Monday, March 17, 2025

Book Review: Pasakalye at sa ibang katawan

Natuwa ako nang makilala si Lean Borlongan sa Philippine Book Festival noong kamakalawa. Panelista kami sa isang talakayan tungkol sa pagkakasama-sama (inclusion) na inorganisa ng Indie Collab PH. Naging masaya at makabuluhan ang diskusyon.
Bago magsimula, bumili ako ng dalawa niyang aklat—mga koleksyon ng tula.
Nagustuhan ko ang Pasakalye dahil maayos ang pagkaka-curate ng mga tula. May direksyon; may patutunguhan. Sa kanyang mga tula, dinala ako ni Lean pabalik sa aking pagkabata. Bumalik ang mga alaala ng hinagpis at saya sa aking paglaki at pagkamulat. Nakakaantig.
Isinunod ko ang sa ibang katawan. Sa dedication page pa lang, kinilabutan na ako. Bumilib ako sa intertextuality ng aklat dahil, para sa akin, natumbok nito ang layuning ipakita at ibahagi ang buhay ng makata. Ang husay!

Makapangyarihan ang aklat na ito—kaya nitong buksan ang pusong sarado sa pang-unawa sa iba. Kung hindi man, guguluhin nito ang isip ng status quo. Sumakses ito sa layunin nito. 

5 Bookmarks para sa 2 aklat

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...