Sunday, September 27, 2020

Kuwentong Musmos Author Interview: Kora Dandan Albano

Si Kora, Ara at si Itok!
Isang karangalan ang ma-interview si Kora Dandan Albano. Hindi lamang siya isang batikang illustrador, isa din siyang premyadong manunulat ng mga aklat pambata. Ang kanyang aklat na may pamagat Tara, Itok! ay ginuhit ni Ara Villena at nilathala ng Adarna House sa ilalim ng proyektong Kuwentong Musmos ng Room to Read. 

1. Bakit ka nagsusulat para sa mga bata/kabataan? 

Hindi ko ito pinag-iisipan... Basta nagsusulat lang. 


2. Paano ka nagsimula sa pagsusulat ng mga kuwentong pambata? Ano ang iyong origin story?


Dumalo ako sa poetry clinic ng LIRA (Linangan  sa Imagen, Retorika at Anyo) summer ng 1993. Si Rio Alma ang mentor at ginaganap ang palihan tuwing Sabado sa Adarna House. Noon ko lang nalaman na may Adarna books pala. Kalaunan, nalaman ni Sir Rio na FA graduate ako at nakaguhit na ng isang libro, Ang Paglalakbay ni Butirik (OMF, 1993) kaya tinanong niya kung interesado akong gumawa ng character study para sa librong Si Pilandok at ang mga Buwaya.  


Fast forward sa 2018, bukod sa 10 libro sa Adarna House na naiguhit ko – 8 doon ay isinulat ni Sir Rio at  5 sa kanila ay Pilandok series -  inilathala ng Adarna House ang aking tulang pambata na Kung May Dinosaur sa Kamalig ni Lolo. Kaya masasabi ko na I have come full circle. Nabalikan ko ‘yung pagsusulat ng tula: ang orihinal na dahilan kung bakit ako napadpad ng Adarna House noon. 


Sa tingin ko naging malaking salik ang pagguhit ko ng halos 50 mga aklat pambata sa loob ng 25 taon para ako maihanda sa pagsusulat naman ng mga akdang pambata sa ngayon.


3. Magbigay ng tatlong salita upang mailarawan ang karanasan mo bilang isang fellow ng Kuwentong Musmos Workshop?

Natuto. Nahasa. Nagpapasalamat.


4. Anong aklat ang sana ay ikaw ang nagsulat?


Where the Wild Things Are


5. Magbigay ng 5 tips o payo para sa mga gustong magsulat ng kuwentong pambata.


Balikan ang inyong pagkabata.

Makinig, makipag-usap, makipaglaro sa mga bata.

Magbasa nang magbasa ng mga aklat pambata.

Pigilan ang sarili na magdikta, magturo at magsermon sa batang mambabasa.

Mag-enjoy sa iyong sinusulat.


Kora Dandan-Albano is an award winning children’s book author and illustrator. Her picture-poetry book Habulan (Anvil, 2016) is a Best Read winner at the 5th National Children’s Book Awards in 2018. A graduate of Bachelor of Fine Arts in Painting from U.P. Diliman, she is the illustrator of over 40 well loved children’s books including All About the Philippines (Tuttle, 2015) which won a Gold at the Moonbeam Children’s Book Awards 2016 in the US. Tara, Itok! is Kora’s third book as an author.,  


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...