Kinse minuto na lang, magsasara na ang aklatan. Babalik na sa dorm
si Kate at muli siyang babalik sa aklatan. Bukas, kailangan mahiram na
niya ang mga aklat na kailangan niyang basahin para sa Philo subject
ngayong semestre. Kung bakit kase naubos ang oras niya sa paglilinis ng
drawings niya sa laptop hindi naman siya enrolled sa art class. Naisip
niya ang kanyang ama na umaasang magtatapos siya ng Political Science
upang ituloy ito sa kursong law. Pwede ko pa naman yata makausap si Dad, isip niya habang nagliligpit ng mga gamit.
"Miguel, ang mga aklat na ito ay para kay Kate." Bigkas ni Ms. G. "May
reservation siya sa OPAC at napaaga ang pagbalik ng dating nanghiram."
"Si Kate po? Kilala nyo siya?" Gulat na sabi ni Miguel.
"Miguel naman...pati ikaw kilala ko." Tumalikod si Ms. G na may ngiti sa mga labi.
Palapit na si Kate sa circulation counter at napatingin sa kanya ang
student assistant. Kilala niya ito sa mukha lamang. Pero alam niyang
Miguel ang kanyang pangalan. Ano pa ang silbi ng mga malalaki nilang
IDs? May tuwang nararamdaman Si Kate sa tuwing magpapasalamat siya kay
Miguel. Tatango lang ito sa kanya at babalik muli sa kanyang gawain.
Gusto sana niyang magpakilala pero, nagaalinlangan siya. What's the
point? Kung yung thank you ko nga, halos hindi niya sagutin ng welcome.
Ireklamo ko kaya ito sa librarian? May pagkasuplado. Then again, what's
the point? Isip niya sa sarili.
No comments:
Post a Comment