Showing posts with label Buwan ng Wika. Show all posts
Showing posts with label Buwan ng Wika. Show all posts

Tuesday, August 23, 2022

Alamin Natin: Ang Pagkukuwento at Pagsusulat ng Alamat at Kuwentong Bayan

 

Alamin Natin! by ZarahG

Thursday, August 27, 2020

Illustrator Interview: Juno Abreu (1 of 2)

Ang Papa Teyo (Aklat Alamid, 2019) ay isang aklat pambata na sinulat ni Mia Baquiran sa wikang Ingles at sinalin sa Ibanag. Si Juno Abreu naman ang illustrador ng aklat. Sa pagkaktaong ito, si Juno Abreu naman ang nagbigay ng interbyu tungkol sa paglikha ng Papa Teyo. Narito ang kanyang interbyu.


1. Ano ang iyong proseso sa paglikha ng aklat na Papa Teyo?

Bago ko simulan yung proseso syempre binabasa ko nang ilang beses yung manuscript, mga tatlong beses. Medyo di ko pa nagegets sa una eh. Ha-ha! Sobrang effective nun para sa akin kasi habang binabasa ko, unti-unti ko na rin nabubuo sa isip ko yung mga possible kong gawing na illustrations at kung paano yung magiging layout ng isang spread

Sunod kong gagawin ay yung character designs, masaya ‘tong proseso na ‘to kasi nabibigyan ko na ng buhay at itsura yung mga characters ng author, medyo nadalian ako sa istoryang ‘to kasi yung characters mismo ay hango sa mga totoong tao. Kaya meron na akong basehan sa itsura ng characters.

Siguro ang huli kong pinag-iisipan ay kung ano ang pinakamabisang paraan para mabigyang kahulugan yung bawat pahina ng kwento, doon ko na rin isinaalang-alang yung mga espasyo, mga kulay, at emosyon ng mga karakter at kung ano yung gustong iparating ng author sa mga mambabasa.


2. Bilang illustrador ng mga aklat at kuwentong pambata, ano-ano ang proyekto na nagbigay sa iyo ng pinakamalaking hamon at bakit?

Isang proyekto na nagbigay sa akin ng pinakamalaking hamon ay ang pag guhit para sa isang segment sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Naging malaking hamon sa akin ‘to kasi yung segment mismo ay hindi pambata! Yung segment ay tungkol sa online child trafficking dito sa Pilipinas!

Naisipan nilang gawin na kuwentong pambata yung segment para hindi masyadong mabigat sa mga manonood, naging malaking hamon siya kasi nahirapan akong gumuhit ng pambata para sa isang topic na hindi komportable, isa sa mga kinailangan kong gawin ay gawing komportable ang topic para sa mga manonood, mahirap pero tinuloy ko pa rin kasi mahalagang topic siya at kailangang i-acknowledge na meron talagang nangyayaring ganun dito sa atin.


Tuesday, August 25, 2020

Author Interview: Mia Baquiran (2 of 2)

Narito na ang ikalawang bahagi ng interbyu kay Mia Baquiran, journalist at manunulat. Ang Papa Teyo ay ang una niyang kuwentong pambata sa wikang Ibanag. Ito ay nilathala ng Aklat Alamid. Alamin sa interbyung ito ang proseso sa pagsasalin ng kuwento. Nagbigay din ng mga tips si Mia Baquiran ukol sa paglalahad ng kuwento sa Inang Wika o Katutubong Wika.

3. Ano ang tips o payo na maibibgay mo sa mga manunulat na nagnanais gamitin ang Inang Wika sa paglalahad ng kuwentong pambata?

