Sunday, March 8, 2026
Tuesday, May 27, 2025
Masaya ang Maging Manunulat!
![]() |
| Read Aloud ni Teacher Loraine |
Pero, may malaki silang problema. Wala daw silang makuhang kopya! Kaya nagpadala ako ng kopya ng aklat at nag-transfer si Loraine ng bayad. Isa pa ito sa aking ikinatuwa. May respeto sila sa aking sining at sa buhay manunulat.
Lingo ng Mother's Day noong i-send ko via Lalamove ang aklat. Nagdaan ang ilang mga araw, nakakuha na ako ng feedback. Hiningi ko ang pahintulot niya na i-blog ito kaya, ibinabahagi ko ngayon ang kagalakang ito.
Good morning, Ms. Zarah!Thank you so much for your book! I was able to use it yesterday during our teaching implementation with the day care learners. They were very engaged and had so much fun with the story, especially because it sparked their imagination! We also received great feedback from our professors, who said the book is very nice and perfect for kids
We truly enjoyed reading it, and we loved the illustrations too! Salamat po, and God bless you!
Aaminin ko na naghahangad akong magka-award muli. Malaking trabaho at bibilang talaga ng panahon ang ganitong pangarap. Subalit, ramdam na ramdam ko ang pagkatotoo ni Loraine. Pinili niya ang aming aklat para ibahagi sa mga batang paslit. Para na din akong nakapanlo ng award.
Maraming, maraming salamat!
Saturday, November 30, 2024
Masaya Ang Maging Ako, Braille Edition
Ang aming aklat, Masaya Ang Maging Ako (Lampara Books, 2020), ay mayroon ng version sa Braille!
Sunday, April 28, 2024
Sunday, October 1, 2023
Good News! Masaya Ang Maging Ako is Translated in Hindi
Saturday, June 3, 2023
Monday, May 29, 2023
Tuesday, September 27, 2022
Thursday, December 9, 2021
DZRH Health Plus Author and Illustrator Interview: Masaya Ang Maging Ako
Here are the interview questions which I answered for DZRH Health Plus. The teleradio show was last November 7, 2021.
1. Kayo po ay isang guro-katiwala ng aklatan. You
practically live in a world full of books. Ito po ba ang dahilan kung bakit
kayo nag-umpisang magsulat ng aklat pambata?
2 Yes. Pero nung teenager ako, gusto ko na maging manunulat. Naisip ko noon na may kuwento rin akong pwedeng ibahagi sa iba. At kung na-touch ako or na-inspire ng mga kuwento na binabasa ko, makapagbibigay din ako ng inspiration sa iba. In books, we establish human connections. This connection can be personal as well as communal.
Ano naman po ang naging inspirasyon niyo sa pagsulat ng kwentong Masaya ang Maging Ako?
Inspirasyon ko ang aking anak na babae 😊 at hango sa danas niya ang kuwento ni Tere.
Nang binasa ko po ang kwento, ang batang si Tere po ay aktibo sa klase, sa extra-curriculars. Pero pinagtatawanan po siya ng ilang kaklase niya. matatawag ba nating siyang isang 'Nerd' at maituturing bang form of bullying yung pinagtatawanan siya?
Yes. Kakaiba kase si Tere. Hindi lang siya nerd, isa siyang “queer” child. Ang mga nerds, queer or LGBTQ+, Indigenous groups, disabled and special needs learners ay madalas biktima ng bullying dahil sila ay kakaiba at naiiba. Hindi ito madaling maunawaan kung hindi bukas ang pananaw or world views. Kailangan natin ng impormasyon at mga kuwento na may empathy para maunawan sila at ang pamilya/komunidad na kanilang ginagalawan. Sa MAMA, sinubok naming ni Jamie Bauza na ipakita ang dalawang pananaw na ito subalit, naka-focus kay Tere.
May iba’t-ibang uri ng bullying.
1. Physical
2. Verbal
3. Cyber
4. Emotional
5. Prejudicial
6. Sexual
At katulad po ng nangyari sa kwento, hindi po natinag si Tere at patuloy ng ginawa ang ginagawa niya. Ano po ang maipapayo niyo sa mag batang hindi naman katulad ni Tere na aktibo at matapang pero maaring pinagtatawanan din ng mga kalaro o kaklase?
Para sa mga batang hindi katulad ni Tere, ang unang dapat makausap ay ang mga magulang. Kaya may inner strength si Tere ay dahil sa mahal na mahal siya ng kanyang pamilya kahit ano pa man siya. Ang pagkabibo at aktibo niya ay hindi masama sa tahanan na kanyang kinalakhan. Ang pagiging queer niya ay tolerated sa pamilya na kanyang kinabibilangan. Tere loves herself because, she is raised that way. Mahalaga na patuloy din natuto ang mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak.
Ganyan din ang masasabi ko sa mga guro na may mga danas ng bullying sa classroom, online man or face to face. Sa pagplano at pag design ng instruction, maaring ma-break ang prejudice, mabigyang boses ang marginalized students at marepresent ang lahat ng mag-aaral. May ibang workshop para dito.
Isang paraan ang storytelling at developmental bibliotherapy na maaring gamitin sa bata na mahina ang loob or may issues ng self confidence / self worth. May pamamaraan ito at strategy. Magsimula sa pagpili ng kuwentong akma para sa bata. Bumuo ng mga tanong na makapagbibigay ng self confidence ayon sa context ng kuwento. Magpagawa ng mga activities na ma-express ng bata ang kanyang galling, mga iniisip at nararamdaman. Integrate ito sa art, music at iba pa.
Napansin ko po ang paggamit ng ilustrasyon para ikwento ang nangyayari kay Tere. Hindi na kailangan pa ang texto. Puede niyo bang ipaliwanag po ito? Ang inyong kolaborasyon sa ilustrador, si Jamie Bauza.So, babalik tayo sa una kong sinabi na personal ang pagbabasa at maari din itong maging communal.
