Saturday, September 15, 2018

Featured Translator: Genaro Gojo Cruz

Marami ng nakamit na karangalan at medalya sa mga pantimpalak sa panitikan si G. Genaro Gojo Cruz. Bukod sa pagiging isang mahusay na manunulat, si G. Gojo Cruz ay isa ring translator. Siya ang nagsalin sa Filipino ng aming bagong aklat ni Jonathan RaƱola, ang Ino the Invincible (Si Ino, ang Walang Talo) nilathala ng Lampara Books.

Narito ang interbyu ko kay Genaro ukol sa proseso niya sa pagsasalin at mga pangarap para sa Panitikang Pambata sa Pilipinas.

1. How do you approach translation work?
Paano mo sinisimulan ang pagsasalin?

 Binabasa ko nang maraming beses ang kuwento hanggang sa maging pamilyar na ako sa tone at mood nito.

 2.  What has been the biggest challenge for you as translator of children’s srories?
Ano ang pinakamalaking pagsubok ng isang translator ng mga kuwentong pambata?

Bilang translator ng ilang kuwentong pambata, malaking hamon sa akin na maging tunog pambata rin ang kuwento kapag naisalin na sa wikang Filipino.  Sinisikap ko ring maging natural o madulas ang gamit ng mga salita nang di halatang salin lamang ito.  

Ang Ino the Invincible, ang aklat na sinalin ni Genaro Gojo Cruz sa Filipino ay mabibili aa Manila International Book Fair.

3. Among your published works, what book is the most meaningful and why?
Sa mga aklat mo, alin ang pinakamahalaga para sayo?

Sa mga aklat-pambata kong naisulat pinakamalapit sa akin ang sumusunod:  "Ang Dyip ni Mang Tomas" kasi bahagi nito ay kuwento ng tatay ko na isang tsuper ng pampasaherong dyip, ang "Makinang Makinang" kasi bahagi rin nito ay kuwento ng nanay ko na isang mananahi ng mga damit-pambata noon.  

4.  Name five books that infuenced you to write for children.
Limang aklat na may malaking impluwensya sa buhay mo bilang manunulat.

Ito ang limang kuwentong talagang kasama lagi sa mga ikinukuwento ko sa mga bata at nagiging batayan ko sa aking mga isinusulat na kuwento: "Unang Baboy sa Langit" ni Rene Villanueva, "Papel de Liha" ni Ompong Remigio, "Sandosenang Kuya" ni Russell Molina, "Yaya Niya, Nanay Ko" ni Ma. Corazon Remigio, at "Chenelyn, Chenelyn" ni Rhandee Garlitos.  

5. Complete the sentence: Ang pangarap ko sa panitikang pambata ng Pilipinas ay...

 Pangarap ko sa panitikang pambata ng Pilipinas ay makaabot pa sa mga liblib na bahagi ng ating bansa.  Makarating sa bawat tahanan ng pamilyang Filipino.



Si Genaro ay may dalawang aklat pambata na inilathala ng Lampara Books. Book signing niya sa Linggo, Setyembre 16, 2018 sa Manila Intetnational Book Fair.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...