Ang Papa Teyo ay isinulat ko sa English at may salin ito sa Ibanag. Hindi ako ang nagsalin nito sa Ibanag. Si Irma Maguigad ang aming tagasalin at ito naman ay inedit ni George Bacud Andal, pawang mga guro at mga fluent speakers at writers ng wikang Ibanag. Ako ay isang Ibanag, ngunit ang aking nakagisnang wika ay Ilokano sa loob ng aming bahay dahil ang nanay ko ay Ilokano. Ako man ay nakakapagsalita ng Ibanag, hindi ako marunong magsulat nito. Sa ngayon, inaaral ko ang pagsusulat ng wikang Ibanag.
Ang pagsasalin ng Papa Teyo sa wikang Ibanag ay isa sa mga naging hamon sa amin sapagkat noong ginagawa ito ay hindi pa magkasundo sa orthography. Ang pagsusulat sa wikang Ibanag ay may pagkakomplikado. Ang ilang titik o salita ay gumagamit pa din ng Colonial Ibanag na hango sa Spanish. Dito kami medyo nalito kasi kung ito ang susundin ay mahihirapan ang aming target audience na basahin ito.
Mabuti na lamang at nagbigay linaw ang ilang mga eksperto sa wika mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong nakaraang taon na ipinagdiwang natin ang International Year of Indigenous Languages kung saan ilang mag stakeholders sa lalawigan ang nagsama-sama upang matalakay itong isyu na ito. At napagkasunduan nga na tulad ng ibang mga wika na “evolving” o nagbabago-bago, gayun din ang wikang Ibanag. Kung kaya’t naisulat namin ang Papa Teyo gamit ang ortograpiyang angkop panahon ngayon na mas naiintindihan ng mga bata na hindi nawawala ang konteksto, kaluhugan at bigkas ng mga salitang Ibanag. Timing din na last year naming nailunsad ang aklat na Papa Teyo sa International Year of Indigenous Languages.


Mga ilang payo sa mga manunulat na na nagnanais gumamit ng Inang o katutubong wika sa paglalahad ng kwento:
-       Una, aralin nang mabuti ang tamang pagsusulat sa wikang katutubo. Ang Ibanag ay wika din sa ilang parte sa lalawigan ng Isabela at kaiba ito sa Ibanag ng Cagayan. Marapat na pag-aralan ang wika, mga uri nito at ang pagbabago nito sa pagdaan ng taon upang mas lalo pang maintindihan paano ito maihahatid sa target audience, lalo kung ang kwentong isusulat ay para sa mga bata.

-       Pangalawa, humanap ng mga eksperto sa pagsasalita, pagsusulat at pagsasalin sa katutubong wika at humingi ng payo sa tamang ortograpiya at sa kung paano ito mas magandang ilahad sa target audience. Maraming scholars at mga experts na handang tumulong sa paraan na ito lalo na at ang mga ito ay mga enthusiasts sa pagpapalago ng katutubong wika.

-       Ipabasa at ipa-edit nang mabuti ang isinulat na kwento sa mga eksperto sa wika. Tumanggap ng mga kritisismo at matuto mula dito.

4. Magbigay ng 5 aklat na mairerekomenda mo sa mga nagsisimula pa lang magsulat ng kuwentong pambata.

Bata pa lamang ako ay mahilig na talaga akong magbasa. Noong bata ako, namulat na ako sa mga kwentong pambata na gawang Pinoy. Ang nanay ko ay nagtatrabaho noon sa Department of Agriculture kung saan nasa ilalim ng ahesiya pa noon ang nutrition programs ng gobyerno. Mapalad ako na nakabasa ng ilan sa mga unang aklat ng Adarna House dahil sa aking nanay na nag-uwi ng mga ito. Ilan sa aking mga paborito ay Tiktaktok at Pikpakbum ni Rene Villanueva, Digong Dilaw, May Tatlong Palaka, Rosa Albina, Ang Hukuman ni Sinukuan, si Langgam at si Tipaklong; Si Dilat, Si Kindat, Si Kurap, Si Pikit ni Virgilio S. Almario; Alamat ng Lansones ni Lamberto E. Antonio, Putot ni Mike Bigornia, at marami pang iba.
Sa mga foreign children’s books naman ang mga paborito ko ay The Giving Tree by Shel Silverstein, The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery, Guess How Much I Love You ni Sam McBratney, Willy Wonka and the Chocolate Factory, Matilda ni Roald Dahl, Coraline ni Neil Gaiman at mga aklat ni Dr. Seuss.
Si Itchie, ang aking anak ay namulat din sa pagbabasa ng maraming kwentong pambata na gawang Pinoy noong lumalaki siya. Marami kaming naging paborito tulad ng Bakit Matagal ang Sundo Ko, Ang Munting Patak Ulan, Sandosenang Sapatos, Ang Mahiwagang Buhok ni Raquel, Ang Mahiyaing Manok, at marami pang iba. Mayroon din siyang mga foreign titles na gusto tulad ng mga gusto ko.
Lahat ng mga ito ay inirerekomenda kong basahin ng mga nagsisimula pa lamang magsulat pero ang aking top 5 ay pawang mga classics:
- Putot ni Mike Bigornia
- Ang Hukuman ni Sinukuan ni Virgilio Almario
- Tiktaktok at Pikpakbum ni Rene Villanueva
- The Giving Tree ni Shel Silverstein
- The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

Abangan ang interbyu kay Juno Abreyu, illustrador ng Papa Teyo.

