SLIA Resources, Directories & Lists

Wednesday, October 14, 2020

Kuwentong Musmos Book Project Magiging Radio/Podcast Audio-Drama

 

Kaninang umaga, inulan ang puso ko ng saya!

Umattend ako ng consultation at workshop kasama ang mga kaibigang manunulat na bahagi ng Kuwentong Musmos Project ng Room to Read. Isa itong reunion. Marami kaming na-miss at na-miss namin ang lahat!

Bohol Bee Farm.

Kakaibang flavors ng ice cream. Edible flowers.

Paglalakad sa beach sa umaga para abangan ang pagsikat ng araw. Babalik sa dalampasigan sa hapon para sa paglubog nito. May hawak na isang tasa ng kape at kasama ang isang kaibigan sa industriya at magkukuwentuhan tungkol sa... wala lang.

Ang mga workshops sa big group at small group ay nami-miss ko rin. Salamat sa teknolohiya, nakapag-usap kami kahit saglit lang sa Zoom.

Kasama sa pulong ang mga actor-writers ng Tanghalang Pilipino (TP). May mga nakilala akong bagong kaibigan sa larangan ng sining. Fangirling moment, sa totoo lang! Napapanood ko lang sila noon sa CCP at sa online channels ng TP. Ngayon, kasama na sila sa pagpapanday ng mga kuwentong pambata. Sila ang magsusulat ng radio adaptation ng aming mga kuwento. Exciting!

Nakakatuwa ang palitan ng mga kuro-kuro ng mga authors at actor-writers. Nakakatuwa na maging bahagi ng proseso ng mga actor-writers. Para kaming nagwoworkshop.




Layon ng proyekto na mas marami pang bata at pamilya, paaralan at komunidad sa Pilipinas at sa ibang bansa ang maka-experience ng aming mga katha at likha. Isa itong biyaya. Sa panahon ng pandemya, may pagkakataon tayong lumikha. Isa itong paraan ng paghilom at may pag-asa tayong makakamit.
Maraming salamat kay Sir
Al Santos
, sa bumubuo ng Kuwentong Musmos Project, sa Tanghalang Pilipino at CCP. Mas mabibigyan pa ng pagkakataon na marining ang boses ni Tere!

No comments:

Post a Comment