With Totet, under a shower of books! |
It did not win first place, but we are honored to be recognized by the readers we write for. Salamat , mga bata!
Here now is part 1 of an interview that Totet so generously accepted for the blog. Many regard him as "Sir Totet" in the UP College of Fine Arts. Being one of the "manongs " (older brother) in Ang INK (Illustrador ng Kabataan) he has points to tell the aspiring illustrator. But, he is a lifelong learner who looks back at the artists whom he has learned much from. Read about Totet's insights about the artist's life and his heroes in the industry.
1. Ano ang top three life lessons na nakuha mo bilang illustrador ng mga kabataan?
Una, makulay ang buhay. Pero ang bawat kulay ay nakikipag-ugnay sa iba para mabuo ang eksena.
Ikalawa, ang bawat linya ay mahalaga – manipis man o makapal, diretso man o baku-bako, mahaba man o maigsi. Ang bawat linya, kung matyagang gawin at tapusin, ay nakakabuo ng iba-ibang anyo at hugis.
Ikatlo, huwag maliitin ang kakayanan ng batang umunawa, makiramdam at magbigay ng kahulugan sa bawat detalyeng nakikita niya. Marami tayong matutunan sa mga bata. Hindi natin dapat isantabi ang bata sa ating mga sarili.
One of my favorite spreads in Big Sister is the five loving ways of "Ate". |
2. Sino ang iyong idol illustrator at bakit ?
Larry Alcala – simpleng line drawings pero naipakita ang tunay na karakter ng mga Pinoy sa nakakatuwang paraan. Isang karangalan para sa akin na iisang kolehiyo ang aming pinagmulan bilang mag-aaral at guro ng Visual Communication. Pareho rin kaming naging bahagi ng Philippine Board on Books for Young People (PBBY).
Albert Gamos at Ibarra Crisostomo – malawak ang kakayahan nila bilang ilustrador. Sila ang unang mga ilustrador na aking nakatrabaho noong nag-Practicum ako sa Adarna.
Maurice Sendak - hindi ko siya nakatrabaho pero sana (hehehe). Kahit simple ang mga eksena at hindi sumisigaw ang mga kulay, parating may magic sa mga biswal at may pino at maayos na mga detalye.
Maraming mga mahuhusay na miyembro sa Ilustrador ng Kabataan. Saludo ako at natututo rin sa kanila.
Our certificate. This makes it legit. |
3. Saan pa kaya patutungo ang mga Pinoy illustrador ng kabataan?
Marami pang maihahandog ang mga Pinoy na ilustrador para sa mga kabataan. Kahit walang kasiguraduhan ang takbo ng mundo, lalo ng ating bayan, sana marami pang mga kuwentong maisulat na makakatulong sa mga batang humarap at maging positibo ang pananaw sa buhay. Ang mga ilustrador ay patuloy na magbibigay ng kulay at anyo sa mga karakter at kuwentong may kabuluhan para sa kabataang Pinoy.
Part 2 will be posted sometime within the week. It is there where Totet shared his approach in illustrating Big Sister. We will run a workshop on writing and illustrating children's stories during the Manila International Book Fair at SMX, MOA Pasay City.
No comments:
Post a Comment