Friday, March 19, 2021
Monday, March 8, 2021
Author Talk on AHA Learning Center (2of 2)
As a preparation to my online teleradio guesting on AHA Learning Center's #MakwentoMonday, here are my answers to the questions sent to me. The program will go live at 11.30AM on AHA Learning Center's Facebook Page. Note that this is just a guide. The flow of conversations may change on the live online show.
1. Ano ang matututunan ng mga bata sa
kwentong ito?
2. Bakit at paano nabuo ng may
akda ang kwentong ito?
3. Ano ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng mga kwentong tumatalakay sa pagtanggap, pagkilala, at pagmamahal
sa sarili?
4. Ano ang pabaon ('pabaon' is
what we call your parting message of inspiration or hope to the kids) niyo sa
mga ka-AHA na nakikinig at nanonood ngayon?
1. 1. Magagalak ang batang makikinig ng kuwento. We
learn at our leisure – bata man o mantanda. Matututunan niya ang systema ng
pagbabasa ng aklat (left to right progression), na ang aklat ay binubuo ng
manunulat, illustrador at publisher para sa kanya. Ang picture books ay
makakatugon sa pagbuo ng aesthetics – good and virtuous.
2. 2. Ang Masaya ang Maging Ako ay kabilang sa proyektong
Kuwentong Musmos ng Room to Read at 4 na publishers – Lampara Books, Adarna
House, Hiyas/OMF at Anvil Publishing. May 20 aklat na nabuo sa ilalim ng
pamamahala ng RtR at ang 4 na publishers. Naganap ang isang palihan or workshop
para sa book project na ito noong Oktubre 2019. Ang mga aklat ay may tema ng
gender equality, human productivity and empowerment at karapatang pantao. Dahil
isang global NGO ang RtR, may kakayahan silang maghatid ng mga aklat sa iba’t
ibang lugar at panig ng mundo kung saan walang access sa babasahin at learning
materials ang maraming mga pamilya.
3. 3. Una sa lahat, naniniwala ako sa kahalagahan na
makita ng mambabasa ang sarili niya sa pahina ng isang aklat o sa puso ng isang
kuwento. Kapag nangyayari ito, may ginhawang nararamdaman ang isang mambabasa
at nauunawaan niya na hindi siya nag-iisa na makaramdam ng lungkot, ligaya,
takot at pag-asa. Dahil ang aklat ay may mga salita at larawan, maraming paraan
ang pag-unawa ng mambasa ng mga tema o konseptong nabangit ko na may halaga sa
kanyang buhay. Ang tawag dito ay mirroring. The reader is affirmed, validated
and often, moved to ask questions or to act on an insight or a realization.
Sangkap ito sa patuloy na paglaki at sa pagiging tao.
4. 4. Magbasa! Lumikha! Huwag mawalan ng pag-asa!
Sunday, March 7, 2021
Author Talk on AHA Learning Center ( 1 of 2)
Our story, Masaya Ang Maging Ako (Gagatiga and Bauza, Lampara Books 2020) will be featured in AHA Learning Center's Eskwelang Pampamilya Live tomorrow, March 8, 2021. After the storytelling, I will be interviewed about the book and my writing process. Here are the guide questions I got from Teacher Chynna.
1. Ano ang matututunan ng mga bata sa kwentong ito?
What will kids learn from the story?
2. Bakit at paano nabuo ng may akda ang kwentong ito?
Why and how was the book/story created?
3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga kwentong tumatalakay sa pagtanggap, pagkilala, at pagmamahal sa sarili?
What is the importance of having stories that discuss topics on self, acceptance and self-knowledge?
4. Ano ang pabaon ('pabaon' is what we call your parting message of inspiration or hope to the kids) niyo sa mga ka-AHA na nakikinig at nanonood ngayon?
What is your "pabaon" to our listeners?
They have #MakwentoMondays and this March, they will feature stories with women empowerment, gender equality, and identity themes in line with the National Women's Month and we will be featuring "Masaya Ang Maging Ako" for our episode next week, March 8, 2021.
Visit the AHA Learning Center's Facebook Page!
Sunday, January 31, 2021
SUKI IS LIFE! With ZarahG
Monday, November 9, 2020
Kuwentong Musmos Team Lampara Books Are Now Available!
The printed copy of Masaya Ang Maging Ako (Gagatiga and Bauza, Lampara Books 2019) can now be bought online as well as the four titles of picture books written and illustrated by authors and illustrators who took part in the Kuwentong Musmos Project of Room to Read under Lampara Books.
Here are links to blog posts I have written about the Kuwentong Musmos project. It is a book project I am so proud of being a part of.
Wednesday, October 14, 2020
Kuwentong Musmos Book Project Magiging Radio/Podcast Audio-Drama
Kaninang umaga, inulan ang puso ko ng saya!
Umattend ako ng consultation at workshop kasama ang mga kaibigang manunulat na bahagi ng Kuwentong Musmos Project ng Room to Read. Isa itong reunion. Marami kaming na-miss at na-miss namin ang lahat!
Bohol Bee Farm.
Kakaibang flavors ng ice cream. Edible flowers.
Paglalakad sa beach sa umaga para abangan ang pagsikat ng araw. Babalik sa dalampasigan sa hapon para sa paglubog nito. May hawak na isang tasa ng kape at kasama ang isang kaibigan sa industriya at magkukuwentuhan tungkol sa... wala lang.
Ang mga workshops sa big group at small group ay nami-miss ko rin. Salamat sa teknolohiya, nakapag-usap kami kahit saglit lang sa Zoom.











