1. Ms Mailin at Ms Zarah, ano ang inspirasyon sa istilo ng pagsulat mo?
Ms. Z: Inspirasyon ko ang pamilya at mga mag-aaral; ang bata at kabataan.
2. Paano ayusin ang pagsulat mo kung mas kalat?Ms. Z: Makalat talaga ang paglikha. Kailangan maunawaan ang proseso. Kailangan ito pagtuunan ng panahon. Sa pagsunod sa proseso, maaring maiayos ang kalat. Tanda mo pa ba ang mga hakbang sa proseso ng pagsusulat? Ibinahagi ko ito nung una nating pagkikita.
3. Yung mga kuwentong sinulat mo na parang alamat, paano ka nag-isip nito? Halimbawa sa kuwentong "How the Moon and Stars Came to Be" paano ka nag-isip na yung necklace ay naging mga bituin.
4. Ano ang una sa paggawa ng kuwento? Yung guhit o yung sulat?
Ms. Z: Sa proseso ng pagsusulat, may tinatawag na pre-writing o paghahanda. Dito nangyayari ang pagbuo ng kuwento gamit ang framework o balangkas at ang pag-iisip ng mga katangian ng tauhan. Ang mga tauhan ay madalas may problema at nagahhanap ito/sila ng solusyon. Makakatulong kung gagawan ang manunulat ng graphic organizers para dito. Sa ganitong paraan, maaring mag-drawing ang manunulat.
Ito ay gawain ko rin. Nahirapan akong bumuo ng kuwento ng isang alamat, Ang alamat ng ni Mariang Makiling. Kaya, nag-drawing muna ako at bumuo ng framework gamit ang SIMULA-GITNA-WAKAS/KATAPUSAN. Handa na akong magsulat. Matapos nito, may manuscript na ako o draft ng kuwento. Atsaka na ako magdo-drawing o makikipag-usap sa ilustrador ng kuwento.
5. Ano ang iyong mga inspirasyon sa pagsusulat? Nagsusulat ka ba at pagkatapos ay paikliin ang iyong mga talata o naisulat na ito na pinaikli?
6. Ano ang pinakamahirap na bahagi sa pagsulat ng kwento? At saan mo nakukuha ang mga ideya ng kwento?
Ms. Z: Pinakamahirap ang mag-revise at mag-edit. Nasagot ko na ang follow up question sa number 1.
7. Paano gawin organizado ang kwento na gusto no sumulat?
Ms. Z: Balikan nag sagot ko sa number 2 at 4.
8. Paano mo magsulat ng kwento kung wala kang ideya kung anong gusto mo sumulat?
Ms. Z: Meron akong journals. Doon ako nakakakuha ng ideya. Ang mga iniisip nating ideya, mga panaginip at hiraya ay nakalutang na parang ulap. Nawawala ito. Kung hindi isusulat, mas mahirap makabuo ng kuwento. Kaya, ang mga manunulat ay may paraan na ilatag o alalahanin ang mg ideya. Journaling ang gamit ko para dito. Ganun din ang blog ko at mga socmed sites or accounts.
9. Bakit gusto (mo) ang kuwento ng "Ang Leon at Ang Daga", para sa mga bata? Ano ang mensahe na nasa kuwento, na gusto mo kumalat?
10. Sino ang target audience para sa iyong mga kwento?
Ms. Z: Ang target audience ko ay mga bata sa Kinder hangang Grade 2.
11. Paano mo iniisip ang mga ideya? Gaano katagal bago magsulat ng kwento?
Ms. Z: Nakakapagsulat ako ng manuscript sa loob ng isang lingo kung yun lang ang gagawin ko. Madalas, inaabot ako ng buwan at taon.
No comments:
Post a Comment