Monday, August 24, 2020

Author Interview: Mia Baquiran (1 of 2)

Narito ang interbyu sa manunulat ng Papa Teyo, si Mia Baquiran. Ang Papa Teyo ay isang kuwentong pambata na sinulat sa Ibanag at nilathala ng Aklat Alamid (2017). 

1. Ano o sino ang inspirasyon mo sa pagsulat ng Papa Teyo?

Ang aklat na Papa Teyo ay kwento ng simpleng adventures ni Papa Teyo at ni Lucy at ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa bilang maglolo. Ito ay hango sa tunay na mga tao- ang dalawang mahal ko sa buhay, ang aking Tatay na si Ted at aking anak na si Itchie. Noong pinasulat kami ni MJ Cagumbay (Xi Zuq) ng kwento para sa workshop sa pagsusulat ng kwentong pambata sa ilalim ng Booklatan sa Bayan project ng National Book Development Board, hindi na ako lumayo pa para humanap ng inspirasyon. Bilang isang single parent, nakita ko ang bonding ng aking tatay at anak at naisip kong gawan ito ng kwento, na kung saan maipakita din na kahit wala ang biological na tatay ni Itchie sa tabi niya ay nagkaroon siya ng isang “tatay” at lolo rolled into one. Lumaki pa din siyang punung-puno ng pagmamahal na hindi naramdaman ang absence ng kanyang tunay na tatay.

2. Paano kayo nagsimula ni Juno Abreu at Aklat Alamid sa proyektong ito?

Ang aklat na Papa Teyo ay nabuo sa Booklatan sa Bayan na proyekto ng National Book Development Board. Noong 2016, ako ay naimbitahan  na dumalo sa isang workshop para sa pagsusulat ng kwentong pambata.  Naganap ang workshop ilang linggo matapos ang Syper typhoon Lawin na sumalanta sa aming lalawigan at syudad. Noong una, ako ay may agam-agam sa pagdalo sapagkat buong siyudad ay depressed dala nga ng matinding pinsala ng super bagyo. Wala pang kuryente noon. Naisulat ko pa ang Papa Teyo na assignment sa ilalim ng ilaw ng kandila. Na-inspire akong dumalo dahil noong ako ay nasa kolehiyo sa UP naging guro ko si Miss Carla Pacis sa isang elective subject na Writing for Children. At isa ito sa mga subjects na gustong-gusto ko.

Si MJ ang nagsilbi naming tagapagsalita, isang award-winning na manunulat ng kwentong pambata. Siya ang publisher at nasa likod ng Aklat Alamid.

Masayang binabasa ni Mia Baquiran ang Papa Teyo sa mga bata
Ilang buwan matapos ang workshop namin, nagpadala si Xi Xuq sa akin ng mensahe sa email na nagsasabi na interesado silang ilimbag ang aking aklat. Laking gulat ko dahil never ko naisip na makakapaglimbag din ako ng aklat ko at ito ay para sa mga bata. Napakasaya ng araw na iyon. Nakita ko din ang magandang adbokasiya ng Aklat Alamid sa pagpapalago ng mga kwentong pambata sa rehiyon kung kaya’t hindi ako nagdalawang isip na mailimbag ang kwento ni Papa Teyo at ni Lucy sa Aklat Alamid.

Sa proseso ng proyekto, naitanong ni MJ sa akin kung may naisip akong maaaring gumuhit ng Papa Teyo. At dahil wala akong kakilala, inirekomenda nila si Juno, isang illustrator mula sa Pangasinan na talaga namang nakakamangha ang talento. Nabigyang-buhay niya ang mga karakter ni Papa Teyo at ni Lucy. Napakulay at napakaganda ng kanyang gawa. Sa FB messenger lang kami nag-collaborate ni Juno noong proseso ng proyekto. Sa kasamaang-palad hindi siya nakadalo sa launching naming dito sa Tuguegarao City last year. Hanggang ngayon, hindi pa kami nagmi-meet ni Juno sa personal, pero kami ay magkaibigan sa Facebook. At lubos ang aking paghanga sa kanya tulad din ng aking paghanga kay MJ at kay Miss China Patria de Vera, ang aming Senior Editor ng Aklat Alamid.



