on our book, Masaya Ang Maging Ako (Gagatiga & Bauza, Lampara Books 2020). Our book is part of the 20 titles published by the international NGO, Room to Read and Lampara Books (along with three Philippine publishers). Adarna House and Room to Read has been working with the DepEd and LGUs to bring our books to communities where there are very few reading materials, or none at all. It was one of the many stories that inspired readers, content creators and industry leaders last year as the pandemic raged on.
Thursday, January 28, 2021
Kuwentong Musmos Books Goes to Mindanao
Yesterday, I joined a webinar led by Mr. Al Santos on the wonder and usefulness of picture books. The context being that Room to Read and the five publishers that worked together in rolling out the 20 Kuwentong Musmos books have successfully partenred with Tanghalang Pilipino and the Department of Education in bringing copies of the books to the Bangsa Moro Region. The webinar was attended by DepEd teachers and school leaders.
I posted on Instagram the link to the audio drama versions of the Kuwentong Musmos books. The ebook versions can be read online or streamed via literacycloud.org. But of course, getting a print copy will really help the book industry at this time of the pandemic.
Wednesday, October 14, 2020
Kuwentong Musmos Book Project Magiging Radio/Podcast Audio-Drama
Kaninang umaga, inulan ang puso ko ng saya!
Umattend ako ng consultation at workshop kasama ang mga kaibigang manunulat na bahagi ng Kuwentong Musmos Project ng Room to Read. Isa itong reunion. Marami kaming na-miss at na-miss namin ang lahat!
Bohol Bee Farm.
Kakaibang flavors ng ice cream. Edible flowers.
Paglalakad sa beach sa umaga para abangan ang pagsikat ng araw. Babalik sa dalampasigan sa hapon para sa paglubog nito. May hawak na isang tasa ng kape at kasama ang isang kaibigan sa industriya at magkukuwentuhan tungkol sa... wala lang.
Ang mga workshops sa big group at small group ay nami-miss ko rin. Salamat sa teknolohiya, nakapag-usap kami kahit saglit lang sa Zoom.
Sunday, September 27, 2020
Kuwentong Musmos Author Interview: Kora Dandan Albano
![]() |
| Si Kora, Ara at si Itok! |
1. Bakit ka nagsusulat para sa mga bata/kabataan?
Hindi ko ito pinag-iisipan... Basta nagsusulat lang.
2. Paano ka nagsimula sa pagsusulat ng mga kuwentong pambata? Ano ang iyong origin story?
Dumalo ako sa poetry clinic ng LIRA (Linangan sa Imagen, Retorika at Anyo) summer ng 1993. Si Rio Alma ang mentor at ginaganap ang palihan tuwing Sabado sa Adarna House. Noon ko lang nalaman na may Adarna books pala. Kalaunan, nalaman ni Sir Rio na FA graduate ako at nakaguhit na ng isang libro, Ang Paglalakbay ni Butirik (OMF, 1993) kaya tinanong niya kung interesado akong gumawa ng character study para sa librong Si Pilandok at ang mga Buwaya.
Fast forward sa 2018, bukod sa 10 libro sa Adarna House na naiguhit ko – 8 doon ay isinulat ni Sir Rio at 5 sa kanila ay Pilandok series - inilathala ng Adarna House ang aking tulang pambata na Kung May Dinosaur sa Kamalig ni Lolo. Kaya masasabi ko na I have come full circle. Nabalikan ko ‘yung pagsusulat ng tula: ang orihinal na dahilan kung bakit ako napadpad ng Adarna House noon.
Sa tingin ko naging malaking salik ang pagguhit ko ng halos 50 mga aklat pambata sa loob ng 25 taon para ako maihanda sa pagsusulat naman ng mga akdang pambata sa ngayon.
3. Magbigay ng tatlong salita upang mailarawan ang karanasan mo bilang isang fellow ng Kuwentong Musmos Workshop?
Natuto. Nahasa. Nagpapasalamat.
4. Anong aklat ang sana ay ikaw ang nagsulat?
Where the Wild Things Are
5. Magbigay ng 5 tips o payo para sa mga gustong magsulat ng kuwentong pambata.
Balikan ang inyong pagkabata.
Makinig, makipag-usap, makipaglaro sa mga bata.
Magbasa nang magbasa ng mga aklat pambata.
Pigilan ang sarili na magdikta, magturo at magsermon sa batang mambabasa.
Mag-enjoy sa iyong sinusulat.
Kora Dandan-Albano is an award winning children’s book author and illustrator. Her picture-poetry book Habulan (Anvil, 2016) is a Best Read winner at the 5th National Children’s Book Awards in 2018. A graduate of Bachelor of Fine Arts in Painting from U.P. Diliman, she is the illustrator of over 40 well loved children’s books including All About the Philippines (Tuttle, 2015) which won a Gold at the Moonbeam Children’s Book Awards 2016 in the US. Tara, Itok! is Kora’s third book as an author.,
Sunday, May 31, 2020
Kuwentong Musmos Author Interview Roundup: Team OMF-Hiyas
Saturday, May 23, 2020
Kuwentong Musmos Author Interview: Yna Reyes
Monday, May 18, 2020
Kuwentong Musmos Author Interview: Dr. Luis "Tito Dok" Gatmaitan (2 of 2)
| Tito Dok with friends at the press launch of RtR Books |






