Kahapon, sa aming book signing sa Lampara Books (booths 424-444) sa MIBF, SMX Convention Center, may mag-aama na napadaan sa sulok kung saan kami nakaupo. Sa mga naka-display na aklat namin sila nakatingin. Hindi sa manunulat o sa illustrador. Napansin ko ang kilos ng mata at ulo ng batang babae: kaliwa-kanan; kaliwa-kanan.
“Go ahead! You can read my book.” sabi ko sa kanya.
“I can?!” Tanong niya.
“Yes! Go read!”
At sa loob ng lima-pitong minuto, nagbasa siya ng kuwento ni Talia at Cara. Nagsabay pa silang mag-kuya sa bandang gitna ng kuwento, habang nakingiti naman ang ang kanilang tatay. Ang sarap pakingan ng batang nagbabasa!
“Let’s buy the book now.” sabi ni Tatay.
Binili din nila ang aklat ni Leo Kempis Ang dahil mahilig silang kumain ng balut!
Nagpapirma sa amin ang mga bata sabay pa-picture. Nalaman ko na grade 2 na ang magkapatid at kambal pala sila! Isang MIBF moment ito na hindi ko malilimutan.
No comments:
Post a Comment