Sunday, August 23, 2020

Learning from Dianne De Las Casas

As homage to my dear friend and mentor,
Dianne De Las Casas
, we will have an Author Chat on her legacy -- the stories she shared and told, the literacy projects she cooked up and served, and the books she wrote. We will focus on one of her more popular books which is a manual (that's far from dry and boring) on storytelling, Handmade Tales. The book has tips and instructions on how to tell stories using paper tearing/cutting, draw and tell, Kamishibai, strings, handkerchiefs and hands!
Learning from Dianne was an adventure in itself. Thank you to Dear Books for initiating a blog write up to remember Dianne last August 21, 2020.


I will be demonstrating selected stories and techniques from the book as part of a pocket workshop on storytelling. It will be on Zoom on Saturday, August 29, 2020 at 10 AM to 11 AM. The link to Zoom is below.
Meeting ID: 723 508 5819
Passcode: ChatZarahG
One tap mobile
+13462487799,,7235085819#,,,,,,0#,,8050123032# US (Houston)
+16699006833,,7235085819#,,,,,,0#,,8050123032# US (San Jose)
Dial by your location
+1 346 248 7799 US (Houston)
+1 669 900 6833 US (San Jose)
+1 929 205 6099 US (New York)
+1 253 215 8782 US (Tacoma)
+1 301 715 8592 US (Germantown)
+1 312 626 6799 US (Chicago)
Meeting ID: 723 508 5819
Passcode: 8050123032
Find your local number: https://us02web.zoom.us/u/kdoS3M8rVO
See you online!

Tuesday, August 18, 2020

Kilalanin Natin Ang Aklat Alamid! (1 of 2)

Sa wakas at nainterbyu ko rin so MJ "Xi Zuq" Tumamac at si China De Vera tungkol sa Aklat Alamid, isang independent publishing house ng mga librong pambata. Kilalanin at alamin ang kanilang mga ganap at kontribusyon sa panitikang pambata.

Ang Aklat Alamid ay isang independent publishing house ng mga librong pambata na nakasulat sa iba’t ibang wika ng ating bansa. Nakikipagtulungan ito sa mga indibidwal, organisasyon, ahensiya, at iba pang publisher sa pagbuo ng mga libro at pagsasagawa ng mga gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad ng panitikang pambata sa mga rehiyon. 

Tumatayong Administrative Head si M.J. Cagumbay Tumamac at Senior Editor si China Pearl Patria M. De Vera. Naging bahagi naman ngayong taon sina Ara Villena bilang Art Director at John Romeo Venturero bilang Marketing Head.

Naririto ang panayam kina MJ at China.


1. Bakit Aklat Alamid?

Nabuo na ang idea ng Aklat Alamid bago pa man kami magkita sa isang kumperensiya sa pananaliksik ng panitikang pambata sa Indonesia noong 2016, ngunit talagang kakasimula pa lamang. Malinaw lamang noon na layunin nitong mag-ambag kahit papaano sa paglalathala ng mga librong pambata mula sa mga manlilikha at para sa mga mambabasa sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Malinaw din sa amin na maging isang independent publishing house dahil mas malaya kaming makapagdesisyon sa maraming aspekto ng paglikha ayon sa sinasandalan naming layunin at mga paniniwala sa halip na sa kapital.

Meron na rin noong pangalan, na batay sa isang endemikong hayop sa atin—ang alamid—bilang simbolismo ng focus namin na mag-publish sa iba’t ibang wika ng ating bansa. Nagawa na rin noon ni Mark Lawrence Andres ang logo batay sa mga kulay ng alamid, direksiyon ng mga nilalalang bagay (tulad ng banig at sawali), at nakabuklat na libro. 

Ngunit sa pagkikitang iyon namin narepaso ang iba pang plano at nalaman na ring pareho kami ng adhikain. Baon ang aming karanasan bilang mga manunulat, mananaliksik, guro, tagasalin, at editor at sa malaking tulong ng mga kakilala sa industriya ng panitikang pambata at mga nasa pamayanang aming pinupuntahan, nakapaglathala na kami mula noon ng dalawang libro—ang Ti Dakkel nga Armang mulang Luna, La Union at Papa Teyo mula Tuguegarao, Cagayan—at nakapagsagawa ng mga kontes, storytelling session, workshop, at iba pa. Sa kasalukuyan, nakarehistro ang Aklat Alamid sa General Santos City ngunit may mga proyekto sa iba pang panig ng bansa.


