SLIA Resources, Directories & Lists

Tuesday, May 27, 2025

Masaya ang Maging Manunulat!

Read Aloud ni Teacher Loraine 
Isa akong masayang manunulat kapag may mga nare-recieve akong balita na babasahin at gagamitin ang aking aklat sa pagkukuwento sa mga bata. Noong unang lingo ng Mayo, binalita ni Ms. Loraine Bautista, 2nd year college student ng Miriam College, taking up a bachelor's degree in Childhood Education, na gagamitin niya ang aklat naming Masaya Ang Maging Ako (Gagatiga at Bauza, Lampara 2020) sa pagsasalaysay. Bahagi ito ng kanilang group project na makapagturo ng literacy skills sa mga batang nasa day care.

Pero, may malaki silang problema. Wala daw silang makuhang kopya! Kaya nagpadala ako ng kopya ng aklat at nag-transfer si Loraine ng bayad. Isa pa ito sa aking ikinatuwa. May respeto sila sa aking sining at sa buhay manunulat.

Lingo ng Mother's Day noong i-send ko via Lalamove ang aklat. Nagdaan ang ilang mga araw, nakakuha na ako ng feedback. Hiningi ko ang pahintulot niya na i-blog ito kaya, ibinabahagi ko ngayon ang kagalakang ito.

Good morning, Ms. Zarah! ☀️ Thank you so much for your book! I was able to use it yesterday during our teaching implementation with the day care learners. They were very engaged and had so much fun with the story, especially because it sparked their imagination! We also received great feedback from our professors, who said the book is very nice and perfect for kids šŸ’™ We truly enjoyed reading it, and we loved the illustrations too! Salamat po, and God bless you! ❤️

Aaminin ko na naghahangad akong magka-award muli. Malaking trabaho at bibilang talaga ng panahon ang ganitong pangarap. Subalit, ramdam na ramdam ko ang pagkatotoo ni Loraine. Pinili niya ang aming aklat para ibahagi sa mga batang paslit. Para na din akong nakapanlo ng award.

Maraming, maraming salamat!

No comments:

Post a Comment