SLIA Resources, Directories & Lists

Thursday, December 9, 2021

DZRH Health Plus Author and Illustrator Interview: Masaya Ang Maging Ako

Here are the interview questions which I answered for DZRH Health Plus. The teleradio show was last November 7, 2021.

1.   Kayo po ay isang guro-katiwala ng aklatan. You practically live in a world full of books. Ito po ba ang dahilan kung bakit kayo nag-umpisang magsulat ng aklat pambata?

2    Yes. Pero nung teenager ako, gusto ko na maging manunulat. Naisip ko noon na may kuwento rin akong pwedeng ibahagi sa iba. At kung na-touch ako or na-inspire ng mga kuwento na binabasa ko, makapagbibigay din ako ng inspiration sa iba. In books, we establish human connections. This connection can be personal as well as communal.

Ano naman po ang naging inspirasyon niyo sa pagsulat ng kwentong Masaya ang Maging Ako?

Inspirasyon ko ang aking anak na babae 😊 at hango sa danas niya ang kuwento ni Tere.

Nang binasa ko po ang kwento, ang batang si Tere po ay aktibo sa klase, sa extra-curriculars. Pero pinagtatawanan po siya ng ilang kaklase niya. matatawag ba nating siyang isang 'Nerd' at maituturing bang form of bullying yung pinagtatawanan siya?

Yes. Kakaiba kase si Tere. Hindi lang siya nerd, isa siyang “queer” child. Ang mga nerds, queer or LGBTQ+, Indigenous groups, disabled and special needs learners ay madalas biktima ng bullying dahil sila ay kakaiba at naiiba. Hindi ito madaling maunawaan kung hindi bukas ang pananaw or world views. Kailangan natin ng impormasyon at mga kuwento na may empathy para maunawan sila at ang pamilya/komunidad na kanilang ginagalawan. Sa MAMA, sinubok naming ni Jamie Bauza na ipakita ang dalawang pananaw na ito subalit, naka-focus kay Tere.

May iba’t-ibang uri ng bullying. 

1. Physical

2. Verbal

3. Cyber

4. Emotional

5. Prejudicial

6. Sexual

 Ang naranasan ni Tere na bullying ay Verbal, Emotional and Prejudicial bullying.

At katulad po ng nangyari sa kwento, hindi po natinag si Tere at patuloy ng ginawa ang ginagawa niya. Ano po ang maipapayo niyo sa mag batang hindi naman katulad ni Tere na aktibo at matapang pero maaring pinagtatawanan din ng mga kalaro o kaklase?

Para sa mga batang hindi katulad ni Tere, ang unang dapat makausap ay ang mga magulang. Kaya may inner strength si Tere ay dahil sa mahal na mahal siya ng kanyang pamilya kahit ano pa man siya. Ang pagkabibo at aktibo niya ay hindi masama sa tahanan na kanyang kinalakhan. Ang pagiging queer niya ay tolerated sa pamilya na kanyang kinabibilangan. Tere loves herself because, she is raised that way. Mahalaga na patuloy din natuto ang mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak.

Ganyan din ang masasabi ko sa mga guro na may mga danas ng bullying sa classroom, online man or face to face. Sa pagplano at pag design ng instruction, maaring ma-break ang prejudice, mabigyang boses ang marginalized students at marepresent ang lahat ng mag-aaral. May ibang workshop para dito.

Isang paraan ang storytelling at developmental bibliotherapy na maaring gamitin sa bata na mahina ang loob or may issues ng self confidence / self worth. May pamamaraan ito at strategy. Magsimula sa pagpili ng kuwentong akma para sa bata. Bumuo ng mga tanong na makapagbibigay ng self confidence ayon sa context ng kuwento. Magpagawa ng mga activities na ma-express ng bata ang kanyang galling, mga iniisip at nararamdaman. Integrate ito sa art, music at iba pa.

Napansin ko po ang paggamit ng ilustrasyon para ikwento ang nangyayari kay Tere. Hindi na kailangan pa ang texto. Puede niyo bang ipaliwanag po ito? Ang inyong kolaborasyon sa ilustrador, si Jamie Bauza.

 Ang mga illustardor tulad ni Jamie Bauza ay may angking galling sa pagkukuwento gamit ang visuals, symbols at colors. May tinatawag kaseng visual narrative at dito pumapasok ang husay ng illustrador. Sadyang limitado ang mga salita na ginamit ko upang makapagbigay or makapaglagay si Jamie ng kanyang naratibong Biswal sa kuwento. Kaya naman, ang MAMA ay kuwento ng aking anak na kinwento ko at kuwento rin ito ni Jamie na gumawa ng illustrations. Sa suporta ng Lampara at Room to Read, ang aming kuwento ay kuwento rin ng babasa nito.

So, babalik tayo sa una kong sinabi na personal ang pagbabasa at maari din itong maging communal.


No comments:

Post a Comment