Magandang araw!
Inaanyayahan namin kayong makilahok sa isang BLOG TOUR mula Hulyo 7 –25, 2015. Ang BLOG TOUR ay bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng National Children’s Book Day (NCBD), na papatak ngayong July 21, 2015.
Ipinagdidiriwang ang NCBD tuwing ikatlong Martes ng Hulyo bílang paggunita sa pagkakalimbag ng “The Monkey and the Turtle” ni Jose Rizal sa Trubner’s Oriental Record sa London. Nangunguna ang
Philippine Board on Books for Young People (PBBY) sa pagdiriwang nito. Para sa impormasyon tungkol iba pang mga gawain ngayong buwan, bisitahin ang PBBY sa Facebook.
Bawat linggo, magpo-post ang mga lalahok sa BLOG TOUR ng sagot (sa anumang wikang ginagamit nila) sa mga tanong na may kinalaman sa mga Pilipinong aklat pambata at pangkabataan. Kailangang mai-post ito bago mag-6:00 NG dahil ibabahagi ito ng PBBY sa kanilang Facebook page nang mga 7:00 NG. Maaari namang gamitin ang mga hashtag na #UmuulanNgLibro #NCBDBookfair2015 at #NCBD2015 sa pagbabahagi sa social media.
Narito ang mga tanong sa bawat linggo:
Hulyo 7 – 13: Paboritong Aklat
Ano ang paborito mong aklat pambata at pangkabataan? (Kailangang isinulat o iginuhit ito ng isang Pilipino. Maaari namang maglista nang higit sa isa pa.)
Hulyo 14 – 19: Dream Date
Sinong manunulat o ilustrador ang nais mong makasama sa isang araw/gabí? (Kailangang mga aklat pambata at pangkabataan ang nililikha niya. Maaari ring maglista nang higit sa isa pa.)
Hulyo 20 – 25: Wish List
Anong Pilipinong aklat pambata o pangkabataan ang gusto mong mailimbag? (Maaaring paksa, uri ng aklat, o ng isang manunulat o ilustrador. Maaaring maglista nang higit sa isa pa.)
Kung nais ninyong makilahok sa BLOG TOUR at tumulong sa pag-aanunsiyo ng mga gawain ng PBBY sa buwang ito, pakibigay ang sumusunod na impormasyon:
• Pangalan (na gagamitin ng PBBY sa mga post nito)
• Blog (pangalan ng blog at url)
• Deskripsiyon (pagpapakilala sa isang pangungusap)
• Mga Petsa ng Paglahok (isang araw bawat linggo, maliban sa Hulyo 21)
• Tutulong sa mga Anunsiyo? (oo/hindi)
Umaasa kami sa inyong positibong tugon!
Sumasainyo,
Zarah Gagatiga
School Librarian in Action
(lovealibrarian.blogspot.com)
Xi Zuq (MJ)
Xi Zuq’s Nook
(xizuqsnook.com)
No comments:
Post a Comment