2. Ano-ano ang mga hamon na hinaharap ng Aklat Alamid sa panahon ng COVID-19?

Sa simula pa man, online ang maraming operations namin sa Aklat Alamid dahil na rin sa magkakaiba kami at ang mga katrabaho namin ng lugar na pinagbabasehan. May kaunting bentahe ito ngayong pandemya dahil nanatili pa ring online ang aming mga transaksiyon. Ngunit talagang mapanghamon ang panahong dumating sa atin ngayon. Isa sa glaring na hamon sa amin ay ang produksiyon ng physical books dahil sa komplikasyon sa mga imprentahan, sales, at distribusyon. Halimbawa, may ilang libro kami sa ilang apektadong bookstores (tulad ng Mt Cloud at Alfredo F. Tadiar) at mahirap ang delivery ng mga libro, lalo na noong mga unang buwan ng pandemya. Sa usapin naman ng mga proyekto na bahagi ang Aklat Alamid, marami kaming mga training at workshop sa mga iba’t ibang rehiyon ang na-cancel. Sa mga ilalathalang libro, kailangan ding ihinto nang ilang buwan at iurong ang produksiyon ng mga ito.

Sa pangkalahatan, mapanghamong panahon talaga ito at sa amin na isang independent publishing house, sinusubukan naming tumawid sa panahon na ito na hindi kinakailangang isuko ang pinanghahawakang dahilan kung bakit nandito ang Aklat Alamid. Magpapatuloy kami sa paglilimbag ng mga librong pambata para sa mga bata at para sa mga rehiyon.  

Sunday, August 16, 2020

What Goes Behind Zoom and an Online Author Visit

Family will always matters so I picked Max for the read aloud.
This month is Buwan ng Wika. The theme this year is indigenous languages and "bayanihan". I posted on the blog early this month that I am preparing for storytelling sessions which will be delivered online. Given the circumstances, it is the only way to go.

COVID-19 has turned our world upside down. We are not prepared for this contagion but our DNA is built in with the natural instinct to survive. Thus, we use all the necessary tools and means to create and communicate to each other and with each other.

Other than a recorded storytelling video, I have been interviewed for an Author Visit by the De La Salle DLS Zobel Librarians. A week ago, I was hooked in Zoom with my dear friend Ann Grace Bansig. She interviewed me for a recorded online Author Visit for DLS Zobel's Buwan ng Wika celebration. We talked about my books and the experiences I have writing them. I enjoyed the session and I am pretty excited to see how it will turn out.

This new experience provided us with many advantages. One, we had the time to schedule the interview at our most convenient day and hour. Two, as guest author, I was able to prepare for the interview since I had the outline of the script before hand. Three, there are enough days or lead time for the librarians to edit the video. Just imagine the preparations the DLS Zobel librarians went through. Also, this new media of communication required them to learn the technology of rendering videos online. Overnight, these school librarians became media practitioners.

This is a snippet the recorded read aloud of The Day Max Flew Away in Zoom.

What comes to mind is the preparations I do for when I am a guest in Ang Pinaka in GMA TV. We undergo the same process, except that, the production team of Ang Pinaka are media people and professionals in the field.

I think it would benefit librarians and most specially, the teachers who will use television and media in the delivery of lessons this coming school year to get a crash course on media production.

Let us see where this will lead us!


Tuesday, August 4, 2020

Buwan ng Wika at Kasaysayan 2020

This month of August is Buwan ng Wika. Many schools and organizations, local government units (LGU) and communities have plans to celebrate this cultural event. Where we are in Binan, Laguna is a historic city. Our LGU has activities already lined up. Not only will it celebrate Filipino language, it will highlight the city's history and cultural heritage.

There is a long list in the LGU's Facebook Page and one activity I look forward to attend is the talk of the librarian of the City Historical And Cultural Office, Ms. Sheila Legaspi. Any news of librarians taking part and leading the way to providing relevant and meaningful information to its learning community is worth drumming up.

Shameless promotion, here we come.

I and Melai Ramirez of the National Library of the Philippines are scheduled to appear in an online storytelling session organized by the San Pedro Department of Education. I will post information and details in the blog and in my social media accounts. So, do watch out for it!

Saturday, August 10, 2013

SLIA's Dear Librarian: Children's Books that Reflect Filipino Values

August is Buwan ng Wika.

A few months back, librarian Augie Ebreo sent a private message over at Facebook on children's books that show and reflect Filipino culture and values. This is his message in Filipino:

Ma'am tulong lang po. Pwede po ba makahingi ng inyong mungkahi kung ano ang mga pamagat ng iba't-iba't kwentong pambata na may kinalaman o kaugnayan sa paghubog at pagpapahalaga ng kultura ng mga Filipino?
 I will post my reply to Mr. Ebreo in the coming week.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...