Sunday, February 19, 2017

Author Interview: Edgar Calabia Samar on Janus Silang the Theater Play

National Children's Book Awards 2016

Congratulations to Edgar Calabia Samar on his success as author of the series, Janus Silang (Adarna House, 2014). He generously shares his thoughts on the series' amazing climb to readership success.

1. Inakala mo bang magiging matagumpay ng ganito kalaki ang Janus Silang? Print, theatre at broadcast media na ang naabot nito. Saan pa patutungo si Janus? Halimbawa, school tour?


Naku, siyempre po, ang nasa isip ko lámang noong isinusulat ko ang Janus Silang ay ang libro, na sana ay mabása ito nang marami. Wala talaga sa isip ko noon na magiging komiks, o dula, o ngayon nga ay teleserye ito. Ang tanging measure ko noon ng success nito ay kapag binasa ito ng mga kaibigan ko mula sa San Pablo, na hindi naman karaniwang nagbabasa ng mga nobela, at kapag nagustuhan nila nang hindi ako binobola lang. Sa palagay ko ay nagtagumpay naman ako roon. Sa ngayon nga, sila pa ang unang-unang nangungulit sa akin kung kailan na lalabas ang Books 3. So ibig pong sabihin, ang extension nito bilang ibang anyo ay malaking-malaking bonus na. Siyempre po, malaking bagay rin na bukod sa popular na pagtanggap ay mayroon din itong critical recognition nang pinarangalan ng National Book Award ang dalawang nobela bilang Best Novel, at gayundin ng National Children's Book Award bilang Best Read for Kids.

2. Bilang manunulat Ng nobela, paano ka naging bahagi sa pagsasadula ng Janus Silang?

Tumatayo po akong consultant nila sa mga pagkakataong may gusto silang gawin na hindi explicit na nasa libro (tulad halimbawa ng pagbibigay ng pangalan sa ibang players ng TALA, tulad ni Lemuel sa play na wala sa nobela). Pero sa kabuuan ang aking pinakamalaking papel sa dula ay bilang fan. Lubos ang pagtitiwala ko sa direktor (si CY) at sa playwright (si Guelan) at siyempre sa pangangasiwa ng artistic director ng Tanghalang Ateneo na si Glenn Mas. Kapag pinapanood ko nga ang dula, ako ang ginagawa nilang fan ng Janus Silang. Hanga ako sa mga aktor at proud sa mga ginawa ng buong production team para mapaganda ang produksiyon.

3. Meron na itong book two at kelan naman ang publication at launching ng book three May malaking pressure ba sayo na mahigitan nito ang mga unang aklat sa serye? Paano mo nama-manage ang pressure, kung meron man?

Ang target sa series ay hanggang limang libro. May outline na ako para sa buong series, at hopefully ay lumabas ang Book 3 ngayong taon. Ang pressure sa akin ay mas personal na pressure ko sa sarili na talagang matapos at mabuo ang series nang maayos, sang-ayon sa vision ko rito at hindi sana mabigo ang fans ng series. Very minimal ang external na pressure kasi halos lahat naman ay very supportive sa tinatakbo ng series. Grabe ang kanilang suporta at lubos-lubos ang pasasalamat ko sa kanila.


Mga links na makakatulong sa pag-unawa sa nobela at sa pagtuturo nito sa klasrum:

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...