Showing posts with label 2016 Salanga Prize. Show all posts
Showing posts with label 2016 Salanga Prize. Show all posts

Monday, June 20, 2016

2016 NCBD Author Interview: Genaro Gojo Cruz (2 of 2)

Here is part 2 of Mr. Gojo Cruz's interview where he shares with us his dreams for the Philippine Children's Literature industry.
3. Saan mo nakikita ang iyong sarili bilang manunulat ng Kwentong Pambata, 5-10 taon mula ngayon?
Gusto kong sumulat sa mas mga batang Pilipino. Nasimulan ko na ito sa "Maghapon Namin ni Nanay" at "May Sampung Pulang Langgam" na ang target na mambabasa ay ang mga batang 0-4 at 5-7 edad.
Marami nang manunulat ang nagsusulat para sa mga batang edad 8 hanggang 12.
Gusto kong maging katuwang ng mga ina ng tahanan ang aking mga aklat para sa mga bata sa pagpapakilala sa kanila ng kanilang taglay na kultura. Gusto kong sumulat ng mga aklat sa mga batang may maliliit na kamay at ang turing sa aklat ay laruan lang muna.
4. Ano ang iyong mga pangarap para sa pagyabong at pag-unlad ng Panitikang Pambata sa bansa?
Pangarap kong magpatuloy ang pag-unlad ng panitikan para sa mga bata.
Madagdagan pa sana ang mga manunulat para sa mga bata sa mga darating na taon.
Pangarap kong dumating ang panahong ang mga bida sa mga lokal na kuwento para sa mga bata ang matatandaan at iidolohin ng mga batang Pilipino.
Pangarap kong maging tulay ang lahat ng guro upang maiparating at maipakilala sa mga bata ang ating magagandang aklat para sa mga batang Pilipino. Kung nais nating makabuo ng isang nasyong nagbabasa, kailangang magkaroon muna tayo ng mga gurong nagmamahal din sa pagbabasa.

Genaro Gojo Cruz reinvents himself by pursuing writing for younger readers.
English Translation:
Where do you see yourself as a children's story writer, 5-10 years from now?
I wish to write for younger children ages 0-4 and 5-7 years old. I have started with two books published by Adarna House, Maghapon Namin ni Nanay and May Sampung Langgam. There are a good number of books for children aged 8-12 years old. I wish to be a partner of mothers by writing for younger children and help them appreciate their culture even at a young age.
What are your dreams for the growth and development of Philippine Children's Literature?
I dream an industry that continually grows and develops.
I wish to see more Filipino writers write for children in the years to come.
I dream that Filipino children idolize characters from children's books written by Filipino writers.
I dream that all Filipino teachers introduce story books written by Filipino writers to their students. If we dream to build a nation of readers, our teachers should first and foremost be readers themselves.
Genaro Gojo Cruz will be awarded the 2016 Salanga Prize on July 19, 2016, during the National Chidlren's Book Day at the Cultural Center of the Philippines.

Sunday, June 19, 2016

2016 NCBD Author Interview: Genaro Gojo Cruz (1 of 2)

Genaro Gojo Cruz among his treasures! Books! Books! Books!
Genaro Gojo Cruz bagged the 2016 Salanga Prize with his story, Makinang, Makinang. In this interview, Mr. Gojo Cruz shares with us his thoughts on winning the 2016 Salanga and clues us in on the winning story.

1. Hindi ka baguhan sa mga patimpalak sa pagsusulat ng kwentong pambata. Ano ang kahulugan ng pagkakapanalo mo ng Salanga Prize ngayong taon?
Kinompleto ng Salanga Writers Prize ang aking pagiging manunulat para sa mga bata. Kasi sa tingin ko, ito na ang pinakamahalagang parangal para sa mga manunulat ng panitikan para sa mga bata sa Pilipinas. Binigyan ako ng parangal na ito upang magpatuloy sa pagsusulat ng panitikan para sa mga batang Pilipino. At sa bawat kuwentong tinatangka kong isulat sa isang bakanteng screen, lagi't lagi akong isang baguhang manunulat.
2. Maari mo bang ibigay ang buod ng Makinang, Makinang?
Tungkol ito sa isang makinang panahi na may mayamang kasaysayang pinagdaanan. Sa pagsisikap ng ina at ng kaniyang tatlong anak na babae na pag-aaralan ang pananahi ng mga damit, hindi nila namamalayang naliligtas pala sila sa panganib ng ikalawang digmaang pandaigdig. Ang totoo, ito naman talaga ang layunin ng ama ng tahanan na siyang bumili ng makina. Ang kuwentong ito ang nakarating sa batang si Ino na kinuwentuhan ng kaniyang ina tungkol sa makina.
One of the many illustrated story books by Genaro Gojo Cruz
English Translation:
1. What is the relevance of winning the 2016 Salanga Prize to you since you have won in prestigious writing awards in the past?
Winning the Salanga Prize completes my role and identity as a children's story writer. The Salanga Prize is a relevant award as it inspires writers like myself to continue creating stories for children. However, every time I face a computer's blank screen, I feel I am a newbie writer in the industry.
2. Can you give us a synopsis of Makinang, Makinang?
Makinang, Makinang is a story about a sewing machine used by a mother and her daughters during World War II. By sewing, they were saved from the conflicts and the horrors of war. This had been their father's aim since he bought the sewing machine for the family. Ino, a young boy, listened to his mother tell this story of the sewing machine and how it saved the family through a very terrible time in Philippine history.
Genaro Gojo Cruz will be awarded the 2016 Salanga Prize on July 19, 2016, during the National Chidlren's Book Day at the Cultural Center of the Philippines.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...